Chapter 12

154 15 0
                                    


Louise POV

DAY PAST AND OKAY NAMAN ang lahat, nag-aayos lang ako ng mga gamit ko dahil nandito na sa pilipinas sina Mommy at Daddy, babalik na ako sa bahay kasama si Nana at Ate Aresa. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na totoo ang mga haka-haka nila sa akin; I'm Brielle Louise Chavez Luna.

Tapos na ako kanina na nag-impake at tumutulong na lang magligpit ng ibang gamit sa sala. Hinihintay ko pa din na dumating sina Andrie, sasama raw kasi sa amin, ewan ko na lang talaga baka magalit si Daddy kapag nakita siya.

"Louise, nandito na sa labas si Andrie, hinihintay ka...!" narinig ko na tawag ni Ate Aresa.

"Opo,"

Lumabas ako habang bitbit ang mga gamit ko, ang bibigat pala nito. Sandali kung ibinaba ang mga bag na hawak ko at umupo.

"Okay ka lang?" hindi ko napansin na nasa likod ko na siya, kung hindi pa siya nagsalita.

I grab his hands and hold it tight.

"Oo, sigurado ka ba? Andrie, baka saktan ka ni Daddy," sabi ko sa kanya.

"Then, I'll let him. Kung nandoon ako mas mapapatunayan ko na seryoso ako at hindi kita pinagpalit sa iba kahit dalawang taon na ang lumipas. Brielle, seryoso ako at loyal sayo... 'saka hindi kita hahayaang mapunta sa iba, 'no..." sagot niya.

"Pero-"

"I already have my decision and that is going with you," he said and held me outside.

ILANG ORAS DIN ANG naging byahe namin papunta sa bahay ng mga magulang ko. Pagkarating namin doon, kaagad kaming pinapasok ng makita si Nana at Ate Aresa. Pinaupo muna kami ng isang maid at tinawag naman ng isa sina Mommy at Daddy.

"Drie...?!"

Pinisil niya ang kamay ko at ngumiti. "I'll be okay,"

"Brielle...?!" isang pamilyar na boses ang narinig ko na galing sa taas.

Tumayo kami at kaagad na sumalubong si Nana at Ate Aresa.

"Aresa? Si-"

"Mommy, Daddy..."

"Brielle?!"

Tumango tango ako at kaagad na niyakap sila. Namiss ko sila, ilang taon din na hindi ko sila nakita. I miss them.

"Brielle, I miss you. Me and your Dad missed you... may kasama ka?!" aniya.

Napatingin sila sa gawi ko at doon nila nakita si Andrie. Lumapit ako at nagtungo sa harap ni Andrie, if ever baka biglang kung ano ang gawin nila.

Malalim ang tingin ni Daddy sa 'min. Sobrang tahimik na para bang walang may gustong magsalita, ni isa sa amin.

"Dad..."

"I'm glad you found him. Hindi na namin sayo sinabi lahat pero buti at hanggang ngayon nandito ka pa din kasama ang anak namin," sabi ni Daddy. Nakahinga tuloy ako maluwag, akala ko kung ano. Lumapit si Daddy kanina at sobra ang kaba ko, malay ko ba na ganito lang pala sasabihin niya.

"Hindi po kayo galit sa akin, Tito, Tita?" tanong niya.

Tumawa si Mommy sa tanong niya.

Forget Me Not (YL Series #13)✓Where stories live. Discover now