Chapter 7

4.9K 109 5
                                    

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Nako..." Xenon's mom said unbelievably.

"Ako rin, amega. Kasal na ang mga anak natin? Sobrang sayo ko." my mom replied then they both laugh.

Magkatabi na silang dalawa habang kami ni Xenon ay magkatabi rin. Magkatapat kaming apat.

Tahimik lang kami ni Xenon habang ang aming mga magulang ay hindi makapaniwala. I want my mom to know that I am married to Xenon pero hindi ko inakala na sa ganitong sitwasyon kami magkakakilala.

This is not the place that I imagine him to meet my mother and so am I.

Si Xenon ang taong iniiwasan ko pero sa kanya pa rin pala ang bagsak ko. I couldn't believe that we were bound to meet each other even before.

Ang liit-liit talaga ng mundo...

"So, you got married in an island? Kwentuhan niyo naman kami..." parang batang ani ng Mommy ni Xenon. She was even using her puppy eyes.

Tumango-tango naman ang Mama ko.

"Oo nga naman, Oceana. Sana sinabi mo agad para hindi na kita hinahanapan ng makaka-date mo..."

I looked at them using my natural emotionless face.

"We've been dating for almost a month now. Tinago lang namin dahil sabi mo, ayaw mo ng abogado para sa akin." sabi ko kay Mama.

Nagulat siya at nanlaki ang mata sa sinabi ko. Hindi naman talaga niya sinabi na ayaw niya sa abogado. Gawa-gawa ko lang iyon.

Nagkatinginan ang aking mama at si Xenon at dali-dali siyang lumingo. Parang sinadabi niyang hindi totoong ayaw niya sa abogado.

Pagkatapos ay tumingin siya sa akin ngunit nanatili lang akong kaswal. "S-Sinabi ko ba 'yon?"

"Sinabi mo."

Gusto kong matawa sa itsura ni Mama dahil parang hindi siya mapalagay. Siguro nahihiya siya kay Xenon at sa kanyang amega.

Xenon then cleared his throat. "Ayaw niyo pala sa abogado, Tita. Buti nalang pinakasalan ko na. Kasi kapag abogado, naninigurado."

Nakagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili kong mapangiti. When I looked at my mom's reaction, it was priceless.

She was shocked. Yeah.

Dumaan ang oras na puro lang kami kwentuhan. Or should I say, sila. Sumasagot lang ako kapag may tinatanong sila. Gumagawa pa ako ng mga kwento-kwento para lang mapaniwala silang may relasyon kami ni Xenon at kasal na kami.

Nakita ko naman ang saya sa mukha ni Mama. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya.

Hanggang sa makalabas kami ng restaurant, puro lang sila tawanan at kwentuhan. Especially, the two oldies.

Napagpasyahan na naming umuwi pagkatapos ng mahabang araw.

Nandito kami sa harap ng aming sasakyan. Xenon and Mrs. Claudia decided to see us in our car. Hinatid pa talaga kami kung saan naka-park ang aming sasakyan.

"So, you're finally moving with Xenon next week, Oceana. Grabe... Hindi ako makapaniwala na mawawalay ka na sa akin..." madamdamin nitong saad sa akin.

Siya nga itong gusto na akong paasawahin eh. Hay nako...

She then diverted her looks to Xenon who's beside me. "Xenon, Hijo, alagaan mo ang anak ko, ha?"

Nanigas ang aking katawan nang ilagay ni Xenon ang kanyang kamay sa aking bewang. Parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan nang maramdamang ko ang init ng kanyang kamay na dumadampi sa akin.

HOT SERIES #2: Waves of Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon