Chaotic Party

442 8 1
                                    


CHAPTER ELEVEN

"Chaos is the New Cocaine"
- Corry Ellison, The Morning Show

"Hindi ko talaga ineexpect na magiging close tayo" sinabi ni Brent kay Clark sa kalagitnaan ng paguusap nila.

"Me neither, I mean.... matagal na tayong school-mate but we never got this close." sagot naman nung isa, kanina pa sila 'di tumitigil sa kakatawa and kakadaldal hindi na din nila na totopic si James o yung iba pa kasi magka wavelength sila eh. Sila ata yung pinaka walang drama sa grupo ngayon—- mabuti na yun atleast balance.

"May sasabihin ako" nagsmile lang si Brent dito sa kausap niya.

"Hit it"

"Alam ko napagusapan na natin 'to but... I think you and Caleb need to talk, ewan para mapagusapan kung ano man yung awkwardness niyo and ba't di kayo tulad ng dati. Malay mo naghihinatayan lang kayo." sabi ni Brent dito.

"Yeah I think you're right... can you help me with that?" Nagsmile lang pabalik din si Clark and gusto na niya talaga magpatulong dito pero nahihiya lang buti nalang si Brent na nagopen ng topic.

"Speaking of Caleb..." napadaan kasi sila dun sa may kusina tas nakita nila na may kalandian si David tapos Caleb was just staring at him. Parang nakita nilang nainis 'to or what eh mas nagworry si Brent na walang kasama ito, dun palang niya narealize na napabayaan nila yung anak nila ni James

"Uy Caleb!" tawag ni Brent dito pero mukhang wala sa sarili at inubos na yung soft drinks nito at pagalit na tinapon sa basurahan. Hindi siguro sila narinig sa sobrang lakas ng music sa party and sa inis na nararamdaman nito ngayon.

#

Kumuha nalang si Caleb ng soft-drinks dun sa ice box. At sakto, may dr. pepper cherry dun. His favorite drink, iba kasi yung dating nito eh. Uminom nalang siya dun sa may wall na walang crowd, yung walang naglalampungan, sumasayaw, at, nag shoshot. Tsaka siya napunta dun sa isang kwarto na walang tao.
Kwarto ata 'to ni Jesse kasi may pictures ng family niya and may pictures din ng barkada niya. Tinignan niya yung picture ng barkada nila ni David at Clark, at dun siya napatitig sa roomie niya.
"Alam mo hindi din kita gets, minsan ang bait mo pero minsan ewan ang sarap mo ipasok sa banga." natatawa nalang siya na kinakausap niya yung sarili niya dun sabay umiinom dun sa soft drinks niya. Naisip niya na kausapin si David, eh hindi lang naman basta magsusungit yun at magsusuplado dahil lang late sila. Lumabas na siya sa kwartong yun at sinubukan niyang hanpin si David, nabingi nanaman siya sa kumakabog na music, napunta siya dun sa may bandang kusina, nakita niya si David na may kalandian, nag aasaran sila nun at may binubulong sakaniya tsaka lang siya tumatawa na parang ewan, parang sira.

Nainis si Caleb dun na parang walang kwenta na pumunta pa siya dito, pinilit pa siya ng mga barkada niya pero may kaniya kaniya naman pala sila. Pinilit siya nitong David tapos lumalandi lang yung gago. Pakandong kandong pa si ate girl at halatang kumakaskas siya sa crotch nito at nakaupo lang sila dun sa may kitchen counter. Naisipan nalang umalis ni Caleb at bumalik sa Dorm niya.
Bago siya lumabas sa exit may humawak at tumawag sakaniya.

"Caleb... Caleb Urbano?" Liningon niya ito at parang pamilyar yung mukha, kaklase niya nung Junior High si Jerome.

"Jerome?" tanong nito na parang rinerecall niya pa kahit hindi naman niya ito nakausap nung magkaklase sila.

"Yes, Long time no see... aalis kana?" nakangiting tanong nito "What a Caleb move...talagang hindi nag babago— but in a good way"

"Yes, long time no see" huli pa niyang nakita 'to nung moving up nila, bago siya lumipat ng B.U.

Pull Me CloserWhere stories live. Discover now