SPECIAL CHAPTER

39.6K 1K 205
                                    


OLIVIA'S POINT OF VIEW:

Five years later.

Abala ako kakatalak kay Tyler ngayon dito sa kwarto. Tahimik lang sya habang nakikinig sa akin, he look like a lost child at tila naghahanap ng mommy niya na pweding kakampi sa kanya. Well bad news, walang kumampi.

Kinuha ko yong ruler at idinuro sa kanya. “Diba sinabi ko na sa'yo na wag na wag kang magmumura sa harap ni Maverick?”

“Baby, I was talking to Darwin on the other line, I thought he's not there”

“Dont talk back” -agad naman syang yumuko. “Now. You have to face your consequences”

“Oh no.” -he stood up “Fu—I mean no. I can't do that, ayokong matulog sa labas. Ayokong iwan ka sa kwarto”

“Ang usapan ay usapan”

“Baby—”

“Hep. Wag kang magpapacute. Naiinis ako sayo”

Napahilamos naman sya sa mukha niya. He's frustrated. Halata naman.

Gumawa kami nang patakaran at hindi pweding hindi niya gagawin. I told them that cussing in our house are not welcome and yes. My handsome husband break that rule. Hindi porket mahal na mahal ko sya ay maaawa na ako.

After five years being together nakasanayan ko na ang ugali niya. We live on the same roof with Tatay way back three years ago pero lumipat rin ng bahay ang ama ko kasama si Mama Gloria, yong pharmacist noon malapit sa bahay namin? Nagpakasal sila ni Tatay right after Tyler and I got married.

Okay, back to my husband. Dahil nga nakasanayan ko na ang ugali niyang parating nagmumura, palagi rin syang sa labas natutulog. Minsan hating gabi binubuksan niya ang kwarto at pagising ko nasa tabi ko na sya. Nakakainis pero hindi ko matiis.

Sinamaan ko sya nang tingin ng bigla niya akong hinila at pinakandong sa lap niya. “Hindi mo ako madadaan sa ganito”

“I know” -sagot niya at hinalikan ako sa batok.

“Tyler, Isa. Hindi pwedi”

“Wife.” -ungot niya “Hindi ko na kaya”

“Tiisin mo. Bubuntis buntisin mo ako tapos aarte ka?”

“Wife, Come on”

I tsked. I am seven months pregnant now with our second child. Our first born is Maverick Ammanuel Verdenilli Montellion, and this second one is our princess. Nagpa-ultrasound ako kahapon at hindi ko sinama si Tyler kasi gusto ko syang surpresahin.

Gusto ko sanang sabihin ngayon pero dahil nainis ako. Ipagpapabukas ko nalang.

“Wife?”

“Hmm?”

“I love you” -he kissed my nape “I love you so much”

“I love you too but I'm still mad at you”

Pinaharap niya ang mukha ko sa kanya. “Sorry. I already told our baby to never say that words. He's a smart kid, sigurado akong hindi niya ako gagayahin”

“Sa labas ka parin matutulog”

Hindi sya umimik. Nanatili lang akong nakakandong sa lap nito samantalang nakayakap ang braso niya sa tiyan kong malaki na ang umbok. He keep on kissing my nape and murmuring sorry and I love you to me.

Nakikiliti naman ako sa ginagawa niya. One thing that I love about my husband is that he's really a very passionate father to our child and a loving husband to me. He keep on spoiling us, giving everything we want. Pero kahit ganon lumalabas parin pagkapilyo niya—kagaya ngayon, nagmura na naman at ang mas malala narinig pa ng panganay namin.

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Where stories live. Discover now