Chapter 24

113 10 0
                                    


Andrie POV

"WHAT IF KILALA MO PALA siya?" Napatigil ako ng marinig ang boses sa loob ng silid niya. Sumilip ako at narinig pa ang usapan nila.

"Kung kilala ko man siya, Jax...bakit wala akong nararamdaman?" sinagot niya si Jax ng hindi tinitigan.

"No strings attached ba? Kahit something special you feel for him?" Jax asked him again.

"Hindi nga at wala, okay?! 'saka hindi ko kilala si Andrie at bakit naman magkakaroon ng strings attached sa 'min?" mataray niyang sabi.

Nasaktan ako ng marinig ang sinabi niya pero ano nga ba ang magagawa ko kung nangyari na ang nangyari.

"Kapag naalala mo lang talaga kung sino si Andrie dyan sa puso mo, baka bawiin mo 'yang mga sinabi mo. Ang kaso, nangyari nga naman ang dapat 'di nangyari," paliwanag ni Jax at itinuon ang pansin sa kanya.

Patuloy ko lang na pinakikinggan ang usapan nila hanggang sa dumating sa point kung saan hindi ko inaasahan ang magiging sagot niya.

"Wala ka bang naramdaman ng magtama ang tingin niyo?" tanong niya. "Like love?"

Umiling siya, "I don't have. The first time I saw him, wala e parang crush ko lang ganun pero 'yung love, I didn't feel it."

Hindi ko inaasahan ang magiging sagot niya. Akala ko iyon na ang huling salitang tatarak sa akin pero hindi pala.

Muli siyang tumingin kay Jax. "May kami ba?" dugtong niya.

Para akong napako ng itanong niya iyon. Wala ba siyang naaalala talaga? Ni isa sa alaala na kasama ako?

"Puso mo ang sasagot dyan," sagot ni Jax. "Iiwan na kita rito at aalis na kami, ingat ka."

Ng lumabas si Jax ay sakto din ang paglayo ko sa pinto.

Tumingin siya sa 'kin at tinapik ang balikat ko.

"I know you heard everything pero 'wag mong damdamin...babalik din siya sa 'yo," aniya at kinuha ang mga gamit na nakapatong sa gang chair.

Naiwan akong nakatunganga roon. Maya-maya pa ay naisipan kung muling pumasok roon, naabutan ko siyang mahimbing na natutulog. Dahan-dahan akong lumapit at pinagmasdan siya. Ayoko siyang hawakan baka magising at magalit sa 'kin.

"Kung alam mo lang kung gaano kasakit ang magtiis ng hindi ka mayakap," sabi ko. "Pero kung talagang pati iyon nabura e 'di ako at ang puso ko ang magbabalik no'n sayo."

Bahagya siyang kumilos akala ko nga magigising siya pero hindi naman kaya dahan-dahan kung inihakbang ang mga paa ko palayo sa kanya. Hindi ko alam kung tama bang sundin ko ang pangako ko sayo ngayon pa't hindi mo ako maalala. Gusto kong umalis pero gusto ko ding maiwan, hindi ko alam kung ano ang susundin ko isip ko o puso ko. Nakakapanghina lang isipin na hindi man lang niya ako matandaan ni kahit katiting sa mga alaala namin.

Dahan-dahan kong pinihit ang pinto pasara at iniwan siya roon. Masakit sa 'kin ang salitang mga narinig ko pero ano nga ba ang magagawa ko kung hindi talaga ako makilala ng isip niya.

"Drie,"

Tinapik ako ng mga kaibigan ko na kanina pa naghihintay sa 'kin sa labas ng silid niya.

"Sasama ka pa ba?" tanong ni Dash sakin. Sa totoo niyan, hindi ako sigurado kung pupunta pa ba ako o hindi na.

"Drie?" ulit ni Kai. Naghihintay na sila ng sagot ko pero hati pa din ang isip ko.

Marahas na nagpakawala ng malalim na hininga si Axel.

"Okay lang kung hindi ka makakasama," aniya. "Hindi ka makaka-focus kung naiwan din dito ang isip mo."

"Drie, okay lang samin. Hindi naman mahalaga na makuha ang titulo e ang mahalaga ay makalaro, kaya okay lang ku-" Hindi ko na pinatapos sa sasabihin niya si Kai.

Forget Me Not (YL Series #13)✓Where stories live. Discover now