CHAPTER 19

18K 741 79
                                    

Chapter 19

Johannes Pov

I don't understand why I feel like I don't belong in this place? Hindi naman sa nagrereklamo ako ngayon sa bahay na kinatitirhan ko pero iyong pakiramdam na may kasama ka sa bahay na pamilya mo pero wala ka namang maramdaman na koneksyon sa kanila.

My wife, Ysay,  is very attentive to me, yet I don't feel the attraction. I don't feel like I'm in love with her. I don't even like her touching me. I forced myself into it because that is what she told me, but I cannot bring myself to do it. Like she told me, I'm her husband and I have a temporary amnesia because I got into an accident at work. 

May anak din raw kami pero tulad ng nararamdaman ko kay Ysay. Wala akong naramdaman na kahit ano dito. At sa mga panahong iyon iniisip ko nalang na baka dahil sa amnesia ko kaya wala akong nararamdaman sa kanila.

Tinanong ko si Ysay kung ano ba ang ginagawa ko noong di pa ako nagka-amnesia at ang lagi lang niyang sinasagot sa akin ay wala na raw akong pamilya at sila nalang ang meron ako. Tinanong ko siya kung sino ang mga magulang ko pero wala naman siyang maisagot sa akin dahil di ko naman daw ito nabanggit sa kanya.

It sounds so impossible. I cannot believe it, but I cannot do anything about it. Dahil kahit na ako sa sarili ko ay wala akong maalala. Ultimo pangalan ko ay di alam nang magising ako. At sinabi lang ni Ysay na Simone ang pangalan ko.

Kahit na ganoon at marami akong naging tanong sa sarili ko na di masagot ni Ysay. Namuhay ako na kasama sila, Ysay and Junie became my family.

Pero kahit na ganun ay di ako tumatabi kay Ysay na matulog. I chose to sleep beside Junie, and I think Ysay was okay with it since she knows that I'm still not okay. I mean, my memory was not yet intact.

Unti-unti ko na sanang natatanggap na baka ito talaga ang buhay ko. Na dito talaga ang buhay ko at may pamilya ako, nang may lalaking biglang sumulpot isang araw sa harapan ko.

He called me Johannes. And for some odd reason, my world literally stopped spinning upon seeing him. I was stunned. He looked at me like he owned me or knew me from the way he spoke. The way he spilled his words in front of me always left me astounded. He was so freaking sure of his split. 

Dahil sa pangyayaring iyon bumagabag na naman sa akin ang totoong pagkatao ko. Para na akong nababaliw kakaisip kong sino iyong lalaki na tinawag akong Johannes. Hindi ako pinapatahimik ng mukha niya.

Kinumpronta ko doon si Ysay pero hindi niya ako mabigyan ng kongtretong sagot. Palaging palihis ang sagot at di niya ako magbigyan ng sagot na gusto ko.

Until his son admitted everything to me, Junie was a seven-year-old boy, and for his age, I can say that he was already mature. Si Junie ang nagsabi sa akin ng lahat ng kasinungalingan ng ina niya sa akin.

Ang sabi ni Junie sa akin, siya raw talaga ang nakakita sa akin sa dalampasigan sa isla Mabini. Sinabi niya ito sa nanay niya na si Ysay at si Ysay na ang nagpa-ospital sa akin at tumulong. Junie told me that she was pushed by his mother na magsinungaling sa akin nang malaman nito na may amnesia ako.

"Bakit hindi ka na umuwi ng Mabini, Simone?"

Binitawan ko ang palapulsuhan ni Ysay at nagpipigil akong huwag siyang sigawan sa harap ko ngayon.

Nilagay ko sa baywang ko ang kamay ko.

"At bakit ako babalik doon?"

Humalakhak ito.

"Kami ni Juni--"

"Stop! Stop your fùcking lies, Ysay."

"Simone--"

[MUS4] The Bachelor's Desires|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon