Chapter 32: Sob

875 74 18
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

BINABA ni Summer ang kaniyang bag sa mesa. After her nice talk with Chase, they went on with their day. Baka magkita pa rin sila mamaya sa meeting ni Genesis kasama ang EX . . . assuming things don't change with the plans of the Spanish Crown Prince, Eugenio Filipe la Cerda II.

Summer was just happy that things went well with Chase. Masaya na si Chase at unti-unti na nitong natutupad ang pangarap. And maybe Chase was right . . . she deserved to find her happiness, too.

Inayos niya ang damit at saka nagtungo sa kusina upang ihanda ang baso ng tubig at tasa ng mocha para sa amo. Summer could swear she was close to waltzing as she prepared everything. Parang nasa alapaap siya nang mga oras na iyon. Her new found peace was just . . . amazing.

Sa kaniyang paglingon upang magtungo na sa opisina ni Genesis, halos mapatalon siya hindi dahil sa nakakita ng multo, ngunit dahil nakatayo sa entrada ng kusina si Genesis.

"G-Gab!" gulat niyang pagtawag. "Kanina ka pa ba r'yan?"

Sa halip na sumagot si Genesis na salubong ang kilay at kunot na kunot ang noo, tumalikod ito at pumunta na sa kaniyang opisina.

Summer was weirded out, but she just went to her boss' office. Baka biglang tinopak lang. Hindi naman imposible 'yon. Parang noong unang mga linggo niya sa trabaho, ganoon ang pakikitungo ni Genesis sa kaniya.

Pumasok siya sa opisina ni Genesis at sinuri si Genesis na nakaupo na sa kaniyang leather chair. Nakatitig na ito sa kaniyang computer at tuloy-tuloy sa pagtipa sa keyboard.

"G-Gab?" may pag-aalinlangan na pagtawag ni Summer. "May problema ba?"

Genesis abruptly stopped typing, and an eerie silence filled the room. She saw how his Adam's apple moved up and down, but no words escaped his lips. A second turned to five, and there was just pure silence before he started typing again.

Napakagat ng labi si Summer habang hindi inaalis ang titig kay Genesis. Okay naman sila nang gumising at dumating sa trabaho. Okay naman sila bago siya nakipag-usap kay Chase kanina. Kaya hindi niya alam bakit mukhang may galit ito sa kaniya.

Napabuntonghinga na lang si Summer nang lumabas sa opisina ni Genesis. Napahilot na rin siya ng sentido nang maramdaman ang paparating na sakit sa ulo.

"Summer!"

Nag-angat ng tingin si Summer at nakita si Mhah na may dalang mga folder.

"Good morning, Mhah!" Mabilis na inayos ni Summer ang kaniyang tindig sa harap ng katrabaho. "What are you doing here this early?"

Binaba ni Mhah ang mga folder sa kaniyang mesa at napailing. "Your boss called me to come here so . . . I'm here. He said you need to complete these reports, and I'll tag with him today."

Nangunot ang noo ni Summer. "H-he did?"

"Yeah. I was about to jump into my own meeting, but he could be a prick. He made me cancel all my meetings and report here. Did you two fight?"

Save the Beast for Last (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon