In-Vitro Fertilization

12 0 0
                                    

Alfonso and Lyndis Jimenez are married couple who once lost their first expected child and are now struggling to conceive. Longing for the happy family they have been dreaming of, the two undergo In-Vitro Fertilization in hope of having their child to call their own.

-^°^-

"...Hon, may pag-asa pa tayong magkaanak..." Masayang sambit ni Lyndis sa mister nito.

Magkatabi sila sa kama habang nakaupo at pinag-uusapan ang isang bagay na babago sa buhay nilang mag-asawa. Marahang hahagkan ni Lyndis ang asawa at magpapatuloy. "Matutupad na natin, ulit, yung pangarap nating pamilya." Isang matamis na ngiti na puno ng pag-asa ang puminta sa labi ng misis na matagal nang nasasabik sa pagkakaroon ng anak.

Kakalasin ng mister nitong si Alfonso ang pagkakayakap ni Lyndis at uupo sa gilid ng kama, nakatalikod sa asawa nito. "Hindi, Lyn. Hindi." Mariin nitong sagot. Napalitan ng pangamba ang ekspresyon ni Lyndis.

"May anak na tayo, si Irish. Buo na ang pamilya natin." Paliwanag ni Alfonso."Pero---" Natigilan si Lyndis. "Lyn, isipin mo naman ang mararamdaman ng anak natin. Kung ipagpipilitan mo yang gusto mong In-Vitro Fertilization na yan." Mahahalata ang inis sa tono nang pananalita ng mister.

Lalapitan ni Lyndis ang asawa at ipapatong ang kamay sa magkabilang balikat nito. "Hon, wala namang magbabago besides Irish is already in legal age. Sa puntong 'to, mas independent na siya, 'di magtatagal magkakaroon na rin ng sariling buhay ang anak natin. Ang gusto ko lang, hangga't 'di pa huli, ay magkaroon pa ulit tayo ng anak. Kasi, kahit masaya naman na tayo ngayon, pakiramdam ko may kulang pa rin." Paliwanag ni Lyndis. Bakas ang kubgkot sa kaniyang tono.

Sandaling babalutin ng katahimikan ang kuwarto. Marahang hahawakan ni Alfonso ang kanang kamay ni Lyndis. "Lyn, hon, I understand what you feel pero hindi ka ba natatakot sa posibleng mangyari, ulit?" Seryosong tanong ng mister na nakapagpa-isip kay Lyndis. "You already know what I mean." Dagdag pa ni Alfonso. Ipinatong ni Lyndis ang ulo sa kanang balikat ng asawa at ipinikit ang mga mata. "I'm all ready, hon, ngayon, gusto kong malaman kung gano'n ka rin ba?" Tanong ni Lyndis.

-^°^-

IVFOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz