Another Hope

9 0 0
                                    

---Present---

Kasalukuyang nasa isang coffee shop si Lyndis kasama ang kaibigan nitong si Riza. "Uy marse, kanina ka pa tulala diyan!" Sambit ni Riza na kinuha ang atensyon ng kaibigan sa pagpitik ng daliri.

"Ahh, sorry." - Lyndis

"Ano ba kasing nangyari sa lakad mo? Ano? Buntis ka na ba? Ilang buwan na? Ako ninang ah!" Usisa ng kaibigan at nagbiro pa. Malungkot na ekspresyon naman ang itinugon ni Lyndis. "Ah, hindi ako buntis." Tugon nito. "Ano? Akala ko ba nahihilo ka nitong nakaraan, ta's nagsusuka ta's nagli---" Hindi na natapos pa ni Riza ang sasabihin nang unahan siya ni Lyndis. "No, false alarm lang. It was phantom pregnancy that I had experienced. That's all, I'm not pregnant." Paliwanag ni Lyndis bago humigop ng iced coffee na in-order niya.

"Sorry, marse." - Riza

"Ayos lang, besides, kasalanan ko rin naman at nag-expect pa ako. Samantalang, ilang taon na rin." Pinilit ngumiti ni Lyndis upang ipakitang ayos lang, subalit hindi maiwawaglit ang katotohanang nasasaktan siya dahil sa panginginig ng boses.

Saglit na natahimik ang magkaibigan.

"Marse, baka puwede ko kayo matulungan." Wika ni Riza. Tila nabuhayan naman ng loob si Lyndis nang marinig iyon. "T-talaga? Paano?" Tanong ni Lyndis at diretsong tumingin sa kaibigan.

"Hindi ba kilala mo yung pinsan ko? Si Clarisse. Naku, tulad ninyo ni parse, hirap din sila magkaanak nung asawa niya hanggang sa mag-undergo sila ng in-vitro fertilization, ayun, awa ng Diyos naging successful and may dalawang anak na sila ngayon..." Kuwento ni Riza. Halata naman ang kuryosidad kay Lyndis na maiging nakikinig. "Kung mapagdesisyunan ninyo ni parse, ilalapit ko kayo sa naging doctor nila."

"Sandali lang, in-vitro fertilization? A-ano yun? Hindi ako masyadong familiar." Tanong ni Lyndis. "Aah, yun yung makabagong way para tulungan ang mga mag-asawang tulad ninyo, na hirap magkaanak..." Paliwanag ni Riza. "Pero paalala ko lang marse ah, medyo pricey din ito and it requires patience din talaga." Dagdag pa nito.

"Kahit ano, gagawin ko. Alam mo, tingin ko kailangang kong sabihin kay Alfonso ito. Magandang balita ito at tiyak ko matutuwa yun." Masayang sambit ni Lyndis at ngumiti sa kaibigan. Isang ngiti rin ang itinugon ni Riza.

---Fast Forward---

Pagsapit ng gabi ay patuloy pa rin si Lyndis sa paggamit ng laptop. Naghahanap siya ng sagot mula sa mga online site patungkol sa in-vitro fertilization na nabanggit sa kaniya ng kaibigan.

Doon'y nalaman niya na kung paanong sa paraang iyon magkakaanak ang isang mag-asawa, kaya naman patuloy pa siya sa pagkalap ng impormasyon, matiyaga rin siyang nanood ng mga videos online na masusing pinaliliwanag kung ano ang proseso para dito.

Hindi magtatagal ay makakaramdam na rin ng antok ang misis. Itinabi niya sa night stand ang laptop at humiga sa kama.

Sakto naman na kauuwi lang din ni Alfonso galing sa trabaho, hindi niya na naabutan pang gising ang asawa kaya't hindi na rin siya nag-abala pang gisingin ito.

Isang halik sa ulo ang ibibigay niya sa asawa na nakatalukbong na ng kumot, mahimbing na natutulog at may ngiti sa mga labi.

---Weeks Later---

"...when it comes to IVF, egg cells are removed from your ovaries, and combined with your husband's sperm outside the body to form embryos..." Paliwanag ng doktora.

IVFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon