Chapter 46 part 2

Start from the beginning
                                    

 


"Yeheeey! Enchanted Kingdom I'm coming!" tuwang tuwa ito habang nagtatatalon. Kung pagmamasdan ang bata ay parang walang pinagdaanang sakit.



"Pwede bang mag rest muna tayo kahit isang oras lang?" Kay Vincent nakikiusap si Jesica. Pakiramdam ni Jesica ay lalong tumitindi ang sakit ng kanyang ulo.



"Mama?!" Protesta ni Venice.



"Honey, kanina pa tayo hinihintay ng bata." Inakbayan siya ni Vincent pero natigilan ito ng maramdaman niyang mainit ang balat ni Jesica.

 



"I know, but please give me an hour anak. Is it okay?"  Hinawakan ni Jesica ang mukha ni Venice at banayad na nginitian. Kung kaya lang sana niyang tiisin ang sakit na nararamdaman ay aalis na sila.



Mabilis na tumango si Venice sabay talikod. Dire-diretso itong pumasok sa kabahayan.



Naramdaman ni Jesica ang pagtatampo ng anak. Napabuntong hininga siya bago hinarap si Lena. "Pakibihisan mo na si Venice aalis na tayo."



"No, I'll talk to her. We can reschedule this." Tutol ni Vincent.



Mabilis na binalingan ni Jesica si Vincent. "We can't do that, alam mo naman na excited ang bata."



Tinitigan ni Vincent siya ni Vincent bago nagsalita. "Honey, I know na masama ang pakiramdam mo and you don't have a plan to tell it to me. Tinanggap mo nga ako na makapasok sa buhay ninyong mag-ina pero hanggang ngayon ay ang layo-layo mo pa rin sa akin." Malungkot na sabi ni Vincent. Inalalayan niyang makaupo si Jesica sa bench na nasa isang sulok ng garden.

 



"Hindi naman sa ganun, ayoko lang sirain ang kasiyahan ng anak natin."


"I'll talk to her and I'm sure she'll understand it. Basta hindi tayo aalis hangga't  masama ang pakiramdam mo. Nakalimutan mo na yatang matalino ang anak natin."



Napailing na lang si Jesica. Kahit gusto man niyang makipag-argumento kay Vincent ay hindi na niya kaya dahil parang lalong sumasama ang pakiramdam niya.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Where stories live. Discover now