Chapter 13: Experiments

Magsimula sa umpisa
                                    

"T-tutulungan kita" sabi ko at kumuha ng bato at sinubukang sirain ang kadenang nakapulupot sa mga metal bar na kumukulong sa kanya. Nakita ko ang mga kadenang nakalagay sa mga paa niya, hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pagsisira ng kadena.

Bigla siya sumigaw at napaatras. Napansin ko ang panginginig ng mga labi niya pero nagpatuloy ako sa pagsira ng kadena gamit ang bato.

"Wag kang mag-alala, ililigta-"

Bago ko pa matapos ang pagsasalita at nakaramdam ako nang pagtusok ng isang karayom sa leeg ko. Biglang bumigaw ang katawan ko at umikot ang paningin ko.

"You shouldn't be down here, princess."

Nakarinig ako ng mga nag-uusap sa paligid, kumunot ang noo ko dahil sa sakit.

"She's awake!" 

"Tawagin mo ang Healer!"

"After 3 straight days!"

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko, bumungad sa akin ang mukha ni Shane na puno ng pag-aalala. Tabi niya si Tracy na ganun din ang ekspresyon.

Sinubukan kong umupo at inalalayan nila ako. Pinikit ko muna ang mga mata ko para mag-adjust sa ilaw, pagbukas ko ulit, unti-unti nang nagiging klaro ang mga mukha nila. Tiningnan ko ang kamay ko na binalutan ng bandage.

Nilapitan ako ng healer para pakiramdaman ang pulsuhan at temperatura ko. Ang sabi naman niya normal lahat at maaari na akong umuwi kapag nakaadjust na ang katawan ko.

Pagka-alis ng healer ay niyakap nila ako. Unti-unti kong naramdaman ang pagkabasa ng damit na suot ko.

"Lean, sorry" umiiyak na sabi ni Shane "Akala namin hindi ka na magigising"

"Natakot kami sa kung ano ang mangyayari sayo sa loob ng barrier" dagdag pa ni Tracy.

"Sorry we ever doubted you. Ikaw dapat ang kinampihan namin, we know you better than anyone"

Napangiti ako, halos tumalon ang puso ko sa saya dahil sa sinabi nila. Pakiramdam ko mahal talaga nila ako, niyakap ko rin sila ng mahigpit. Humiwalay sila sa akin. Lumapit sina Kairo at inabutan ako ng makukulay at magagandang bulaklak na nakakonekta pa sa mga sanga.

"Ginawa yan ni Luke," sabi niya "Sorry gift, pero ako yung nagsuggest ng disensyo"

Lumapit naman si Tristan at Wade, binigay sa akin ang malaking paperpag. Sinilip ko at nakita ko ang haladie dagger ko na may bagong leather holder.

"Sorry Lean" sabay nilang sabi habang nakayuko. Napangiti ako, I never felt so loved in my entire life. At dahil ito sa mga kaibigan ko.

Nakita ko si Krayver at Flame sa harapan ko, nakasanding si Krayver sa pader at nginitian ako nang magtama ang tingin namin. Lumapit naman si Tracy kay Flame at kinurot ito sa braso, inis siyang tiningnan ni Flame at lumapit sa akin.

Nahihiya niyang inabot ang dalawang box ng chocolate. Tinanggap ko ito at nagpasalamat, bahagya din siyang napangiti at bumalik sa gilid ng pader.

"Okay ka na ba?" tanong ni Tracy "Aren't you hurting? you were sleeping for three straight days!"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya, tatlong araw?! paano nangyari yun?! 

"S-si Reisa?" tanong ko, hindi ko alam kung bakit pero bigla ko siyang naalala. Tumahimik silang lahat at dumilim ang kanilang mga ekspresyon.

"She died" dere-derechong sabi ni Wade, sinaway siya ng mgakasama namin "What? there's no point in lying to her"

Naalala ko bigla yung mukha niya nung umiiyak siya, her sister died and Doyle turned her into a monster. Ngayon namatay na siya, maybe it because of me all over again.

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon