Chapter 9

156 15 1
                                    


Louise POV

LINGGO NGAYON AT WALANG pasok pero bukas meron, nakakaasar lang. Galing ako kina Sieyah, umalis kasi si Alliyah namasyal kaya si Sieyah na lang ang kasama ko muna. Didiretso na sana ako sa kwarto ng marinig ang usapan ni Ate Aresa at Lola Lila.

"La, bakit hindi na lang natin sabihin kay Louise kung sino siya?" rinig kung tanong ni Ate Aresa.

Ano namang sasabihin sa akin?

"Aresa, alam mo namang komplikado pa lahat at-"

"La, magkasama na si Andrie at Louise, oras na nakaalala si Louise mas masakit iyon kung doon na natin sabihin ang lahat, 'di ba?" nag-aalala na sagot niya.

"May amnesia si Louise at hindi kaagad siya makakaalala at kung mangyayari man iyon siguradong maintindihan niya din iyon," sagot ni Lola.

Anong malaman? Ako may amnesia? Bakit nadawit na naman ang pangalan ni Andrie?

"La, mas masasaktan siya kung patatagalin niyo pa," ani ni Ate Aresa. Masyado na akong naguguluhan kaya pumasok ako sa loob at tinanong sila.

"Narinig ko po ang lahat," sabi ko.

"Louise?!" sabay pa nilang sabi.

"Sino po ba ako? Ang gulo niyo, bakit ako may amnesia? Ano pong maintindihan ko sa tamang panahon?" sunod-sunod kung tanong.

"Apo, hindi namin sayo sasabihin... hahayaan naming ang isip mo mismo ang nagpapahiwatig sa katotohanan pero sa ngayon tama ang mga narinig mo at kung ano man ang narinig mo 'wag mong ipilit kung wala ka pa talagang matandaan," sabi ni Lola Lila at iniwan ako sa sala.

Nakatunganga na lang ako habang iniisip kung ano ang ibig nilang sabihin. Bakit ko kailangan hintayin pa ang tamang panahon?

Napaupo na lang ako habang iniisip ang pinag-usapan nila kanina. Dahil tuloy doon andami ng tanong sa isip ko na gusto ko ng magkaroon ng sagot.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang fb, nag-scroll lang ako at nakikilike sa mga post nila. Sinubukan kung maghanap ng mapagkakaabalahan pero hindi talaga maalis sa isip ko ang narinig ko kanina.

Puro mag-jowa na ang nakikita ko sa fb sarap pag-sasampalin ng 360°, jusko ang haharot nila. Nag-scroll ako at nakita ang isang mag-jowa na nagyayakapan, naasar ako sa itsura nila... bitter na kung bitter pero nagsasabi ako ng totoo, ang harot. Nag-scroll pa ako baka sakali na iba naman ang makita ko and surprising ang nakita ko, it's Chiara's post... with Andrie. Posted na siya at nakareact pa si Andrie dito with matching comment ng three hearts, zinoom ko ang post and it's just a screenshot nakatakip na ang date pero sa picture obvious na hindi si Chiara ang nagpost at nakascreenshot lang iyon. Naging sila kaya? Kasi bagay naman sila... maganda si Chiara, maputi at halatang papasa sa standard ni Andrie kaya lang sa ugali medyo magtatalo kami kasi ubod talaga siya ng sama, as in.

Napangiti na lang ako habang iniimagine si Chiara at ang mga tuta niya, ang feeling... kung umasta parang nabili nila buong eskwelahan.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at kinuha ang headset ko at nag-patugtog saka humiga sa kama. Nag-patugtog lang ako hanggang sa makatulog ako.

MAAGA AKONG NAGISING kaya ako na ang nagluto. After kung kumain ay dumiretso na ako sa bahay nina Alliyah nakasalubong ko na si Sieyah kanina kaya sabay na naming pupuntahan si Alliyah baka hindi pa iyon gising.

Forget Me Not (YL Series #13)✓Where stories live. Discover now