Chapter 5

5.4K 135 20
                                    

"Hindi pa rin ba bumabalik ang kaibigan mo?" tanong ko kay Xenon.

Tatlong araw na kaming nananatili rito pero wala pa ring kumukuha sa amin. Baka hinahanap na ako.

One week is too long.

"May nakikita ka? Wala, 'di ba?" pilosopo niyang sabi.

Kapag talaga itong lalaking ito ang kausap ko, nababawasan ang angas ko.

Naglalakad kami patungo sa gubat para makakuha ng buko. Napagpasyahan kasi namin na kumain ng buko at iyon daw ang palaging ginagawa niya kapag nagbabakasyon siya rito.

Hindi na rin masakit ang akin kaya ganado akong maglakad-lakad.

By staying here, I just found myself being lively and open. Komportable na rin akong magsalita.

"So, pasko na tayo uuwi?" I asked again.

"Parang gano'n na nga."

Papasok na kami sa gubat habang nagkwekwentuhan pa rin kami ni Xenon. Kapag kasi tumatahimik ako, sasabihin niyang "magsalita ka naman dyan".

"Pagbalik natin, aasikasuhin ko na agad ang papeles para sa kasal natin. So that you can already move in to my house. Tapos ipapakilala na rin kita sa pamilya ko. You need to practice wearing my surname."

Napangiwi ako sa sinabi niya at napansin naman kaagad niya ang ekspresyon sa mukha ko.

"What's with that face?" tanong niya.

Nauna na akong maglakad sa kanya at iniwan siya doon. Pero humabol naman kaagad siya.

"Ang bilis mo naman maglakad. Parang hindi na ano—"

Tumigil ako sa paglalakad at inis siyang nilingon. "Na ano? Sige sabihin mo." nagtitimpi kong sabi.

Iniinis niya talaga ako eh.

Ngumisi lang ito at nag-peace sign.

Umakyat na ng puno ng buko si Xenon. Kung titingnan mo siya, parang hindi abogado. Sanay na sanay sa buhay-isla.

Pagod na pagod ako sa pangunguha namin ng buko ni Xenon kanina. Kaya nang dumating ang tanghali, nakatulog ako at hapon na nagising.

When I woke up, I went to the bathroom and took a bath. Nang matapos akong maligo, lumabas na ako ng banyo. I was about to put some clothes on but I stopped when I hear a sudden noise coming from the outside. It was like voices of men talking.

Because of the curiousity, lumabas ako para tingnan kung sino ang mga iyon. Dahil sa pagkakaalam ko, kami lang dalawa ni Xenon ang narito sa isla.

Naglakad ako patungo sa labas. Habang papalapit ako, mas lalong lumalakas ang mga boses.

"Holy... Mother Mary..."

"Owshieee..."

Iyon ang sabay na nasabi ng dalawang lalaki   nang makita nila ako. Nanlaki ang mata nilang dalawa pero hindi nagtagal ng dalawang minuto ang tingin nila sa akin dahil tumalikod agad ito at nagtakip ng mata.

Doon ko lang napagtanto na nakatuwalya lang pala ako.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Xenon. Nandilim ang mukha nito at hindi na maipinta. Kunot na kunot ang noo habang ang kilay ay magkasalubong. Hindi rin nakaligtas ang pagtiim ng bagang niya.

Lumapit ito sa akin at galit akong tiningnan.

"What are you doing?! Go inside and get dress! D*mn!" galit na galit na sabi nito.

Hindi ako nakapagsalita at lumakad nalang.

Sa unang pagkakataon, nakita kong magalit si Xenon. That was so unusual sa taong laging nakangiti at maloko. Doon ko lang siya nakita magalit nang todo.

HOT SERIES #2: Waves of Pleasure Where stories live. Discover now