Chapter 8

4.9K 105 3
                                    


Nakarating kami sa bahay ni Xenon nang walang imikan dahil sa nangyari kanina. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya.

The gate automatically opened when it recognized Xenon's car. Pagpasok palang ng sasakyan ay nalula na agad ako sa ganda ng bahay ni Xenon. This is a two-storey house.

So aesthetic.

Xenon parked the car at bumaba ako agad.

I scattered my eyes at the whole house and those walls made of glass amazed me so much. Kitang kita ang mga punong kahoy na nakapalibot sa bahay.

Kay gandang pagmasdan.

Tago lang ang bahay ni Xenon. Malayo sa kalsadang dinadaanan ng mga sasakyan. Tanging ito lang ang bahay na nakatayo rito.

It is full of nature...

Ang ganda...

Kahit ngayon pa lang, nasa isip ko na ang iguhit ito.

"Do you like it?" rinig kong ani ni Xenon na nasa likod ko pala.

"Y-Yeah..." nauutal kong sabi. This moment is still awkward between us. Hindi ko alam kung awkward ba din sa kanya pero baka. "Where's my room?"

"Ahh it's upstairs." sabi nito.

Hindi na ako nagliwaliw pa sa buong bahay. Sa halip, dumiretso nalang ako sa bago kong kwarto rito sa bahay ni Xenon. Pero gayunpaman, ang desinyo nito ay nakakahanga. Every edge of this house never fails to amaze me.

"Bumaba ka mamaya, may pag-uusapan tayo." sabi ni Xenon bago umalis.

Tinulungan niya kasi akong dalhin ang mga bagahe ko dito sa kwarto.

I wandered my eyes at my room.

One word to describe; simple. Simple yet elegant.

Peach ang kulay nito. Malaki rin. Kompleto pa sa mga appliances. From closets, tables, chairs and sofa. I also have a wide bed.

Napakakomportable.

Gaya ng sabi ni Xenon, bumaba ako pagkatapos kong magligpit ng gamit. Alas tres na rin nang hapon.

Pagkababa ko, nakita ko si Xenon na nakaupo sa sofa habang umiinom ng alak.

"Have a seat." he demanded when he saw me.

I sat down on the other sofa which is facing him.

"Ano ba ang pag-uusapan natin?" tanong ko.

Ibinaba niya ang kanyang hawak na baso at tumingin sa akin. "Now that we're married and living under the same roof, kahit na hindi naman ito totoo talaga, it's better pa rin na magkasundo tayo."

"Go ahead." utos ko.

"Si Mommy ko, nanghihingi na ng apo."

Muntik na akong mabilaokan sa sarili komg laway dahil sa deritsahang sabi ni Xenon. Hindi ko kinaya iyon.

"We will never be doing that, attorney. Titira lang ako dito sa bahay mo. Iyon ang napag-usapan natin at wala ang bagay na iyon sa agreement natin."

Natawa si Xenon. "I know... I know... What I am trying to say is, anytime, bibisita sila rito to check on us. Therefore, may gagawin tayo. All I need is your cooperation. Gusto kong magpanggap tayo na mag-asawa talaga in front of my friends, my family, and to everyone. Especially my mom. Lagot ako no'n kapag nalaman niyang nagpapanggap lang tayo."

I don't know what's his point and what's on his mind but I just agreed.

"Another, as you can see, wala akong maids dito. Gusto mo bang mag-hire tayo?"

HOT SERIES #2: Waves of Pleasure Where stories live. Discover now