Chapter 11

4.8K 107 19
                                    


"Y-You like me too?" hindi makapaniwalang tanong ni Xenon sa akin.

Tumango lang ako.

"Say it."

He was anticipating.

"Gusto kita." I repeated to satisfy him.

In that short period of time, I learned to like him. Hindi naman siya mahirap magustuhan dahil kung iisipin, nasa kanya na ang lahat.

Napatayo si Xenon at napahawak sa kanyang noo. "I can't believe this... Am I dreaming? Oh sh*t.." bulong niya sa sarili niya.

Para siyang tanga sa inaasta niya.

Maya-maya ay may dumaang waiter sa gilid ni Xenon.

Tinawag niya ito. "Pakisampal nga ako. Gusto ko lang malaman kung nananaginip ba ako." utos niya rito.

He's serious. Seryoso nga siyang magpasampal!

Lumingo ang waiter. Tila natakot pa. "A-ayaw ko po..."

"Sasampalin mo 'ko o tatanggalin kita sa trabaho—"

Sa walang pag-aalinlangan, agad na dumapo ang kamay ng waiter sa mukha ni Xenon kahit hindi pa siya tapos magsalita. Natabingi ng kaunti ang mukha niya dahil sa lakas ng sampal ng waiter.

Napalakas nga ang pagsampal dahil umalingawngaw sa buong restaurant ang tunog ng sampal ng waiter na nagpatigil sa lahat ng taong kumakain rito.

Pati ako ay nagulat rin.

It caught everyone's attention kaya dali-daling lumapit ang manager sa amin.

"Joshua, anong ginawa mo?!" galit na galit na ani ng Manager. At saka bumaling ito kay Xenon. "Attorney Evangelista pasensya na po kayo... Pasensya na po talaga... Patawarin niyo po kami... Please po..." panay hingi ng tawad ng Manager. Halos lumuhod na ito sa kakahingi ng tawad.

Tila takot na takot ito.

Xenon is a famous for being a good lawyer here and out of the country. Lahat ng kasong hinahawakan nito ay pinapanalo niya. Ngayon ko lang nalaman nang mag search ako sa kanya sa internet. Sa bahay naman, may magazine doon na siya ang laman.

Hindi ako mahilig magbasa ng magazine noon kaya marahil hindi ko siya napansin.

I didn't know that I just married the hottest lawyer on earth.

"No, it's okay. You can go to work now. No worries." nakangiting sabi ni Xenon saka binalingan ang waiter na takot na takot. "Uy, salamat sa sampal mo ah? Dahil diyan may malaking tip ka sa akin."

Palihim akong natawa sa kinauupuan ko dahil sa pinagsasabi ni Xenon. Ako ang nahihiya sa kanya. Para siyang batang walang muwang.

"You can go now. Ngayon, nalaman ko nang hindi ako nanaginip. Gusto nga ako ni Oceana!" Bumaling siya sa akin. "Gusto mo 'ko!"

Hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha ni Xenon. Above all, his reaction is priceless. Sa lahat ng pagkakataon na nakita ko siyang masaya, ito ang hindi matatawaran.

Sobrang saya ng puso ko habang tinitingnan ko siyang masaya. Now, I can clearly picture out that I really like him.

Nang makaalis na ang waiter at ang manager, nag-usap ulit kami ni Xenon nang masinsinan.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya, Oceana... Thank you..." he said genuinely while holding my hand. "I want to court you."

Napangiti ako. "No need. I'm your wife already."

He pouted. "Iba pa rin 'yong liligawan kita."

"If you say so... Wala akong laban sa abogado..." biro ko.

HOT SERIES #2: Waves of Pleasure Where stories live. Discover now