CHAPTER THIRTY ONE (Warning)

49.4K 936 187
                                    


WARNING: SPG⚠️

OLIVIA'S POINT OF VIEW:

Kasalukuyan akong nasa bahay nina Astrella ngayon, gaya ng plano ko, kakausapin ko ang kuya niya. Binantaan na ako ng kaibigan ko na kailangan kong maging maingat kapag kakausapin ko si Kairo, hindi naman ako tanga upang hindi malaman na nakakatakot yung kapatid niyang pinanganak sa mundo para maging masungit. Sa totoo lang, nakakaintimidate nga eh.

Kapag makikita mo ang itsura niya, mapapamangha ka. Kung kakausapin mo sya, talagang manginginig ka sa takot, pero alam ko namang hindi ko kailangan magpadala sa nerbyos. Kailangan ko syang makausap, wala nang atrasan—saka ko na siguro haharapin ang nginig ko pag tapos na.

“Pababa na si kuya” -sabi ni Astrella ng makababa ng hagdan “Wag kang matakot ha? Dun lang ako sa kusina, babantayan kita”

Natawa ako sa sinabi niya. “Okay lang ako, wag kang mag-alala”

“Basta, wag kang masyadong titingin sa mga mata niya” -aniya “Ayaw niya nun”

Tumango ako. “Salamat”

Nang makitang pababa na ng hagdan ang kapatid ay mabilis niya akong iniwan. Napatingin ako sa kuya niyang papunta sa deriksyon ko, gaya nga ng sinabi niya, nanatiling sa braso lang nito ang mga mata ko nakapokus.

Marami syang tattoo, at lahat ng yon hindi maruming tignan dahil talagang bumagay sa balat niya. Hindi ako mag si-sinungaling, this man infront of me is a greek god.

“What up, Tyler's property”

Tumayo ako at ngumiti. “Magandang tanghali”

“A pleasant afternoon too” -he greeted me back “Take a sit”

Umupo ako gaya ng sinabi niya. Nang makitang nakaupo na sya sa harap ko, kinapalan ko na ang mukha.

“A-ano...” -huminga ako ng malalim “I ahm.. pasensya na pala kung pumunta ako rito sa inyo, kailangan ko lang kasi ng tulong mo”

Ipinagkrus niya ang dalawang braso sa dibdib at nakapande kwatrong tumingin sakin. “You need my help? In what way?”

“K-kasi... A-ano—”

“Stop stuttering. Hindi kita maiintindihan kung ganyan ka makipag-usap sakin”

Umayos ako ng upo. Tila nahihiya. “Im sorry”

“Ituloy mo”

“Tungkol to kay Tyler”

“Mm, as expected” -he tsked “What about him?”

“Kaibigan ka niya diba? Alam kong suntok sa buwan ang paghingi ko ng tulong sa'yo pero... I still want to try, baka kasi alam mo ang pwedi kong gawin, I mean, pwedi kong gawin sa kanya” -napangiwi ako “Hindi naman ako totally tanga para hindi malaman na may problema sya, sa sarili niya. Hindi naman sa iniisip kong baliw ang kaibigan mo, hindi ganon... nag-aalala lang kasi ako. Mahalaga sya sakin at kung meron mang dapat na ipagamot, tutulong ako”

“Oh? That's quite sweet”

Hindi ako masyadong makatingin sa mukha nito dahil sa sinabi ni Astrella. Nanatiling sa dibdib lang nito nakatuon ang mga mata ko, bakit ba ako natatakot sa taong to? He's a human like me too. Why am I shaking and acted like weak?

“Akala ko wala kang napapansin sa kanya” -aniya “Interesting”

“Matagal ko ng alam” -sagot ko “Kaya... kaya nga kailangan ko ng tulong mo”

“I don't think I can help you”

“H-Ha? Bakit naman?”

Tumingin sya sa bandang leeg ko, napahawak naman ako sa necklace ng wala sa oras. “Dont you know that he hates a person who wants to help him?” -tanong niya “He don't want someone minding his business. He don't want people interfering his life. He hates it, badly” -napalunok ako sa sinabi niya “And oh please? One more thing, a friend request, if you come here back, take that necklace off”

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang