II

2 0 0
                                    

"Help me trust
that there's a beautiful purpose
in this broken heart."

-Butterflies Rising



Allie's POV

It's been a month since I met Spencer again. It was surprising na magka-block kami. So it's me, Micah and Spencer again. Ang kaibahan lang kasama na namin si Mark, yung boyfriend ni Micah.

Sana all tumatagal.

Today, maaga nag-dismiss ang prof namin. Himala! Usually kasi tong si Mrs. Reyes ay laging nago-overtime. Paborito nya ata kami kaya lagi syang overtime sa amin. And I'm sorry pero nakaka-antok talaga ang subject namin sa kanya.

One time last week, I accidentally slept in her class. Nagising lang ako noong nag-dismiss na sya, luckily hindi niya ako nahuli.

"Ms. Allieya Certeza, come with me sa faculty room, I'll hand you the activity that you'll be doing tomorrow since I won't be around." tawag sa akin ni ma'am, pero kailangan talaga buong pangalan? Pwede namang Allie lang o kaya apelyido na lang. Nakakaloka ma'am!

Agad naman akong sumunod sa kanya, sumama din sa amin sina Micah. Mabilis lang naman na in-explain at ibinigay ni ma'am yung activity para bukas kaya naka-labas din agad ako ng faculty room. Nginitian ko ang ilang mga professor na kakilala ko mula sa faculty ni Mrs. Reyes.

"Tell me, why I took Biology again?" sabi ko nang medyo maka-layo kami sa faculty room. Napabuntong hininga ako.

These past few weeks were stressful, add the fact that I haven't fully moved on yet because I often see John and his new cheerleader girlfriend in the University.

I swear kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko silang magkasama. Kagaya noong minsan na sa harap talaga namin sila nag-landian. Gusto ko silang kalbuhin at pagbuhulin dahil sa inis. Like, Hello?! Ako yung ex mo.

What's good is that I don't cry anymore. Naiinis? Yes. Pero hindi ko na iniiyakan si John. After I met Spencer again, I haven't cried once again because I remembered John. In fact I barely think of our memories.

Dahil kay Spencer, mas nagiging okay ako. Day by day. Hindi man agad pero mas okay na ako kaysa noong una niya akong nakita.

Friday ngayon at may date nanaman sina Micah and Mark. So imbis na umuwi ay nag-plano na lang kami ni Spencer na mag-picnic sa safe place namin. Nag-usap kami na magdala ng comforter at laptop para naman mag-movie marathon kami while looking at the City Lights. Para di boring.

Ibinaba namin sina Micah at Mark sa mall at dumiretcho kami sa bahay.

"Hi tita!" bati ni Spencer kay mama.

"Oh saan ang lakad niyong dalawa?" tanong ni mama habang naka-yakap kay Spencer.

"Jan lang po tita but I might bring Allie home late po." paliwanag ni Spencer kay mama.

Why does she care? Hindi naman sya ganyan noon. Suddenly, she cares when Spencer came back. I was shocked na okay sya kay Spencer samantalang noon, ay galit na galit sya rito.

"Tara na. Bye ma." I just said casually. I didn't hug or give her a kiss before leaving.

Ramdam ko naman na sumunod na sa akin si Spencer dahil narinig kong nag-paalam na sya kay mama.

Nang makaalis kami ay tahimik lang ako. Nakatingin lang sa daan at nakikinig lang sa tugtog. Nang biglang mag-salita si Spencer.

"Hindi kayo close ni tita."

"Nagulat nga ako na okay sya sa'yo. Dati she was really mad when I told her about you. Like, second time nyo palang nag-meet ngayon and alam nyang ikaw si Spencer, the puppy love." I explained, a bit irritated because of my mom.

"Syempre bata pa tayo dati. Iba na ngayon." he said habang natatawa.

"Bakit ka natatawa? Tsaka alam mo, wala namang pakielam si mama sa akin eh tapos noong bumalik ka and nakilala ka nya biglang ganiyan na sya. What's funny is that she's allowing me to go home late basta ikaw ang kasama ko." sabi ko pa. Like, may pinakain ba si Spencer kay mama para maging close sila? Nakakapagtaka lang kasi ganon sila ka-close agad.

I feel like I don't know something. I smell something here.

I chose to be quiet the whole drive. I've also taken a nap. Para naman mamaya ay di ako maka-tulog habang nagmo-movie marathon kami.

As soon as we arrived at the place ay agad naming inayos yung comforters at unan na dala namin. Ang ganda ng view. Nag-take out din kami ng madaming foods para naman may kinakain kami habang nagmo-movie marathon at habang nagku-kwentuhan.

Nagsimula kaming manood ng movies pero hindi ako masyadong maka-concentrate, dahil napapa-tingin ako kay Spencer.

"Wag mo ako titigan masyado, I won't go anywhere." sabi nya habang naka-pako parin ang mga mata sa laptop.

"Spencer." I seriously called him and I got a hum in response.

"Paano kayo naging close ni mama?" I asked, dahil kanina pa talaga ako curious kung paano sila naging close.

He paused the movie and said: "I talked to her, bago ako mag-enroll sa University."

"Bakit hindi ko alam yon?" I asked again.

"Nasa University ka noon. How would you know?" he shortly said with a smile plastered on his face.

Bumalik kami sa panonood ng movie, pero ako sa City lights lang naka-tingin. Mas gusto kong tingnan ang mga ilaw na nanggagaling sa City mas peaceful.

Hindi ko naiisip na doon pala ako naninirahan. Maganda ang view at animo'y napaka-tahimik, pero once na bumalik ka na sa City ay napaka-gulo.

Hindi ko namalayan na tapos na pala yung movie na nagpe-play hanggang sa biglang mag-salita si Spencer.

"Ano bang nangyari sa atin, Allie?" tanong niya.

Napa-tingin ako sa kanya. He was just looking at the City lights. Parang ako, kanina.

I finally found the courage to tell him the thing he seemed to forgot.

"You stopped writing remember? You told me goodbye." I asked back, may mapait na ngiti sa mga labi ko nang ibalik ko ang mga mata ko sa napaka-gandang view.

"I didn't stop, Allie. I was waiting for your reply. I wrote a lot of times. Hoping that you'll reply." he said, tears were forming in his eyes as I look at him with disbelief.

"I didn't receive any of those letters. The last letter I received from you was a goodbye letter. Saying you'll stop writing." I said as I bit my lower lip. I don't know why, but I suddenly felt heat on my eyes and I could feel that any moment tears will start flowing.

His tears suddenly betrayed him as he said those words.

"I didn't said goodbye."

A Piece of YouWhere stories live. Discover now