Chapter 2

6.1K 123 6
                                    


Nagising ako dahil sa tindi ng sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. When I first opened my eyes, sinag ng araw ang unang bumungad sa akin dahil nakaharap pala ako sa sliding door na gawa sa salamin.

"Glad that you're awake."

Mabilis akong napabangon nang marinig ko ang baritonong boses na iyon. Inilibot ko ang aking mata at doon ko natagpuan ang lalaking nakaupo malapit sa sliding door. Ni hindi ko man lang siya napansin kaagad dahil sa iba nakatuon ang paningin ko.

Nakaupo siya doon habang umiinom ng kape. Hubo't hubad pa ito. Wala itong pantaas na damit at tanging stripe na pajama lang ang suot kaya lantad na lantad ang tila pandesal na tiyan nito. Tantiya ko, nasa apat lang ang abs nito.

Nakatingin lang ako sa kanya gamit ang aking malamig na tingin. Maraming mga tanong na tumatakbo sa isip ko pero isinantabi ko muna iyon at tinuonan ng pansin ang lalaki.

Pamilyar siya sa akin.

I think he's the man in the park.

Naglabanan kami ng tingin. Ngunit hindi ko inakala na siya ang unang magbibitaw ng tingin at tila nailang pa ito.

He stood up from sitting on a rattan chair at saka pumunta sa kanyang closet at kumuha doon ng isang puting t-shirt na hapit na hapit sa kanya nang maisuot niya.

He then looked at me but shocked when I was still looking at him.

Nakakatawa ang kanyang mukha sa mga oras na iyon.

"B-bakit ganyan ka makatingin, ha?" nauutal niyang tanong.

Para bawasan ang pagkailang niya, ibinaling ko nalang ang aking tingin sa labas ng sliding door na kita ang kulay asul na dagat.

"Bakit ako narito?" I asked while my eyes were still fixed on the ocean. 

"Of course, I helped you last night. Nahimatay ka kaya." sabi niya.

Doon lang bumalik sa isipan ko ang nangyari. Those girls put me in a perilous situation. Sinadya nilang pasamahin ako para maiwan dito sa isla.

They used my weaknesses against me.

Alam kong hindi nila ako gusto pero hindi ko inakalang magagawa nila akong ganunin. They never knew that that would be the death of me.

"Where are you going?" tanong ng lalaki nang makita niyang tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama.

Hinarap ko siya. "Salamat sa pagtulong mo, Mr pero aalis na ako. Now, where's my things? My bag?"

"Saan ka naman pupunta? Walang pumupuntang bangka dito. And isa pa, ako lang ang may Cabin dito. You can't go home if you don't have a yacht." he said while crossing his arms.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. He seemed telling the truth. "I'll call some help."

He chuckled. "May signal ba dito? Wala!"

May parte sa akin na hindi siya masyadong gusto. Pero hindi naman ako kinakabahan sa kanya dahil mukha naman siyang okay. Iyon nga lang, sa paraan ng pananalita niya, medyo matabil ang kanyang bibig.

"Anong punto mo?" malamig kong sabi.

Nasira ang kanyang mukha. "Ang mas mabuti pa, manatili ka muna rito. Isasama kita pag-uwi ko sa Manila kapag dumating na ang kaibigan ko dala ang yate."

"When?"

"Next week." simple niyang sagot.

Nagsalubong ang kilay ko.

"Next week pa?" I asked.

He nodded.

Ibig sabihin, isang linggo akong mananatili rito? Ngunit ang sabi ko sa aking Mama at Lola ay tatlong araw lang ako mananatili rito.

HOT SERIES #2: Waves of Pleasure Where stories live. Discover now