CHAPTER SIX

38.9K 1.1K 117
                                    

KINUTUBAN na ako nang lumapit ang manager nang club na to kay Aisha, nag se-serve ako nang inumin habang nakatingin sa isang sulok kung san nandon sya at ang manager na nag-uusap. Ganoon nalang ang kaba ko sa dibdib ng may dalawang bouncer ang lumapit sa kanila at sapilitan syang hinila.

Nakita ko ang pagkadisgusto sa mukha niya dahil sa ginawa nito, dali dali naman akong lumapit at hinarangan ang daraanan.

“A-Anong ginagawa nyo?”

“Olivia.” -tawagnito sakin at mataman akong sinenyasan na wag makisali “Don't.”

“Pero—”

“—Ano ba! Ang bagal bagal nyo! naiinip na yon!” -sigaw ni Heart, ang manager nang club “Bilis!”

Bigla akong hinila ni Aisha patalikod.

“Wag kang kabahan” -aniya “Don't worry okay? Wag kang magpapakita sa kanya dahil baka mamaya ikaw pa yong mabingwit ng tanginang yan, mahihirapan ako kapag ikaw na”

Kahit hindi ko nakikita ang mukha nito ay sigurado akong kinakabahan sya.

“Bilis! Ang bagal!”

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, para akong kinakapos ng hininga at nabibingi sa lakas ng kaba. Hindi ko alam kung anong gagawin, dapat na ba akong mag sumbong sa mga pulis? Pero hindi... sigurado akong babaliktarin nila ang pangyayari at sa huli baka kami pa ang magbabayad.

Napahilamos ako sa mukha, nenenerbyos na ako.

Lumapit ako kay Fred at walang hiyang umiyak sa harapan niya. Si Glenda naman di mawari kung ano ang nangyayari sa akin. Wala na akong choice, kailangan ko ang tulong nila.

“Tulungan nyo ako” -nanginginig ang mga labi na sabi ko “Si Aisha.”

“Anong nangyari sa kanya?” -alo ni Fred na mukhang kinakabahan “Nasan sya?”

“Anong nangyari?”

“K-Kinuha nila... k-kinuha nila si Aisha at dinala d-dun” -uutal utal kong sagot sabay turo sa taas “Dinala nila si Aisha sa taas”

“Ano?” -di makapaniwalang tanong nito “Putangina, si Manager na naman?”

“Please po, tulungan nyo ako. B-Baka ano ang gawin nila kay Aisha” -halos hindi na magkukumahog ang luha ko sa paglabas “Tulungan natin si Aisha.”

Napahilamos sa mukha si Fred habang si Glenda naman nakatanga na parang sinasabing wala kaming magagawa.

“We can't help her, Olivia” -halos paos na pagkakasabi niya “Matatanggal tayo sa trabaho o di kaya'y makukulong, that bitch Heart is so manipulative when it comes to this club's owner. Kaya nya tayong baliktarin”

Napaupo ako sa isang couch. No it can't be. Ano ba namang klaseng gabi to? Ganon na ba ka gago ang may ari nitong club para baliwalain lahat nang mga nangyayari dito sa loob? How can he let someone managed his business eh hindi naman maganda yong nangyayari.

Naisubsob ko ang mukha sa dalawa kong palad, I need to do something. Limang minuto na akong nakaupo tapos wala man lang akong ginagawa, ano batong gulong pinasok ko?

“Nasan si Heart?” -tanong ng isang bouncer kaya agad akong napatuwid ng upo “Pinapatawag tayong lahat ni Boss”

Hindi ko alam pero parang nabunutan ako nang tinik sa sinabi niya, kusang huminto ang mga luha kong nag-uunahan sa pag tulo. Kung kaming lahat ang gustong kausapin ng boss na tinutukoy niya, ibig sabihin...

“Si Aisha? Kasali ba sya?”-tanong ko kaagad “Kasama naman sya hindi ba?”

Ngumiti sila sakin. “Pupuntahan ko lang sa taas”

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon