Chapter 14

140 14 0
                                    


Louise POV

KAKATAPOS LANG NG ISANG buong araw namin na kulitan sa school kaya naisip namin na magtungo sa tambayan para naman marelax kami kahit kaunti. Isinama na namin si Sieyah at Alliyah, grabe din ang tagal ng dismissal nila. Sinusulit ng professor nila ang oras, as in sa exact time nagpapalabas habang 'yong amin always may 20 minutes left. Sabagay magkaiba naman kami ng course kaya magkaiba din ang professor.

"Grabe professor niyo, Sieyah."

"Oo ganun talaga 'yon kaya no choice kami kundi hintayin ang oras, exact time ng dismissal namin sa kanya dahil halos hindi na niya mabitawan ang pagtuturo sa 'min pero worth it ang galing niyang mag-explain from simple one to hard one. The best professor kahit matagal mag-dismiss," sagot ni Sieyah sa 'kin.

Baka kung ako iyon kanina pa humimlay sa bagal ng labasan.

"Tara sa tambayan, wala na din tayong gagawin mamaya…?" yaya ni Yashira.

Ngumiti silang dalawa at sumang-ayon. Hindi naman ganun kalayo ang tambayan kaya nga lang ang daming tao sa loob.

Pagpasok namin sa loob ay kaagad na nakatuon sa amin ang pansin. Pero hindi naman namin sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa pwesto namin.

"Hi Miss," bati ng isang lalaki sa akin. He hold my shoulder at hinila ako.

"Bitiwan mo nga ako," ani ko.

"Yan ang gusto ko sa mga babae e, palaban…!" sabi nito at pinilit akong mapalapit sa kanya. But a hand hold my shoulder, hinila niya ako palayo sa lalaki na ikinagulat nito.

"Damn you, Andrie…pakialamera ka din 'no?!" Ani nito kay Andrie.

"Touch her again…I'll bring you to hell," he coldly said.

"Uyy si Andrie pala 'to mga par," aniya.

Tinitigan sila ni Andrie ng masama, I hold on to Andrie's shoulder…alam ko ang gagawin niya at kahit anong oras ay susugod na ito.

"Drie, maraming tao. Control yourself, please…" ani ko.

Tinuon na ni Andrie sa daan at hindi na sila pa pinansin.

"Tsk! Panibagong maloloko na naman ba 'yan, Andrie. Sexy na hot pa, yow!" biglaan namang sabi ng isang lalaki. "Pagkatapos mo kami naman,"

Napatili na lang ako ng biglang sumugod si Andrie at walang pasabi na sinuntok ang lalaki. Nagkagulo na sa loob dahil sa ginawa niya, ang iba ay imbes na tumulong, tuwang tuwa pa na nanonood.

"Drie, stop…" I shouted at him.

Umawat na din ang mga kaibigan niya at ng maawat sila ay inilayo nila si Andrie sa mga lalaki.

"Sa susunod, ayusin mo 'yang mga lumalabas dyan sa bibig mo. Matuto kang kumilala ng kausap mo, hayop ka…!" sigaw nito ng maawat sila.

Pinunasan ng lalaki ang bibig niyang may sugat at dumudugo pa ito.

"Tsk! Nagmamalinis ka na naman, Salazar. Sa dami ng babaeng niloko mo sa tingin mo hindi din isa 'yan sa mga mapapaiyak mo?!" sagot ng lalaki. Dapat kasi hindi na sumasagot 'yong lalaki, alam na nga niyang nagagalit na si Andrie pero nang-aasar pa siya na akala mo hindi talaga siya nito papatulan.

"Ulitin mo lang 'yang sinabi mo, malalaman mo ang ibig niyang sabihin," sabi ni Drie na sobra na ang galit.

"Ba't 'di mo gawin? Ipak–"

"–tama na! Pwede ba, huh? Nakakarindi na kayo! At ikaw, tumigil ka na, kanina pa ako nabwebwesit sayo. You're harassing me, alam mo ba na sa simpleng ginawa mo kaya kung sabihin sa Dean 'yan?! You damn shit, matuto kang rumespeto sa mga taong nakakasalamuha mo…hindi lahat pabor sayo," ani ko at sinampal siya ng malakas. Everyone stares at me when I do that, I don't have any care at all. This shit deserves that slap, kulang pa nga e.

"Oh ano?! Lalapit din kayo? Subukan niyo at ng ipatikim ko din ang sampal na 'yon," dagdag ko.

Hindi ko na hinintay ang response niya at tinalikuran na siya. He's a shit, a nothing but a shit.

Ng makarating kami sa pwesto namin, ay bigla na lang silang tumawa.

"What?"

"Wala. Imagine that guy, you slap him, as in…HAHA." Tawa ni Alliyah.

"He deserves that, kung 'di pa naman siya bastos e mangyayari ba iyon, syempre hindi…?!" sambit ko.

"My point ka momsh,"

6 PM NA KAMI NG UMUWI SA MGA bahay-bahay namin. Hinatid na ako ni Andrie sa bahay, pagdating ko doon next week pa ang uwi ni Mommy at Daddy dahil sa emergency call from Spain. Hayst, as usual talaga kapag sobrang busy ng parents mo dapat masanay ka.

Nasa closet room ako at busy sa kakahanap ng masusuot na pajamas ng magring ang phone ko.

"Hello Drie?"

["Hi, matutulog ka na ba? tanong niya sa kabilang linya.]

"Hindi pa, nagbibihis pa ako. Ikaw matulog na at may tryout kayo bukas ng maaga," sabi ko rito. Narinig ko lang siya na nag-giggles.

May nakakatawa sa sinabi ko?

["I will see you at the school. Goodnight."]

Pinatay niya ang tawag at ipinagpatuloy ko naman ang pag-aayos ng susuotin ko bukas at ngayon. Kung bukas pa kasi ako maghahanap ng isusuot ko baka aabutin ako ng ilang oras sa kakapili. Kaya habang gabi pa lang dapat nakahanda na ang susuotin ko.

I open phone and open the music icon and choose a song to play. Ilang scroll din at isang title ng kanta ang nakaagaw sa akin ng pansin.

Sa Wakas by Arthur Miguel ft. Trisha Macapagal

I started to play the song hanggang sa umabot ito sa verse before the chorus.

Sa pag takbo ng ang oras
Unti-unting kumupas
Ang dating wagas
Ay magwawakas

That part touch me. From the  sentence 'Sa pag takbo ng oras unti-unting kumupas. Ang dating wagas ay magwawakas,'

It's hit different, the writer of the song really hit each words. Tinamaan niya ang bawat linya, sa pagbigkas at tunog, ang sarap sa tainga lalo na kung broken ka, you'll feel it.

I continue listening the song until dumating ito sa chorus.

Masisisi mo ba
Kung ayaw na talaga
Kung ang pag-ibig mo
Tuluyang maglaho

O' bat' nagbago bigla
Mga titig ay nag-iba
Ika'y Lumalayo
Tadhana ba ito?

Kapag damdamin na'ng nagsalita
Wala ka nang magagawa
Kundi sundin ito kahit ayaw

The chorus, broke me. Pa'no kung hahantung din kami sa gano'n baka hindi ko kaya. Baka tatalon na lang ako sa bangin para hindi ko maramdaman ang sakit.

What if he doesn't really love me? Hindi ba kasi kung paano lang naman, argh! Ano ba 'yang mga iniisip ko, mamaya naging totoo pa e baka tutuluyan ko na talaga.

I didn't notice that my tears are starting to fell on my cheeks. Nagulat pa ako ng magvibrate ang phone ko.

Huh? Kakatawag lang nito, tumawag ulit?!

"Drie…?"

["Sorry for disturbing you again pero susunduin kita sa bahay niyo bukas," sagot niya.]

Akala ko naman kung ano na, 'di ba sa kaka-overthink ko.

Bigla akong humikbi ewan ko kung narinig niya iyon o hindi pero mukhang narinig yata.

["Are you okay? Umiiyak ka ba? Anong problema? May masakit ba sayo? Brielle?!" sunod sunod niyang tanong.]

"Wala, 'yong kanta kasi nakakaiyak. Masakit ang laman, 'yung love nila unti-unting kumukupas," sagot ko.

["Stop thinking those fvcking shits. You'll always be my baby, matulog ka na. Mamahalin pa kita este magkikita pa tayo ng maaga, bye."]

Kasabay ng pagpatay niya sa tawag ay siya namang ikinainit ng tainga ko. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras, e bakit ko ba kasi pala 'yon tinanong. Tingnan mo nga matutulog na nga lang ako kinikilig pa.

'Jusko ka Andrie!'

© RYSHN

Forget Me Not (YL Series #13)✓Where stories live. Discover now