Chapter 25: Sunshine

1K 98 22
                                    

***

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

***

NAPASINGHAP at napamulat ng mga mata si Summer nang maramdaman na may humahaplos sa kaniyang likod. Hindi pa siya nahihimasmasan ngunit naaamoy niya sa buong paligid ang amoy ni Genesis. Just like last night.

Marahan siyang umikot at nakita si Genesis na pinapahid ang cream sa likod niya. Nakabihis na ito at mukhang bagong ligo. 

"Hey . . . " inaantok niyang pagtawag.

"Morning, sleepy head. Patapos na 'to."

"Hmm . . . Thank you . . . " bulong ni Summer at ninanamnam ang bawat hagod ni Genesis sa kaniyang likod. "Mapula pa ba?"

"Hindi na. The looks of it almost heal it. Hindi na ba masakit?"

Umiling si Summer. "Hindi na. Mas masakit pa nga ang balakang ko," pag-amin niya. She heard him chuckle with her response. Totoo naman iyon. 

Summer closed her eyes once more as she felt the excellent pressure Genesis was applying with every touch. Masakit man ang balakang niya, pakiramdam naman niya ay bumabawi si Genesis sa kaniya.

Hindi katulad nang ilang pagkakataon na may nangyari sa pagitan nila, hindi na siya nag-aalala pa sa hitsura niya paggising 'pag nakikita si Genesis na katabi sa kama. 

Nang matapos si Genesis, muling nagmulat ng mata si Summer at saktong humiga si Genesis sa tabi niya. They were just staring at each other's eyes while enveloped with silence.

Nilapit ni Summer ang kaniyang hintuturo at ginuhit ang ilong ni Genesis. Nakatitig lang si Genesis sa kaniya at hindi kumikibo.

"Ang tangos ng ilong mo," bulong ni Summer habang pinagmamasdan ang mukha ni Genesis. Hindi lang naman ang ilong ng binata ang kaniyang napapansin pero ang bawat bahagi ng mukha ni Genesis.

If she had met Genesis before, would she have fallen for someone like him?

Maybe not. That would be silly.

"How are you feeling? Are you feeling sick?" pabulong na tanong ni Genesis bago inabot ang kamay ni Summer at nilapit sa kaniyang labi. Ramdam ni Summer ang halos pagdampi ng labi ng binata sa kaniyang balat.

Umiling si Summer. "I feel fine. Masyado mo 'kong inalagaan kahapon kahit pinagod mo 'ko," aniya. Hindi sumagot si Genesis ngunit inalis niya ang ilang hibla ng buhok ni Summer na hindi niya pansin na humara sa kaniyang mukha. He tucked it behind her ear while not breaking eye contact.

The way he was acting was too weird for her. She was no longer used to such care from another person. It was too warm that she was scared it was all but just a dream. Baka kapag nagising siya, malungkot lang siya dahil hindi pala totoo ang lahat. At kung totoo man, panandalian lang ang lahat.

"Gab . . . "

"Hm?"

"Why are you so nice to me?" she hesitatingly asked.

Save the Beast for Last (R-18)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora