Chapter 15 : Gusot

Start from the beginning
                                    

"Ahhh, mukha nga." So ibig sabihin, panis ang mga ibinigay sa kanila, pero sa akin lang siguro ang bagong luto.


Pero balik sa akin lang ang hindi? Kawawa naman yung mga lalaking ito edi hindi matutuloy ang swimsuit competition mamaya.


(Loading 99%) Alam ko na! Tama, kung maka-cancel ang swimwear competition mamaya, ibig sabihin, hindi ko na kailangan pang alalahanin na baka makita nila ang dibdib ko.


Nakakaawa lang ang mga kasamahan ko, pero dahil sa scripted na gusot na ito, hindi ko na kailangang mag-alala pa para mabuking! Yes naman!


"Ahhh! Ang init! Ang sakit. Wooooh! Ano ba yan oh! Wooh, ang sakit na sikmura ako, ahhh! Ahh!" Shett ang galing ko umacting. Kapani-paniwala naman na siguro yun! Hahaha.



Tinutulungan ng mga tauhan ang mga champions para buhatin sila at dalhin sa kani-kaniyang mga kwarto, hanggang sa maya-maya, dumating na din ang mga medics para tulungan kami sa sakit namin.




Umakyat na kami sa kwarto ko kasama ng ilang tauhan.


Pinalabas ng medic na sunog ang kaliwang mukha, maliban sa sarili niya. Maya-mayang kaunti pa ay pumasok na si general Rose.


"Ano, ayos ka lang po ba kamahalan?" sabi niya sa akin.

"Okay lang po ako, ano na po ang nangyayari sa ibaba?"

"Ikinalulungkot ko pong iparating sa inyo na tuloy pa rin ang swimwear competition mamaya, yun nga lang hindi na kayo kumpleto. Dahil katulad mo, may iba ring nag-back out sa sobrang sakit ng sikmura nila."

"So ibig sabihin, pwede kong gamitin ang sakit ng sikmura ko bilang excuse para hindi na lumaban mamaya.?"'

"Ganun na nga po. Oh sige, iwan ko muna kayo diyan ni Dr. J at makiki-usisa pa ako" sabay labas ng pinto


Tumingin ako kay Dr. J na nagpapaikot-ikot ng kwarto ko at tsaka ko siya kinausap, "Hi Dr. J thank you din po sa pagtulong sa amin sa mga plano ko. Alam ko pong hindi pa tayo gaanong magkakilala pero alam ko pong napakabait mo po."


Tumango-tango siya habang naka-pikit ang mga mata at sinabi niya sa akin, "Maaaring hindi mo na ako kilala, pero ako dati ang inyong personal na duktor."


"Personal na duktor po?"

"Oo, matagal na akong napaalis dito pero bumalik ako dahil para sa isang misyon. Yun ay ang tulungan ka. Tauhan ni Tear ang nagpatawag sa akin dito."


Personal na duktor, sunog na mukha at napaalis?


Naiyak ako sa sobrang tuwa at sinugod ko siya para yakapin ng sobrang higpit. Hindi ako makapag-salita sa sobrang saya kong makita at makapiling ulet siya.


"Tahan na po princess Leila. Namiss po kita." Sabi niya sa akin habang nakahawak din ng mahigpit.

"Dr. John! Sorry kung hindi po agad kita nakilala, sobrang namiss po kita. Akala ko hindi na kita makikita mula nung araw na iyon."


Sobrang namiss ko talaga siya. Yung demonyong Dmitri na kasi yun, dahil sa napakababaw na dahilan, sinunog niya ang mukha ni Dr. John at tsaka pinaalis dito. Napaka-wala talaga niyang puso!


"Siya nga po pala, ano kayang mangyayari? Edi umuusok nanaman ang ulo ni Dmitri? Dahil napahiya nanaman siya. Hahaha." Triny ko magjoke para maka-recover agad.


"Sa pagkakakilala ko sa ama mo? Syempre oo! Sabi ko sayo eh, maraming taong handang magsakripisyo para lang sayo at para ipahiya ang hari sa kahit anong paraan, para makita ng publiko kung sino ba talaga siya."


"Oo nga po eh, sino ba nakaisip ng ideya na ginawa kanina? Mukhang effective"

"Si Mr. Milo siyempre ang nakaisip nun." Bigla siyang sumimangot, huminga ng malalim at biglang umiwas ng tingin.


Bakit biglang parang nagbago ang mood niya? Hindi yata maganda ang kutob ko.


------------------------------------


A/N: Ngayon alam niyo na sagot sa katanungan kung

paano makakalusot si Leila sa swimwear competition.

Yun nga lang, naaaninagan niyo ba kung anong

mangyayari kay Mr. Milo?

The Royal GamesWhere stories live. Discover now