CHAPTER FIFTEEN

39.3K 951 99
                                    

PAG-UWI SA bahay, nadatnan ko si tatay na kumakain ng camoteque, nagmano ako sa kanya at tsaka inilapag ang bag ko sa may upuan. Umupo ako katapat niya saka pinagmasdan syang kumakain, napatigil sya kakanguya ng makita akong nakatitig sa kanya.

“Tay.” -nakangiti kong sambit.

“Kumain ka, mainit init pa to”

Natawa ako nang mahina sa sinabi nito. “Kung hindi pa ako umupo sa harap nyo, yayayain nyo ba ako?”

“Kumain ka na, nag-e-emote ka pa jan”

Kumuha ako nang isang stick at kumain non. Ang sarap talaga nito, inabot ko yung baso at nag salin ng juice. Gutom ako dahil marami akong iniisip, at hindi ko akalaing magiging patay gutom ako nang dahil lang dun.

“Kamusta pag-aaral mo anak?”

“Maayos naman po tay”

“Wala ka bang problema roon?” -tanong nya “Wala bang nananakit sayo?”

Umiling ako kahit totoong may nananakit sakin. “Wala po”

Tumango lamang sya saka ulit sumubo ng camoteque. “Nga pala Tay. May gusto lang ho sana akong sabihin sa inyo”

Tumango sya at sinenyasan akong magpatuloy.

“Tungkol po kay... kay Tyler”

Napakagat labi ako dahil biglang sumeryoso ang mukha nya.

“Bakit? Anong meron sa kanya?”

“A-Ano po kasi. W-wala ba kayong napapansin sa kanya?” -napangiwi ako “Like, uhm.. kagaya ng pabago bago niya nang mood?”

“Anong ibig mong sabihin? Sinasaktan ka ba niya?”

“Hindi ho, tay” -dipensa ko agad “Naitanong ko lang po baka kasi may napapansin kayo sa kanya”

Tumingin naman si tatay sakin na parang sinusuri kung nagsasabi ba ako nang totoo o ano?

Baka kasi alam niya kung ano talaga ang problema ni Tyler, gusto ko ring malaman kung paano sila nagkakilala kung gayon wala naman syang sinasabi sakin nitong mga nakaraang taon. Ang hirap kasing isipin na yung taong nao-obsessed sakin eh kilala pala ng tatay ko, gustong gusto kong malaman kung dapat ba akong maging kampante kung gayong magkakilala sila ni Tyler o matakot dahil baka hindi niya rin alam kung ano ang totoong ugali nito pagdating sa kanya.

“Mabait si Jeremy, maaasahan ko yong batang yon”

Napakunot ang nuo ko. “Bakit naman Tay?”

“Gusto ko mang sabihin sayo ang dahilan eh ayoko syang pangunahan” -aniya “Mabait at sobrang galang nga niyang bata, sa mga panahong lugmok na lugmok tayo at walang makakapitan, nandyan sya para handang tumulong” -napailing iling sya kapagkuwan “Ang tigas rin pala ng ulo non. Natatandaan ko pa nong may nagawa sya sakin, muntik pa syang magpakamatay dahil lang sa tingin niya kasusuklaman mo”

“Muntik ng magpakamatay? Si T-Tyler?”

Malungkot syang ngumiti sakin. “Marami syang kayang ibigay satin pero lahat tinanggihan ko, pwera lang sa ibang grocery at skwelahan kung saan ka nag-aaral ngayon”

Bigla akong kinabahan, “Ano po ang ibig nyong sabihin?”

“Wag mo na akong intindihin anak. Magbihis ka na at ng makahanda ka na ng hapunan”

“Tay—”

“Magpapahinga muna ako.”

Tumango na lamang ako dahil masyadong halata si Tatay na gusto niyang ilihis ang usapan. Naguguluhan ako, kung tama ang pagkakaintindi ko ibig sabihin si Tyler ang dahilan kung bakit nakapasok ako sa SIS ng libre? Ibig rin bang sabihin non—sya rin ang dahilan sa libre kong pagkain sa canteen?

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Where stories live. Discover now