EPILOGUE

21.9K 631 223
                                    

Thank you for reading the Mafia Underboss Series 4: The Bachelor's Desire. See you in my other stories!
__________________________

Epilogue

"Ito ang first time na sasakay ako ng plane, Lorcan." 'Di maiwasang wika ni Colt sa kaibigang si Lorcan nang bumaba sila ng sasakyan nito.

Kukunin na sana ni Colt ang mga bagahe nila ni Lorcan nang pigilan siya ng kaibigan.

"Let my men carry those." matigas na wika ni Lorcan. Nabitawan naman ni Colt ang nahawakang luggage.

"Iyong akin nalang. Ako nalang ang magdadala sa akin. Nakakahiya sa mga tauhan mo."

Lorcan just sighed at Colt's remark before nodding his head, ngo naunang maglakad.

Simpleng binigyan lang ni Colt ng isang ngiti ang mga tauhan ni Lorcan na siyang bumitbit sa mga bagahe nito. Sinundan ni Colt si Lorcan na nauuna na sa loob ng airport.

Si Colt ay 'di pa rin talaga nasasanay sa malamig na pakikitungo ni Lorcan at sa paraan nitong magsalita. Para itong laging galit at malamig. Pero nagpapasalamat pa rin si Colt na kinupkop siya ni Lorcan. Nagpapasalamat pa rin siya na dinala siya nito sa pamamahay nila at pinag-aral sa paaralang pinapasukan din nito.

Nanliliit si Colt sa kanyang sarili dahil mayayaman ang mga nag-aaral doon at mayaman din ang kaibigan ni Lorcan pero hindi naman siya hinahayaan ni Lorcan na mawala sa kanilang grupo. Tinuring siya ni Lorcan na parang kapatid at kaibigan. Kaya naman hindi nalang niya iniisip kung papaano siya nito pagsabihan at pakitunguhan.

At isa sa ipinagpapasalamat ni Colt ay ang pagtanggap ng mga grandparents ni Lorcan sa kanya. Hindi man niya ito laging nakakasalamuha sa bahay pero w-in-elcome siya nito sa mansyon ng mga ito. At bilang ganti sa kabutihan ng mga Lavoisier sa kanya. Pagbubutihan niya ang pag-aaral niya at gagawin niya lahat ng mga gusto nito.

Ito nga ngayon ay papunta silang Japan para sa training ni Lorcan. Sinama siya ni Lorcan at hindi naman siya umangal kasi gusto niya ring mapasyal doon. At gusto niyang masamahan si Lorcan sa training nito.

"Lorcan saan ba tayo sa Japan? I mean, saan ka magt-training." ang tanong ni Colt nang maka-upo sa tabi ni Lorcan. Nakasakay na sila sa private plane na pag-aari ng mga Lavoisier.

"Put your seatbelts on." saad lang ni Lorcan sa kanya, saglit siyang tiningnan bago sinandal ang ulo sa kina-uupuan at pumikit. "We're going to Hokkaido."

Inayos niya ang seatbelt gaya ng utos nito. May mga stewardess naman na nag-asikaso sa kanila. Napakindat pa si Colt sa mga ito!

"Malayo 'yan sa airport ng Japan?" Gusto nang takpan ni Colt ang bibig dahil sa daldal niya pero 'di niya kasi maiwasang hindi ma-curious sa lugar. Alam niyang konti lang din ang pasensya sa katawan ni Lorcan, kagaya ng kaibigan nitong si Raphael pero heto siya't sinusubukan ang pasensya nito. Hindi nalang siguro siya nagtataka kung mayamaya ay itatapon na siya nito palabas ng eroplano.

"Hakodate Airport is just in Hokkaido. So it just takes us an hour or minutes bago makarating sa pupuntahan natin doon."

Siguro ay nasanay na rin si Lorcan sa kadaldalan at sa kulit ni Colt kaya naman kahit tamad siyang sagutin ito ay sinasagot niya pa rin ang mga tanong nito. Iniisip din kasi ni Lorcan na first time nitong makasakay sa eroplano at baka ito lang ang paraan ni Colt para mawala ang discomfort nito sa himpapawid.

[MUS4] The Bachelor's Desires|✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora