Journey to Parenthood

9 0 0
                                    

---23 Years Ago---

Masayang naghahain ng agahan sa hapag si Lyndis, doon'y maaabutan siya ng asawang si Alfonso na katatapos lamang sa pagpe-prepara para sa pagpasok nito sa opisina.

"Good morning, mahal kong asawa!" Masiglang bati ng mister.

Lalapit siya kay Lyndis na nag-aayos ng mga pinggan at kubyertos. Isang halik sa pisngi ang ibibigay niya sa misis.

"Good morning din, hon." Masayang sagot ni Lyndis at puminta ang matamis na ngiti sa mga labi nito.

Uupo naman sa kabisera si Alfonso atsaka siya hahainan ng pagkain ng asawa. "Mukhang masarap 'yan ah." Nasasabik na sabi ng mister. "Oo naman, paborito mo 'yan kaya sinarapan ko." Sumandok ng kanin at ulam si Lyndis para sa asawa. Subalit nagulat siya nang biglang sumunggab ng yakap sa kaniyang bewang ang mister na si Alfonso.

"Ang suwerte ko talaga sa 'yo Lyn." Banggit nito at tumunghay sa asawa na ngayon'y yakap niya na sa bewang gamit ang dalawang braso.

Kikiligin naman si Lyndis kaya't ilalapit niya ang mukha sa asawa. "Ako din, suwerte sa iyo." Sambit nito at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Marahan niyang ilalapat ang labi sa mister ng asawa ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon ay matitigilan ito.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong ni Alfonso.

Walang magiging sagot ang misis, bagkus ay mapapatakip lamang sa bibig.

Nagmamadali itong kumalas mula sa pagkakayakap ng mister at dali-daling tumakbo sa kusina.

Nagsusuka si Lyndis kaya't sumunod si Alfonso. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ng mister. Napahawak sa kaniyang sentido ang misis bago nagpatuloy. "Hindi ko alam, nung isang araw pa masama ang pakiramdam ko. Nahihi---" Hindi na naituloy pa ni Lyndis ang paliwanag nang muling mapahawak sa bibig. "Gusto mo bang pumunta sa doktor?" Tanong ng mister at lumapit sa kaniya. Iling na lamang ang naging sagot ng asawa.

Lalabas si Lyndis kusina na siya namang susundan ni Alfonso dahil sa nag-aalala pa rin ito.

"Sigurado ka---" - Alfonso

Natigilan ang mister nang biglang bumagsak si Lyndis, mabuti na lamang ay nakasunod siya at nasalo niya ito. "Hindi puwede 'to, tara na, dadalhin na kita sa doktor." Seryosong sabi ng mister at hindi na hinintay pa ang magiging sagot ng misis. Binuhat niya ito at nagmamadaling tumungo palabas ng bahay.

---

Magkatabing nakaupo ang mag-asawang Lyndis at Alfonso na naghihintay sa doktor. Hindi magtatagal ay darating na ang isang babaeng doktor, uupo ito sa swivel chair na katapat ang table. Kaharap ng mag-asawa.

"Doc, ano po ang sakit ng asawa ko?" Inunahan na ni Alfonso ng tanong ang doktor. "Wala po." Nakangiti namang sagot ng doktor. "A-ano? Eh ano po yung mga nararamdaman ko? Nahihilo, nagsusuka." Nagtatakang tanong ng misis.

"Misis, base on the result ng lab test na isinagawa natin, what you've been experiencing are just symptoms of pregnancy. You're pregnant." Nakangiting sagot ng doktor na ikinagulat ng mag-asawang matagal nang naghahangad na magkaanak.

Nanlaki ang mata ni Alfonso sa narinig na iyon kaya't tinignan niya ang asawa na nakatingin na rin sa kaniya dala ng tuwang hindi mapagsidlan at pagkasabik. "Magkakaanak na tayo." Masayang sambit ni Alfonso at niyakap ang misis nito.

---Present---

"... Mature egg cells are retrieved from ovaries and fertilized by sperm in a lab. If it goes well, the fertilized egg or embryo will be transferred to the uterus. That's how IVF works." Paliwanag ng doktor na kausap ng mag-asawang Alfonso at Lyndis.

Isang linggo nang nakalilipas simula nang pumayag si Alfonso sa hiling ng kaniyang misis na sumailalim sila sa IVF sa pag-asang matutupad na nila ang pangarap na magkaanak.

Nasa simula na sila ng proseso, naipakilala sila sa isang doktor na may fertility clinic sa Manila. Si Dr. Ana Manalili ang nakatakdang umasikaso sa kanila sa buong prosesong pagdadaanan nila para sa tinatawag na in-vitro fertilization.

"But before the egg retrieval, we have to run some screening to see if you are candidate for IVF. There are instances na maaari itong maging risky so we have to make sure that before anything else, is clear lahat." Dagdag pa ni Dr. Manalili.

"I'll schedule you for another appointment para maisagawa ang screening..." Nagpatuloy ang doktora sa pagpapaliwanag.

---Fast Forward---

Ilang linggo pa ang lumipas, puno ng pag-asa ang mag-asawa na ngayon'y sumasailalim na sa I.V.F. Nag-umpisa na si Lyndis sa kaniyang medikasyon. Batid niyang ito na ang pag-asang tutupad sa kahilingan nilang mag-asawa na magkaanak.

"Kumusta?" Tanong ni Riza na nagpabalik kay Lyndis sa reyalidad.

Nasa sala sila ngayon ng bahay, binisita ni Riza ang kaibigan upang kumustahin ito nang mabalitaang sumasailalim na nga sila sa in-vitro fertilization.

"Ah, ayun, I'm already taking my medications." Sagot ni Lyndis. "Para saan?" Curious na tanong ng kaibigan. "For ovulation, para makapag-produce ng mature and enough egg cell para sa I.V.F." Paliwanag.

"Aahh" - Riza

Kukunin ni Riza ang tasa ng kape na nakapatong sa coffee table. Hihigop siya dito habang nakikinig sa sinasabi ni Lyndis.

"Alam mo ba Riza, pakiramdam ko ito na yun, alam ko. Alam kong magkakaanak na kami ni Alfonso." Masayang sambit ng ginang. Puminta ang ngiting puno ng pag-asa. Napahawak siya sa kaniyang tiyan at hinimas-himas na para bang nasasabik.

"Hindi na ako makapaghintay, sana ito na yun." Dagdag pa nito.

-^°^-

IVFWhere stories live. Discover now