LIFE: Gift

351 17 1
                                    

Zoe's POV

Kinabukasan maagang gumising si Agnes at agad kaming nagmadaling pumasok sa klase namin para malaman kung ano ang nangyari kagabi.

"Really? My gosh."

"Hindi ako makapaniwala."

"Murder case na ito. Sino kayang gumawa nun?"

"Hindi kaya may foul play?"

Samu't saring mga bulungan ang bumungad samin ni Agnes ng pumasok kami sa klase namin. Nang dumaan kami sa kabilang klase, halos walang tao roon. At sa klaseng iyun nagsimula ang mga usapan ng lahat.

Murder case. Foul play. Sino nga bang may gawa?

"Isang estudyante na naman ang namatay kagabi." Salita ni Agnes ng makaupo kami sa upuan namin. Nilibot ko ang paningin ko at hindi mahagilap si Cedric. He's been gone for 2 days.

"Sino ba namatay?" Tanong ni Agnes sa katabi nya sa kabila.

"Si Willow na taga 24th floor. Namatay sya mismo sa kwarto nya." sagot nang babae.

"Sino nakakita?" Tanong ni Agnes ulit.

"Ang usap usapan, ang presidente ng student council ang nakakita." sagot naman ng babae. I was right. He saw this coming, so am i.

"Something's odd. Hindi maganda ang pakiramdaman ko sa nangyayari ngayon." komento ni Agnes.

Huminto lang sila sa paguusap ng dumating na ang unang guro namin.

***********

Tumayo ako mula sa pagkakabagsak. Inis akong tumingin kay Vasilis at hinanda ang hawak kong double edge sword.

He was holding a scythe like death yet he represents doom. How odd. Both our weapons are not match that's why in the end, it's only our fist and handles of our weapon is being used.

Pinahid nya ang dugo mula sa labi nya at mas tumaimtim ang tingin sakin. Ginalaw ko ang sword na hawak ko habang papalapit sa kanya at agad syang inatake, sinangga naman nya ito at mabilis na nag counter attack, mabilis rin akong dumepensa at umatake. Attacks after attacks.

Napadaing ako ng matamaan ako sa likod ng handle ng Scythe nya. Hindi ko man lang magawang gamutin ang sarili ko dahil naka nullifying ang buong training quarter. Sinangga kong muli ang atake ni Vasilis pero ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko, mukhang nauubusan na ako ng lakas at nanginginig na ako sa sakit ng katawan.

Nagkatitigan kami habang parehong hawak ang sword na magkasangga. Ramdam kong bibigay na ang kanang paa ko kaya agad ko syang sinikmuraan at sinipa ng malakas, dahil doon napaatras kami pareho.

"That's Enough!" Sita ni Ms.Hanabi, nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. Tumingin ako sa kanila at binaba ang sandata ko, napaupo ako sa sahig dahil sa pagod. "Nice pair. You two are great in this class. But there are things you need to learn to improve completely." Komento ni Ms.Hanabi bago nagsitayuan ang mga kaklase ko.

Nilapitan naman ako ni Agnes at tinulungan nya akong tumayo. Kahit sya ay puno rin ng sugat at pareho kaming lahat na pagod na. Dahil sa pagkamatay ng isa sa taga 24th floor, ang malalapit na kaibigan nya ay hindi muna pumasok at pumunta sila sa bahay nito

"Alright, tomorrow we will use your original weapons against each other to know how to deflect each others attacks. See you tomorrow everyone. Good luck for your next class." paalam ni Ms.Hanabi, may pinindot naman sya sa gilid ng silid kaya natanggal na ang nullifying sa buong silid. Pinaupo naman ako ni Agnes at tumabi sya sakin.

Life: Ananke's Daughter✓Where stories live. Discover now