Chapter 9 (SPG)

8K 110 6
                                    


WARNING ⚠️🔞

It contains matured contents such as sexual practices. If you're not into this kind of genre. Skip it.

-----------------------------------

Dalawang linggo na akong nandito sa bahay ni Xenon at bumalik na rin ako sa trabaho at ganoon rin si Xenon. So far, maayos naman ang pagtira ko dito. Tahimik lang. Ito ang lugar na gusto ko at naaayon sa taong katulad ko.

Wala akong trabaho ngayon kaya nandito lang ako sa bahay. It's already six in the evening that's why I am preparing for dinner.

Habang naghahanda ako, bigla nalang dumating si Xenon.

"Wow... Bango naman..." sabi nito habang naglalakad patungo sa kusina o sabihin nalang natin na naglalakad patungo sa akin.

He was still wearing his office attire. Naka-white na long sleeves at may mahabang itim na necktie habang dala pa rin ang kanyang attaché case.

Abogado nga talaga...

"Good evening, Oceana." ani nito at hinalikan ang aking noo.

In those past two weeks, masasabi kong sweet na tao itong si Xenon. Alam kong nagpapanggap lang kami pero parang totoo na. Well, aalis na rin naman ako dito after three months, mas mabuting umayon nalang ako. I would just go with the flow.

Pero hindi ko pa rin mapigilan ang kakaibang reaction ng puso ko. When he's near, my heart would beat fast. When we are having physical interaction, my body would go wild. Nag-iinit ako.

Hindi ko na alam kung ano 'to.

Nagsimula na kaming kumain. Maraming tinatanong si Xenon sa akin gaya na lamang ng kung kamusta ang araw ko, na-ho-homesick ba ako o ano pero maiksi lang ang isinasagot ko. I know he was trying to create a conversation but I just don't know how.

Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na ako. Nagtalo pa kami kung sino ang maghuhugas ng pinggan. I volunteered but Xenon stopped me and said that he will do it. Sabi ko na ako na dahil pagod siya sa trabaho pero he still insisted kaya hinayaan ko na.

Nauna na akong umakyat sa kwarto. While scrolling through my phone, my mom just called.

"Yes, Ma?" panimula ko habang nakahiga.

"Ano ginagawa niyo ngayon? Did you celebrate?"

Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Celebrate what?" naguguluhan kong tanong.

Sa pagkakaalam ko, wala namang dapat i-celebrate.

"It's your husband's birthday!" My Mom exclaimed. She couldn't believe that I didn't know that it's Xenon's birthday.

"Xenon's birthday?"

"Nako naman Oceana. Asawa ka tapos hindi mo alam? That is one of the most important events in your husband's life tapos hindi mo alam? Makakat—"

"Ma, ibababa ko muna. May gagawin lang ako."

"Oceana, sandali! Huw—"

Hindi ko na pinatapos si Mama at inunahan ko na siya. I don't want to hear her sermons.

Malay ko ba na birthday pala ni Xenon. Ni hindi man lang niya sinabi.

Pero may parte pa rin sa akin na nakokonsensya.

Ibinaba ko ang phone ko at humiga sa kama. I was just looking at the peach ceiling. I tried to close my eyes and forced my self to sleep even if I still didn't take a bath but I couldn't.

My conscience is eating me.

At some point, I am still Xenon's wife.

Ginulo ko ang aking buhok at nagpabaling-baling sa kama. Tinabunan ko pa ang aking ulo ng unan pero hindi. May bumabagabag pa rin sa akin.

HOT SERIES #2: Waves of Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon