Chapter 8

156 15 3
                                    


Andrie POV

AFTER KUNG MASEND ANG chat ko kay Yashira ay kaagad na akong pumasok sa loob ng kotse.

"Oh ano, tuloy pa ba tayo?" tanong ni Dash ng makapasok ako.

"Tumawag si Ate Slytherin, mamaya pa ang alis ni Kuya Markus papuntang L.A kaya may oras pa tayo para makausap siya," sagot ko.

Tumango siya at kaagad na pinaandar ang sasakyan.

Hindi na muna kami papasok sa afternoon class, pupunta kami sa kompanya ni Kuya Markus para kausapin siya. Gusto kung malaman kung ano talaga ang totoong nangyari kay Brielle at bakit biglang natigil ang imbestigasyon sa pagkamatay niya, bigla na ding naglaho ang mga magulang niya ng hindi ko alam.

Huminto kami sa isang malaki at mataas na building. This is the Madrigal Corporation one of the largest companies in the whole asia, may malaking branch din ito sa Europe which is top most known and famous company. My mother is Tita Amethyst younger sister. Si Tita Amethyst ang mommy ni Kuya Markus. I wanna know the truth kung ano ang nangyari after ng aksidente two years ago. Biglang nalinis lahat ng walang nakakaalam.

"Hi Shiela, si Kuya Markus?" tanong ko sa sekretarya nito.

"Hi po sir, nasa loob po siya naghahanda na sa pag-alis," sagot niya.

Tumango ako at pumasok sa loob.

"Anong ginagawa niyo dito?" kaagad na bungad niya sa amin.

"Kagaya ng sinabi ko sayo sa tawag, Kuya Markus..." sagot ko.

"Ako na ang bahala do'n Drie, ang gawin mo kung tama man ang hinala mo... bantayan mo," anito at lumabas ng opisina niya.

Napailing na lang ako sa sagot niya, hindi ko man lang ang alam kung ano ang gagawin ko.

"Ano Drie, may practice kami ng basketball mamaya, sasama ka ba?" tanong ni Kai sa akin.

"Manonood lang ako," tipid kung sagot at naglakad palabas.

Basketball, basketball pa boring lang din.

NAKAUPO AKO SA ISA SA MGA bleachers sa court habang pinapanood sila na naglalaro ng basketball. Sa tingin ko pa lang matatalo na naman ang Louisville sa taong ito. Puro baguhan pa ang mga kasama nina Kai e 'di wala lang din, basta wala na akong pakialam sa kanila.

"Time out muna!" sigaw ng Coach nila. Kanina pa siguro nauumay na panoodin sila.

Lumapit sina Jax at umupo sa tabi ko.

"Ano?"

"Wala. Alam niyo ba kung hindi matuturuan ng maayos 'yang mga bago niyong kasama... sigurado talo na naman ang Louisville this year," sagot ko.

"E, ano bang gagawin, lahat na ata ginawa para maayos ito. Nangyari lang naman itong pagkatalo natin simula ng umalis ka sa grupo," sabi naman ni Axel. Tumayo ako at kinuha ang bola, ayaw pa ibigay ng lalaki ang bola pero ng sabi ko na ako ang dating MVP ayaw pa maniwala kaya nagsample ako.

Three points shots ang ginawa ko at gulat na gulat pa sila e halos lahat kayang gawin iyon basta seryoso lang.

"Corpuz, bakit hindi ka na lang kasi bumalik sa grupo?" tanong ni Coach sa akin. Tumawa lang ako dahil wala ng rason pa para bumalik ako sa larong matagal ko ng isinuko.

Forget Me Not (YL Series #13)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon