LIFE: Aura's Daughter

302 12 0
                                    

Zoe's POV

Napatitig ako sa malaking border sa harapan ko. Marami akong naririnig na boses mula sa loob nang border, sumisigaw, naguusap na tila ba may magandang nangyayari sa loob.

Gaya ng una ko'ng punta dito.

Napabuntong hininga ako bago nilapat sa pader ang kamay ko at bigla itong tumagos, pumasok na ako nang tuluyan sa pader. Kahit ang barrier nila ay hindi napansin ang presensya ko at tumatagos lamang ako.

Tumambad sakin ang malawak na lupain na may mga building na matayog na nakatayo, pero may mga punong hindi nagkakalayo sa paligid at maraming tao ang nasa paligid nang isang building na malapit sakin, mula doon ang ingay na naririnig ko kanina.

Tahimik akong naglakad doon at pumasok nang hindi napapansin nang mga tao--o estudyante. Mga taong nakasuot nang uniporme, pero iisa lang ang napansin ko sa kanilang lahat, may kanya kanya silang mga maliliit na itim na bilog sa leeg na may iba't ibang kulay. May pula, asul at puti.

Napatingin ako sa harapan kung saan sila nakatuon, doon ko napansin ang ilang taong nasa harapan at tila may eleksy na nagaganap.

Isang lalake mula sa harapan ang tumayo sa gitna at walang kabuhay buhay lang na nakatingin sa mga tao.

"...... election for our Student Council is now being done. So go back to your respective classes Students, and good luck on your first day." salita nang babaeng mas matanda pa sa lalake. Tumalikod na ang mga mga taong nasa harapan nang halos maubos na ang mga tao sa loob nang building na ito. May ibang nakapansin na sakin pero walang pakialaman lang na lumagpas.

"Who are you?"

Isang malalim na boses ang nagsalita mula sa likuran ko, agad ko itong hinarap at tama nga ang hinala ko, sya yung lalakeng tumayo sa harapan nang lahat at ang taong minahal ko. Hanggang dito sa malapitan ay nakikita ko ang mapagmataas nyang tindig at porma, kahit sa klase nang tingin nya ay nagbibigay lamig sa katawan mo.

"I'm Zoe." sagot ko. Tinanong nya kung sino ako, kaya dapat sagutin ko sya nang tama. Dumapo ang tingin nya sa leeg ko at hindi parin nagbago ang klase nang tingin nya. Kalmado at mahirap basahin.

"Anong kailangan mo samin?" Tanong nya. Kailangan? Kailangan bang may kailangan ako sa kanila para manatili dito? Gusto ko'ng manatili at sundin ang panahon kung pano kami nagsimula.

At dahil wala akong mahanap na sagot ay tinalikuran ko sya at nagsimulang maglakad palabas nang building, ang talas nang mga mata nya ay napakadelikado lalo na at sya ang unang kumausap at kuryosong nagtanong sakin.

Napahinto ako sa paglalakad nang parang hindi na ako makagalaw. Tila parang may pumipigil sa katawan kong kumilos at ang paghinga ko ay naging mabigat.

Biglang lumitaw ang lalake sa harapan ko na kasing talim na nang kutsilyo ang tingin sakin.

"Sino ka at anong ginagawa mo rito?" Tanong nyang muli. Tuluyan na ba nya akong kinalimutan?

"Hindi ba't eskwelahan ito?" Tanong ko. Basi sa mga naka-uniform na mga tao at sa 'student council' na binanggit nang babae kanina.

"You want to enroll?" Panibagong boses ang narinig ko sa likuran at nagpakita sakin ang isang babae na kasing edad lang nang lalakeng masama parin ang tingin sakin. Elene.

"Yes." Sagot ko nang bumaling ako sa kanya. Ngumiti ang babae saka tumingin sa lalake.

"Vas, ako na ang maghahatid sa kanya sa opisina ni Mr.Dylan," paalam nang babae bago muling bumaling sakin. "Let's go Miss." Paanyaya nang babae kaya sumunod ako sa kanya at hinayaan nang maiwan ang lalake doon.

Life: Ananke's Daughter✓Onde histórias criam vida. Descubra agora