Chapter 22

4.5K 99 22
                                    

Sinugod namin sa Hospital si Rio. Walang tigil ang pag-agos ng luha ko habang nakasunod kay Xenon na karga si Rio.

Despite of what happened earlier, I still appreciate Xenon's actions. Bakas rin sa mukha niya ang pag-aalala.

Kung alam lang niya...

Inasikaso na si Rio ng mga doctor. Hindi kami pinalapit kaya nasa labas lang kaming dalawa ni Xenon.

"Shh... He will gonna be okay... Tahan na Oceana. Your son is a strong guy." pagpapatahan sa akin ni Xenon.

He hugged me tightly and caressed me my back as a way of comforting me. It's been a while since he hugged me like this. Walang nagbago. I feel so safe in his arms and it feels like everything's gonna be okay.

Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyayari sa anak ko.

Inalalayan ako ni Xenon paupo sa bench. He didn't leave my side until the doctor came out from the room.

Agad kaming tumayo at nilapitan ang doctor. "Doc, kumusta ang anak ko?"

"Your son has a dengue fever kaya siya nahimatay. The problem is mangangailangan tayo ng blood donor." the doctor explained.

"Ako po, Doc." I initiated.

"What's your blood type, Mrs.?" tanong ulit ng doctor.

"Type O po."

Napailing ang doctor. "We need a blood type who's the same as your son. Ang blood type ng anak niyo is very rare. Mahirap hanapin. Pwede kayong kumuha ng donor sa mga kaanak niyo. It could be from the father or the brothers and sisters as long as they are healthy."

Nanghina ako.

"Ano po ba ang blood type ng anak ko?"

"He's B negative. It's a rare blood type kaya mahihirapan kayong maghanap ng blood donor. Swerte nalang kung may mahanap kayo na B negative sa lalong madaling panahon."

Sa paraan pa lang ng pagkakasabi ng doctor ay tiyak na mahihirapan nga kaming maghanap. Napaupo nalang ako at napaiyak.

I feel so hopeless.

Saan ako makakahanap no'n?

"I can be the blood donor, Doc. I'm a B negative."

Nagulat ako sa sinabi ni Xenon kaya napatingin ako sa kanya. He looked at me and gave me an assuring smile.

Nabuhayan ako ng loob.

Sa sobrang tuwa, nayakap ko siya.

"Salamat..." I muttered.

"That's great! Now, let's go to the blood testing room. We will examine you first."

Dinala na si Xenon para sa blood testing. Ngayong gabi ay sasalinan na ng dugo si Rio. Nasa labas lang ako. Tinagal ng ilang oras ang blood transfusion.

Habang nasa labas, hindi ako mapakali. Walang tigil ang pagdadasal ko na sana ligtas silang pareho.

Pagkatapos ng operasyon, nakapasok na rin ako sa kwarto ni Rio. The blood transfusion went successful. They're both safe now. My prayer was heard.

"We don't have a problem now! Thankfully, magka-match sina Daddy and baby."

Iyon ang pahayag ng doctor na nagdulot ng kaba sa dibdib ko. Ibang kaba na naman 'tong nararamdaman ko.

Ngumiti nang mapait si Xenon. "I'm not the father, Doc."

Bumakas ang pagkalito sa mukha ng doctor. "Huh? I thought you're the father because you both have the same white blood cells. Ninety-nine percent positive. Bihira lang ang mga ganoong pagkakataon." sabi pa ng doctor.

HOT SERIES #2: Waves of Pleasure Donde viven las historias. Descúbrelo ahora