“Ang akala ko talaga ay iyo na iyang tinapon.”

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa saka niya hinawakan ang pulseras. “Mananatili iyan diyan, habang-buhay.”

Naging malapad ang ngiti ko nang marinig ang kaniyang sinabi at inabot ko rin ang suot kong pulseras. Naalala ko tuloy ang sinabi dati ng tindero nito. Pares ang pulseras at ang akala niya na ang pagbibigyan ko ay kasintahan ko.

Sino ba naman din ang mag-aakalang ang bibigyan ko ay magiging kasintahan ko rin pala sa huli? Dati ay tahimik at misteryoso lamang itong si Joaquin pero ngayon ay madalas na siyang magsalita at nakangiti na rin. Hindi ko akalaing sa likod ng tahimik niyang ugali ay nagtatago ang madaldal at sweet na Joaquin.

“Binibini? Tila ba’y ikaw ay natahimik?” rinig kong pagtawag niya.

Mabilis akong natawa at umiwas ng tingin. “Wala. Mayroon lamang akong naalala.”

Naalala ko naman iyong araw na unang beses akong nakabisita sa kanila at nakigamit ng palikuran pero nasilayan ko siyang nakahubad. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napaka-pakialamera ako at ganoon na lang ang nahantungan ko.

Pero ayos lang. Kahit papaano ay nasilayan ko ang mala-modelo niyang abs na napakabatak pa ng pagka-pan de sal. Ulala.

Hoy, Chestinell! Pechay! Goodness, ano ba ang pinag-iisip mo riyan? Hangal ka! Umayos ka nga.

Lhim na lang akong napailing at pilit na nag-isip ng ibang bagay. Pero napaka-walang hiya na naman ng utak ko nang biglang sumulpot ang eksena namin ni Agustin na nakakandong ako sa kaniya. Ang aming mga mata at paningin na nagtama sa isa’t-isa. At tila ba’y tumigil pa ang mundo ng mga sandaling iyon kasabay ng mga paru-parong nagliliparan at mga bagay na nagkikislapan sa paligid.

Ay, pechay nga naman oh! Ano ba, Chestinell? Are you crazy? Ano, aalalahanin ba natin ang mga kahihiyan na ginawa mo? Tsaka, nanahimik si Agustin, bakit napasok siya sa isip mo? Ha?

“Anong naisip mo?” kuryuso niyang tanong.

Natahimik tuloy ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Lihim na lang akong huminga ng malalim saka tumingin sa talon.

“Hi–hindi ko lubos akalain na magagawa iyon ni Clara. Ang akala ko ay gusto ka niya ngunit bakit parang sinisira ka rin niya?” subok kong balik sa problema namin ngayon.

Ayaw ko man na pag-usapan pa ang mga bagay na iyon, at mag pukos na lang sa aming dalawa na magkasama, ay hindi ko maiwasan. Galit talaga ako sa ginawa no Clara. Sinira niya ang mga plano ko at ang nagsisimula na sanang pagbalik ng magandang ugnayan ng mag-ama.

“Hindi ko rin maintindihan. Ngunit wala akong pakialam tungkol sa bagay na iyan,” tugon niya saka bahagyang umusog para humarap sa akin. “Ang mahalaga ngayon, kahit pa galit ang Don Agaton, ay alam na niya ang tungkol sa atin.”

Ngumiti ako ng kaunti, “Iyan din ang iniisip ko. Kailangan lang natin na ipaliwanag sa kaniya at patunayan ang lahat ng ito.”

Tumango siya at napatitig sa akin. Napataas naman ng kaunti ang kilay ko dahil sa mga tingin niya. Napayuko naman siya kaya kunot-noo kong sinundan ang kaniyang mga tingin.

Nakatingin siya sa mga kamay ko. Bahagya akong napaatras nang lumitaw sa ere ang mga kamay niya upang hawakan ang mga iyon. Nanginginig ang kamay ko saka ko dahan-dahan na inilalayo ang mga iyon mula sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit.

Ngunit huli na ang lahat dahil nahawakan na niya ang mga iyon. Bahagya niya pang pinisil ang mga iyon. Malambot ang kaniyang mga kamay kagaya noong unang beses na nahawakn ko iyon. Ilang sandali niya iyong tinitigan bago inangat ang tingin pabalik sa akin.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now