Chapter 29: Sunday**

953 65 6
                                    

Guys, patawarin niyo 'ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Guys, patawarin niyo 'ko. Una niyong nabasa ang chapter 30 bago 'to! Hindi ko napalitan ang chapter number. 🤣 Mali pala na-post ko. Pagod na 'ko sa life 🫣🥹

Content advisory: Mature themes (slight 🤣)

***

"THIS looks like a nice place," panimula ni Summer habang sinusuri ang mga retrato ng isang apartment ilang bloke ang layo sa kompanya. Hindi nalalayo ang sukat ng apartment sa dati niyang tinutuluyan at nasisigurado na niyang hindi iyon kay Stephen.

Maganda ang lugar at sakto para sa isang tao. Ngunit nang dalhin niya sa pahina ng presyo, namilog ang kaniyang mga mata. Mas mahal pa iyon kompara sa dating inuupahan niya.

"Hindi pala maganda ang presyo," aniya.

"I'm sure na marami pa r'yan," sagot ni Genesis bago kumagat sa kaniyang pandan-flavoured ice candy.

Naningkit ang mga mata ni Summer nang sinilip ang binata. "Hindi ka ba nilalamig sa pagkain ng ice candy? Winter pa kaya."

"Nope. Bukas ang heater," tipid na sagot ni Genesis bago muling kumagat.

Summer rolled her eyes at him, then brought her eyes back to her phone screen

Kasalukuyan na nakahiga si Summer sa couch at nakapatong ang mga binti sa hita ni Genesis na nakaupo naman. Abala siya sa pagtitingin ng mga apartament sa kaniyang smartphone habang nanonood naman si Genesis ng basketball sa telebisyon at kumakain ng ice candy.

"Wala ka bang ibang gagawin, Gab? It's Sunday," ani Summer.

"Exactly. It's Sunday. I'm already busy here." Pinatong ni Genesis ang kamay sa hita ni Summer at pinisil-pisil.

Bumangon si Summer mula sa pagkakahiga at bilapit ang mukha kay Genesis. Nakipagsusukatan siya ng tingin sa binata na pinipilit itago ang ngisi kahit na nahahalata naman ng dalaga.

"You're mean," reklamo ni Summer.

Nilapit ni Genesis ang ice candy sa bibig ni Summer. "Want a bite?"

Hindi na sinagot ni Summer si Genesis at biglang kumagat sa ice candy. She started munching on it as Genesis took a bite on the same end, still with a smug smile.

Habang nagtitingin ng mga bakanteng apartamento si Summer, hindi niya lubos maisip na mapupunta siya aa ganoong posisyon kasama si Genesis.

Sleeping with her boss was one thing. But spending their day offs chilling on his couch while she was only wearing her underwear underneath his long shirt. Masiyado na siyang nasasanay sa presensiya ng binata kahit wala silang relasyon. Nakakatakot kapag nawala o nabago ang kaniyang nakasanayan. Parang ma-re-reset muli ang lahat.

It was a scary thought.

***

SUMMER continued looking around the street as she walked towards her potential new apartment. Nagpresinta si Genesis na ihahatid na siya ngunit hindi siya pumayag.

Save the Beast for Last (R-18)Where stories live. Discover now