Chapter 3

244 20 11
                                    


ANDRIE

He made me more confused about her real identity. Masyado siyang mysterious, ang hirap niyang kilatisin dahil halata o nagpanggap lang siyang walang kilala sa amin.

"Damn that bro, wala siyang reaksyon kahit si Jax na ang kumausap sa kanya," ani ni Axel. Pauwi na sana ako sa bahay kaso itong mga 'to nagayaya na magpunta muna sa tambayan namin kaya sila na ang pinag-drive ko.

"Pero sabi niya hindi siya si Brielle, it's just a wonder to me, you know... a girl who looks really like Brielle showed up in our school. Hindi kaya may gustong ipahiwatig ang nakaraan?!" Sabi naman ni Dash.

"Ano ba kasi ang nangyari kay Brielle, two years ago?" si Kai.

"Ang alam ko itinigil nila ang imbestigasyon sa pagkamatay niya, that night after our quarrel, she got into an accident. Duda ang pamilya niya noon na aksidente iyon dahil may nakaaway ang daddy ni Brielle sa investment something. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit natigil ang imbestigasyon sa kaso," sagot ko sa kanila.

"Hindi kaya, kaya siya muling nag-after life para siya na mismo ang humanap sa hustisya sa nangyari sa kanya? Pero it's too impossible if it's Brielle's reincarnation, she's really Brielle." Si Dash na kanina pa abala sa kakalaro s cellphone niya.

"First time we meet, iba na ang kaba at hatid ng presensya niya. Hindi ako naniniwalang hindi siya si Brielle, may nangyari sa kanya kaya wala siyang maalala tungkol sa atin. She's not reincarnated, she'd alive... all this fvcking years, buhay siya at hindi ako pwedeng magkamali. Only her presence can make my heart beat crazy again at 'yon, 'yon ang naramdaman ko ng muling magkita kami kanina," sabi ko sa kanila. Hindi siya trip lang pero dati sa tuwing nasa malapit si Brielle, ang puso ko parating nagwawala. Hindi siya nawalan ng buhay kundi maaaring alaala lang.

Hindi ko namalayan ang paghinto namin kung hindi nagsabi si Dash na nandito na kami sa tambayan, hindi na kami pumasok sa afternoon subjects namin as usual. Boring kasi... kung dati tuwang tuwa ako dahil nandoon siya pero ngayon nakakawalang gana.

Pagpasok namin ay kaagad na bumungad sina Yashira at Isabelle.

"Nagkita na ba kayo?" kaagad na tanong sa amin ni Yashira. Yashira and Isabelle is been so closed to Brielle, mag-bestfriend ang mga 'yon hanggang sa nawala si Brielle hindi pa din sila makalimot.

"Oo, kaso wala siyang imik sa amin," sagot ni Kai.

"We already met her again, kaso hindi niya kami kilala. It's just hurt us, siya 'yon at hindi ako pwedeng magkamali... Brielle will always be Brielle, ipakita man niya o hindi," ani naman ni Isabelle. Halata sa kanila ang pagkalungkot, alam ko na masakit sa kanila ito, kaso wala e maaaring hindi siya o iisa lang sila.

"Wala tayong magagawa," sagot ko.

"Namimiss lang namin siya, Andrie. Two years pero masakit pa din," sabi naman ni Yashira.

Ngumiti lang ako sa kanila at dumiretso sa loob ng tambayan namin. Kung hindi man ikaw siya sana hindi ka mapagtripan ni Chiara.

HINDI DIN kami nagtagal sa tambayan at kaagad kaming umuwi.

"Good evening, Manang Silvie." Bati ko kay Manang ng nakasalubong ito.

"Oh hijo, hindi na muna makakauwi ang mommy at daddy mo, nasa business trip sila as of now. May gusto ka bang kainin?" sabi ni Manang Silvie.

"As usual naman, Manang." Sagot ko at nagtungo sa kwarto ko.

Itinapon ko ang bag ko at nagpalit ng suot, pasalagpak akong humiga hanggang sa nakatulog ako.

"You've never listen to me, Brielle!" ani ko sa kanya.

Bahagya siyang tumawa sa sinabi ko. "Ako pa ngayon ang hindi nakikinig sayo? Andrie, I'm so tired of listening to your damshit explaination, alam mo ba 'yon?! Ikaw ang may dahilan kung bakit din tayo magkakasiraan sa isa't isa. Ilang beses ka ng nag-sorry? Ilang beses ka ng nagpaliwanag pero bakit hindi ko makita na nagsasabi ka ng totoo?! Bakit?!"

