Chapter 7: Sanity

1.4K 78 10
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

"AAAAH!" sabay na sigaw nina Summer at Genesis nang mapagtanto ang nangyayari, natalo pa ang nakakita ng multo.

Nagmamadaling niyakap ni Summer and sarili at naupo sa sahig habang bukas pa rin ang shower. Nagmamadali at pabagsak na sinara ni Genesis and pinto. Ramdam ang impact niyon sa bubog na hara sa shower.

Kinakabahan na lumingon si Summer sa kasasara pa lang na pinto. She was squeezing her bosoms as she held her arms tight. Ilang beses niyang minumura ang sarili sa isipan.

Her boss just saw her naked!

Nagmamadali niyang binanlawan ang sarili at inabot ang tuwalya. Nabura na ang pagmumunimuni niya dahil sa nangyari.

She had always been the ice queen, but an embarrassing situation could not contain her at all. Basta ang alam niya . . . nakakahiya! Gusto na lang niyang magpalamon sa lupa!

Hindi na niya napatuyo nang maayos ang sarili dahil pilit siyang nagmamadali sa pagbibihis. She damped and scrunched her hair into a hight bun. Hindi na niya naayos ang ilang hibla na hindi sumama sa pagtatali niya ng buhok.

Basta ang nasa isip niya, lailangan na niyang magmadali sa pagbibihis at labasin ang amo. Kailangan niyang magpaliwanag kung sakali na hindi pa nakakausap ni Mhah.

Niyakap ni Summer ang bag na pinaglagyan niya ng maruming damit at lumabas. Gaya nang nasa isip niya, nakaupo si Genesis sa couch na nakatalikod sa banyo.

Napalunok siya at dahan-dahan na humakbang palapit sa amo.

"S-sir . . . " pigil-hinga niyang pagtawag. Baka ito na ang panahon na totoong masesesante na siya. "I'm sorry I had to use your bathroom. 'Yong damit ko—"

"That's enough. I apologise for barging in like that, kasasabi lang ni Mhah sa 'kin." Halos mapatalon si Summer sa boses na narinig. Minsan lang niya naririnig mag-Filipino si Genesis at talagang malalim ang boses ng lalaki. "But Miss Cruz, why are you still here in the office? You should be home already."

Tumayo si Genesis at hinarap siya. Kunot na kunot ang noo ni Genesis nang magtagpo ang mga mata nila. Parang bata na pinagagalitan niya si Summer.

Napayuko si Summer at humigpit ang yakap sa bag. Walang babala na pumapasok sa isip niya ang ilang segundo na nakita ni Genesis ang buong kahubadan niya.

Nasisigurado ni Summer na namumula pa rin ang mukha niya. Gusto na lang niyang umuwi pero nais pa rin niya na manatiling propesyonal. She shouldn't be flustered anymore. Aksidente lang iyon.

"A-eh . . . May mga kailangan lang po tapusin, sir. Kailangan na raw po ng marketing department bukas."

"You can just do it at home if it's an emergency. Otherwise, leave it for tomorrow."

Sa tainga ni Summer, wala lang kay Genesis ang nangyari. And she should just do the same. Dapat burahin na lang niya sa isipan ang gulat na mukha ni Genesis.

Save the Beast for Last (R-18)Where stories live. Discover now