Chapter 11

158 17 0
                                    


Louise POV

MAG-ISA LANG AKONG naglalakad ngayon sa hallway, iniwan ako ng mga kasama ko. Hindi ko na pinansin pa ang mga nakakamatay nilang titig sa akin para akong kakainin, jusko. Nasa klase pa sina Sieyah at Alliyah, business administration ang kinuha ng mga gaga kaya ayon, naiiwan ako sa ere.

Sandali akong huminto at kinuha muna ang earphone sa bag ko. Nag-patugtog ako at nagpatuloy sa paglalakad ng biglang may humablot sa akin. Nagulat ako kaya muntik na akong matumba buti na lang nakahawak ako sa dingding ng hallway.

"Chiara?!"

"Yes, no other than…"

"Anong kailangan mo?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko.

"Well, I have one thing… you know masyado ka ng sipsip, lalo na sa C5. Alam mo bang ikaw ang pinakaunang babae na nakakagawa nun sa akin? What's mine is mine, gets? Akin lang siya, Andrie si mine, Louise!" Mas humigpit ang pagkaka-hawak niya sa akin.

"Ano ba, Chiara?!"

Hindi siya nakinig at hinawakan ang braso ko lalo. Nagpupumiglas na ako dahil namumula na din ang  balat ko sa dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Pilit kung hinihila ang kamay ko dahil talagang nanggigil siya.

"Listen, kaya kitang ipahiya and I can ruin your name. Kaya kung ayaw mong maging isa sa mga listahan ko, don't dare play the dangerous game you won't know if you won," sabi niya at bigla akong binitawan dahil do'n hindi kaagad ako naka-buwelo at na-out of balance ako kaya ako na-diretso sa may bakal na nakakabit sa tabi ng dingding.

Nadulas ang pagkakahawak ko kaya imbes na kamay ko ang tatama ay ang ulo ko, sa sobrang lakas ata ng impact nahilo ako at natumba. Gustuhin ko man na tumayo pero hindi ko kaya dahil feeling ko may kung ano na tumutulo sa ulo ko at ramdam ko ang paghina ng lakas ko, dahil umiikot at doble na ang nakikita ko.

Sinubukan kung tumayo at tiisin ang hilo pero talagang malakas ang impact at biglang napahiga ako at hindi na makatayo, hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko. Hanggang sa unti unting nagdilim ang nakikita ko.

Andrie POV

BUSY ANG IBANG C5 sa pagprapractice habang ako chill lang na pinapanood sila.  Nakailang triout na sila pero hanggang ngayon hindi pa din makuha ng ibang new members ang style na gusto ni Coach. Pa-bida kasi ang iba at hindi nakikinig kaya bahala na sila, nasa kanila na din nakasalalay ang panalo ng Louisville. Isang notification ang pumukaw sa aking atensyon.

Binuksan ko ang cellphone ko at nakita ang missed call ni Yashira. Bakit naman siya tatawag? Excuse naman kami .

I called her back and she immediately answered.

"Bakit?"

["Something bad has happened," she replied.]

"What happened?"

["I'll text you the address, pumunta ka na lang dito," aniya at pinatay ang tawag.]

Kaagad na nag-pop-up ang text niya at napatayo ako sa laman. What the fvck!?

"Kai…"

Napatingin si Kai ng tawagin ko sila, time out nila kaya nasa gilid muna sila.

"We need to go somewhere," ani ko.

Nagtataka nila akong tinitigan. Hindi na ako sumagot at bumababa sa bleacher. Tumakbo na din sila palabas ng court at hindi pinansin ang pagtawag sa kanila ng iba nilang ka-grupo.

'What the hell happened?'

PAGKARATING NAMIN SA harap ng lugar kung saan tinext ni Yashira ay kaagad na dumiretso kaming pumasok sa loob. Nakatagpo namin si Isabelle na pababa sa hagdan at kaagad din naman niya kaming napansin.

Forget Me Not (YL Series #13)✓Where stories live. Discover now