"It was just a mistake and that mistake will never happen again, please Brielle..." sambit ko sa kanya.

"I'm so tired of all this shits, Drie! Even though how many times I give you a chance, nothing will happened. You'll keep doing this, this won't work. We're just hurting each other, Andrie. You're just ruining our relationship, imbes na maayos pa mas sinira mo lang. Hindi ko alam kung worthy pa ang chance na ibibigay ko sayo." Sabi niya at binitawan ang kamay ko. Naiwan akong nasa gitna ng ulan, basang basa. Nahampas ko na lang ang harap ng kotse ko sa galit.

"Brielle! Damn this shit! You can't do this to me...! I'm sorry, baby... I'm so sorry, please don't end this...!" sabi ko sa kanya. Hinabol ko siya kanina ng umalis siya sa Louisville International School, ilang araw na niya akong ayaw kausapin and I can't let this quarrel between me and Brielle take too long.

Basang basa na din siya sa ulan. Humarap siya sa akin at pinunasan ang mga luha.

"You want me to stay... fix yourself first, Andrie. Hindi mo alam kung ano ang patutunguhan mo, ayusin mo muna ang buhay mo baka doon manatili ako." Sagot niya at pumasok sa loob ng kotse niya at pinaharurot ito ng takbo.

"Brielle...! Baby, please... stay with me..." tanging nasabi ko sa kawalan.

"Brielle...! Please baby, don't go... don't leave me, please stay... Brielle..." napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang katok mula sa pinto ko. Pinagpapawisan ako sa panaginip na 'yon, until now hindi pa din makalimutan ng isip ko ang huling kita ko sa kanya.

Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto ang kumakatok.

"Manang..."

"Sumabay ka ng kumain sa amin mamaya, huwag muna namang sasabihin na hindi ka kakain," ani ni Manang Silvie. Tumango lang ako sa kanya, nakita ko ang pagiling niya at naglakad pababa sa baba.

Isinara ko ang pinto at bumalik sa kama, kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang gallery. Pinindot ko ang nag-iisang picture na naiwan niya sa gallery of memories ko. This picture was taken in our first monthsary, naalala ko pa noon, hindi ko alam ang monthsary na 'yon tas nagpatulong ako sa mga kaibigan ko na wala ding alam buti na lang meron si Dad noon at siya ang nagpayo kung ano ang gagawin namin.

"Sana ikaw na lang si Louise, Brielle. Kung pwede lang bumalik nung gabing nag-away tayo, hindi kita hahayaang sumakay sa kotse mo, kung alam ko lang na 'yon na pala ang huling sandali na makikita kita. Kung alam ko lang." Ani ko habang nakatingin sa picture. Her smile makes my day more brighter. Sobrang bait niya kahit parating nandyan si Chiara para makipagtalo sa kanya. Super supportive niya sa mga school's organization, clubs... kaya mas minahal ko siya sa paraang alam ng puso ko.

Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha ko sa pisngi. Namiss ko na siya na parating tagasermon sa amin o sakin kapag hindi kami pumapasok sa subjects namin.

"Sinanay mo ako na kasama, nakikita at niyayakap ka kaya hindi mo ako masisisi kung bakit kahit lumipas na ang dalawang taon hindi kita makalimutan. Siguro dahil hanggang ngayon naniniwala ang puso ko na babalik ka pa. Brielle, sayo lang ang puso ko, wala e loyal sayo ewan ko ba kung bakit..." ani ko at pinagmamasdan lang ang larawan.

Loyal ang puso ko sayo, kasi kahit ilan at sino pa ang mga babaeng haharap at lalandiin ako hindi ako tinatablan, my baby's presence is what my heart seeking. I damn miss her... fvcking missed.

Kung pwede lang kitang balikan sa nakaraan, babalik ako at susulitin ko ang huling araw na nagkita tayo. That fvcking quarrel cause everything. Hanggang ngayon sinisisi ko pa din ang sarili ko kung bakit siya nawala, if I just stop her, talk and explained hindi mangyayari ang lahat. That's the biggest night I've regretted having back, losing the girl I loved, who's been my heart's seeking, beating, echoing. That night change me and put some walls to hide me.

'Me, my heart and soul will always be faithful until we meet again, baby.'

© RYSHN

Forget Me Not (YL Series #13)✓Where stories live. Discover now