Kabanata 30

1.1K 47 10
                                    

|Kabanata 30|

Nobyembre 25, 1889

Batid niya bang siya'y pinahahalagahan at hinihirang ng aking puso? Hindi. At hindi ko na nais pang kaniyang mabatid. Sapagkat kahit pa mababatid niya hindi niya kayang suklian iyon. Ayaw ko ng gambalain ang ibang tao. At hinding-hindi magkakaroon ng silbi pa kung ang kanilang ninanais ay mangyayari.

Te amo, adiós.

Martina



Mistulang hinila ang aking kaliwang kilay ng maitaas ko ito sa kuryusidad at pagkaintriga dahil sa nabasang sulat. Sa pagkakaalala ko, ito ang pangalawang sulat ni Kristina na naglalaman ng tungkol sa isang lalaking hindi pinangalanan ngunit halata namang hindi niya kaano-ano. Ang una ay iyong naiirita siya sa lalaki at ngayon, ngayon ay mahal niya ang isang ito?


Te amo, adiós. I love you, goodbye?


Nagbibiro ba kayo? Nakaranas si Kristina ng isang unrequited love? Kung sabagay, kahit pa siya ay mayumi, maganda, diyosa, marikit, mayaman at marangya, walang yatang magkakagusto sa kaniya dahil sa masama raw niyang ugali. Pero kasi, ang sabi rito, hindi alam ng Ginoong iyon na siya ay gusto o mahal ni Kristina. Hmm, sino naman kaya itong lalaking ito?


Sandali, sandali lamang. Sumasakit na ang ulo ko. Una, nalaman kong si Kuya Luis ang nakatakdang ipakasal sa akin at ngayon, ngayon ay malalaman kong mayroong nagugustuhan si Kristina. Akasya naman oh! Tsaka, tsaka tutol si Kristina sa kasunduang iyon, hindi ba? At dahil tutol siya, batid niya kung sino ang taong ipapakasal sa kaniya. Dahil kung siya ay hindi tutol magkasundo sila ng ama niya, panigurado.


Ngunit, ano ang ibig sabihin sa kaniyang huling sinabi? At hinding-hindi magkakaroon ng silbi pa kung ang kanilang ninanais ay mangyayari. Ibig sabihin ba niyon, ang taong ipapakasal sa kaniya ay ang taong minamahal niya? Pero, hindi na lamang siya papayag dahil kahit pa mangyari iyon ay hindi naman siya mamahalin ng lalaking iyon? Mas nais niya na lamang na pakawalan ang taong kaniyang minamahal kaysa sa itatali niya ito sa isang kasal na hindi nais ng lalaki? Dahil batid niyang hindi sasaya ang lalaking iyon sa piling niya? At ayaw niya nalang na gambalain ang buhay nito kaya siya tutol sa pagpapakasal?


Aw, maunawain naman din pala ang Kristina'ng ito eh. Pero sandali, sandali, tama ba ang iniisip ko? Na m-mahal niya si K-kuya Luis? AKASYA! Ano?! Hindi, hindi maaari iyon! Hindi. Tuldok. Hindi pwede.

Inilobo ko ang aking pisngi at malalim na paghinga ang aking ginawa bago pinakawalan iyon ng marahas. Naging sanhi iyon ng pagkarinig ko ng bahagyang pagtawa ni Isay.


"Mayroon ba kayong problema, Senyorita? Mukhang kayo ay mayroong pinagdaramdam," kuryosong aniya habang inaayos ang aking mga susuotin sa pagdiriwang.


Nilingon ko siya at tipid na ngumiti. "Wala naman. Mayroon lamang akong iniisip," aking tugon.


Ngumisi naman siya. "Ah, oo, ang inyong kasintahan,"


Mabilis na nagkasalubong ang aking mga kilay at nagkunot ang aking noo. "Anong kasintahan ang iyong sinasabi?" hindi makapaniwalang bulong ko. "Wala akong kasintahan ha," dagdag ko.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now