Kabanata 7

1.8K 89 2
                                    

| Kabanata 7 |


Dinala ako ng tatlo sa taas, kasunod namin ang isang lalaki na nagdala ng mga gamit ni Kristina na dala niya sa biyahe nila. Saan naman kaya siya galing?


Pagdating namin sa taas ay puro mga kwarto ang andito at marami pa ang mga ito. May chandelier din sa gitna ng ceiling sa hallway. Ang kikintab din ng wooden floors. May binuksan naman ang isang kuya ni Kristina na pinto sa may dulong gitna ng floor. So, ito ba ang kwarto ni Kristina?


Nginitian ko naman sila at nagpasalamat kaya naman ay nagkatinginan sila, pero hindi ko na pinansin. Pumasok nalang ako at inilibot ng tingin sa loob. Wow, ang laki naman ng kwarto niya.


"Kami ay bababa na Martina. Papupuntahin namin dito si Isay," sabi naman niyong isa. How can I know which is which? Sino si Lucio sa kanila? Si Lucas, at si Marco?


"Kuya Marco?" Marco 'yon hindi ba? "Pwede niyo ba akong padalhan ng paborito kong pagkain? N-nagugutom na talaga ako eh," nakangiti kong sabi sa isang kuya na nahuli sa paglabas. Siya 'yong sinundo ako sa kalesa kanina.


Nagkatinginan naman sila at sabay na lumingon sa akin. "Martina, siya ang iyong Kuya Marco," sagot ng kausap ko sabay turo sa lalaking nauna na sa labas, "At ako ang iyong Kuya Lucio," dugtong niya pa. Okay, and that means na ang nasa gitna ay si Lucas. I get it. Salamat naman at nakilala ko na sila.


"Oo nga po. Alam ko 'yon. Nililito ko lang kayo," nakangisi kong sagot.


"O sya, kami ay bababa na. Ipapahatid nalang namin ang pagkain kaagad," nakailing na sabi ni Lucio. Tinanguan ko naman sila at isinara na ng pinto pagkalabas nilang lahat. Napasandal naman ako sa pinto at bumuga ng hangin.


Hoo! At last, I'm alone. Goodness, bakit ba ako nakarating sa panahong Ito?


Inilibot ko nalang ang tingin ko sa buong kwarto at nag-inspection. Sa gitna ng kwarto ay may canopy bed na kulay brown at white see-through curtains na naka-ipit sa gilid. Made of wood ito at maraming engraves at exquisite designs. Puti at sky blue ang kulay ng mga kumot at unan. Paborito niya ba ang sky blue? Kung ganoon pareho pala kami. Sky blue at purple kasi ang favorite ko.

May side table din at may lampshade na butterflies ang design ng cover nito. Iyong metal na takip ng lamparilya. May dalawang malalaking sliding window naman sa kaliwa at kanan ng kama. May cabinet na malaki sa kaliwa at sa likod nito ay ang bathroom niya. Sa right side ng kwarto ay may side table sa may bintana, upuan at malaking bookshelf na puno ng libro.

So, bookworm pala si Kristina?

Sa wall naman na opposite ng kama ay may mga paintings, at sa gitna ng mga ito ay ang painting na nagpasikip ng dibdib ko. Ang portrait ni Kristina. Nakasuot siya ng brown na baro at panuelo at diretsong nakatingin.


Bakit ba kamukha ko siya? Nasaan kaya siya?


Agad kong itinaas ng bahagya ang panuelo na suot ko at hinanap ang peklat ko sa may siko. Noong bata pa kasi ako nagtago kasi ako sa may bangin sa may manggahan ni Lolo Alejandro dahil hinahabol ako ng baliw na aso, sa bilis ng pagtakbo ko hindi ko napansin na may barbwire pala sa may mga kahoy doon kaya nadaplisan 'yong may siko ko.

Sa Taong 1890Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin