CHAPTER 4

22.6K 824 219
                                    

Chapter 4

Colt Pov

Napahawak ako sa baba ko habang tinitingnan ko ang gamit ko na nasa silid na sa dalawang maleta. I've never known how I ended up packing my things the next morning. I mean when the morning came. Konti lang ang dinala kong gamit. Mostly mga formal wear ko lang at pambahay.

Sa mga nagdaang mga buwan ay naging tahimik lang naman ang buhay ko. The past few months were always the usual plain and boring days of my life. Laging sa trabaho, sa bar, transactions (illegal and legally) tapos uwi sa bahay. Sa bahay ko naman ay tahimik lang din at wala akong kasama. Ayaw ko kasi ng mga kasama sa bahay ko. Kahit kasambahay ay ayaw ko. Gusto ko mag-isa lang ako sa bahay. Siguro dahil doon ako nasanay. Kasi nung may kasama naman ako dati sa bahay lagi namang magulo ang pamumuhay namin. Kaya siguro naging komportable na ako na mag-isa at walang kasama.

Ngayon na nandidito na naman si Johan mukhang guguluhin na niya naman ang tahimik kong pamumuhay. Ewan ko ba sa lalaking iyon. Aalis tapos bigla namang dadating. Tsk! Wala rin naman akong paki doon. Mas mabuti nga siguro na umalis siya at huwag nang bumalik pa!

Umupo ako sa kama at tinanaw ko ang mga maleta.

I heaved a deep sigh.

Hindi ko talaga aakalain na darating ang panahon na aalis ako dito sa bahay ko para lang tumira sa ibang bahay o lumipat sa ibang bahay. I mean, pansamantalang lipat lang. Kung hindi lang naman ginagamit ni Johan ang pangalan ni Lorcan ay di ko siya susundin at di ako papayag sa gusto niya.

Iba ang pakiramdam ko doon kay Johan. Ewan ko kung praning lang ba ako o ano. Basta pakiramdam ko kasi hindi lang negosyo ang pinunta niya dito sa Pilipinas. Pakiramdam ko rin ay hindi lang siya ordinaryong tao. Saka kung ordinaryo lang siyang Hapones na mangangalakal dito sa bansa ay hindi naman niya siguro kailangan ng proteksyon ko kuno!

Napailing ako.

Kagabi. Hindi. Kaninang madaling araw ay nagkasundo naman kami na doon ako titira sa kanya kasi papaano ko nga naman siya mababantayan kung dito ako sa bahay ko tapos siya naman ay nandodoon sa bahay niya o sa ibang lugar. Pumayag na ako sa gusto niya kasi may pera rin, e. Malaki rin magpasahod. Hindi kagaya ng mga kaibigan ko na walang sahod. Puro lang thank you! Kidding! Mahal ko ang mga iyon. Ang konting tulong ko sa kanila ay di matutumbasan ng anumang salapi sa pagturing nila sa aking pamilya. Hindi kami magkakadugong lima. Si Lorcan, Raphael, Laszlo, Desmond at ako ay may iba't ibang lahi, may iba't ibang pinanggalingan, may mga iba't ibang pinaniniwalaan, at may mga paniniwala kaming magkasalungat sa isa't isa pero hindi iyon naging hadlang sa aming pagkakaibigan.

Si Lorcan na siyang tumatayong haligi naming lima ay para na rin naming nakakatandang kapatid. Kaming apat ay may iba't ibang dahilan kung bakit kami napasama sa organisasyon. Si Raphael may sariling dahilan, si Laszlo na takas sa kanilang kaharian ay may dahilan din, si Desmond at maging ako. Para na kaming magkakapatid, nagdadamayan at nagtutulungan nang walang hinihinging kapalit. At katulad ng magkakapatid nagkakaaway din kami pero sa huli ang isa't isa pa rin ang aming matatakbuhan sa oras ng mga pangangailangan.

At sa magkakapatid na ito ako yata ang tumatayong adviser sa mga ugok kong kapatid!

I was snatched from my deep thoughts when my phone ring. I fished my phone inside my pocket and answered the call... coming from... tsk! Johannes!

"Yeah?" tamad kong sagot.

"Are you on your way?"

Ngumiwi ako.

[MUS4] The Bachelor's Desires|✔Where stories live. Discover now