Chapter 23

4.8K 110 23
                                    


"Magnus, I really appreciate what you've done for us. Utang na loob ko lahat 'yon sayo. Thank you for being a good father to Rio. Hindi ko makakalikumutan ang mga kabutihan na nagawa mo para sa amin." sabi ko.

Nandito pa kami sa isla. Oras na para umuwi ako sa amin. But before that, nagpaalam muna ako kay Magnus. Buti na rin siguro 'to para makapagsimula si Magnus ng bagong buhay. Hindi niya na kami kailangan aalahanin pa. He can meet new people and doesn't worry about us anymore.

He's a true friend and a great helping hand.

Alam kong naging pabigat kami sa kanya. Hindi man niya sabihin ay naging responsibilidad niya kami.

He spent half of his life taking care of us. And I will always be grateful to him for that.

Nanubig ang mata ni Magnus habang pinapakinggan ang sinasabi ko. Masakit ito sa kanya dahil sa loob ng limang taon na magkasama kami, tinuring niya na kaming pamilya.

"I know that this day would come. But still, nasasaktan pa rin ako. Hindi ko inakala na mawawala kayo sa 'kin. Tatanggapin ko nalang 'to because at the first place, you are not mine anyways..." sabi niya. Pinahid niya ang mga luhang bumara sa mata at pinilit na ngumiti.

Nagkibit-balikat siya at nakangiti akong tiningnan. Then, he offered his arms. "Can I hug you for the last time, Oceana?" he said.

Ngumiti ako at tinanggap ang yakap niya. He hugged me very tightly. Hindi naman ito ang huli naming pagkikita. Alam kong magkikita kaming muli. Ang kaibahan lang ay wala na kami sa poder niya.

"I hope you can find a woman who will truly love you, Magnus. You're a great person... Sana magkaroon ka na rin ng pamilya... Thank you for everything..."

Nagtagal ang pagyayakapan namin ni Xenon. We really savoured the time left for us. Not until someone cleared his throat behind us.

Tsk... Xenon...

Napabitaw nalang kami sa pagkakayakap.

"I guess that was enough? Aalis na kami." sabi nito.

Kahit kailan talaga panira itong lalaking 'to.
Tiningnan ko siya at inirapan lang.

"Oceana, can I talk to Magnus? Please excuse us for a while." dagdag pa nito.

Gaya ng sabi niya, iniwanan ko sila. Ngunit bago pa man ako makaalis ay pasimple akong binulungan ni Xenon. "Kung makayakap ka naman..." sabi nito.

Inirapan ko nalang siya at pasimpleng kinurot ang kanyang tagiliran na talagang nagpadaing sa kanya.

Deserve...

After a while, we finally left the island of Santa Monica. The island who witnessed my suffering, pain, and growth. I've met a lot of good people. Hindi ko naramdaman na iba ako. I didn't hear any judgements from them. They welcome me as a family.

I promise, I will come back here.

We rode Xenon's yacht. Napakasaya ni Rio kasama si Xenon. Naglalaro sila dito sa yate na para bang playground nila ito. Tinuruan niya pa nga si Rio on how to maneuver the wheel.

Makalipas ng ilang oras na byahe, nakarating na rin kami sa port. Dinala kami ni Xenon sa bahay namin noon. Walang nag-iba. Ganoon pa rin.

There's a part of me who misses this house. Matagal rin akong nanirahan dito. This is the house who witnessed my love for Xenon before. Hindi pa rin nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Pero ngayon, iba na. Nag-iba na lahat. May anak man kami pero wala na kaming dalawa. Tanging si Rio nalang ang dahilan kung bakit ko pa siya hinaharap ngayon.

Nasa front yard kami ngayon. Xenon and Rio were busy cultivating the plants in the garden. Habang ako, nakaupo lang sa upuan na nandito sa garden na gawa sa metal.

HOT SERIES #2: Waves of Pleasure Where stories live. Discover now