Chapter 48: Safe

980 75 51
                                    

Malapit na ba? Mag-countdown na ba? 🫣

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

Malapit na ba? Mag-countdown na ba? 🫣

***

NAGMULAT ng mga mata si Summer nang maramdaman na may mainit na kamay na patuloy na humahaplos sa kaniyang kamay. Sinalubong siya ng nakasisilaw na liwanag mula sa kisame kaya ilang beses pa siyang napapikit. It didn't look like Genesis' bedroom lights.

Nang masanay ang mga mata ni Summer sa liwanag ng silid, nakita niya si Genesis na tahimik at seryosong nakatitig sa smartphone nito. He was reading and typing seriously with a creased forehead. She mentally sighed, seeing her hardworking lover occupied with his work.

Muling pinikit ni Summer ang mga mata at pilit inalala ang nangyari sa kaniya. Bakit nakahiga siya sa kama at pakiramadam niya'y nabugbog ang katawan? Ano'ng nangyari sa kaniya?

Then it hit her when she remembered Leviticus lifting her up and carrying her to his car. Mabilis ang naging pagpapatakbo ni Leviticus sa sasakyan at nasa likod lang siya na nakayakap sa sarili at inaalala ang baby niya. Halos mapagbalikwas siya ng bagon nang maalala ang pagdurugo niya.

"Gab!"

Agad siyang nilingon ni Genesis at inalalayan sa pag-upo. Hindi na rin napansin na nabitiwan ang smartphone sa kama. "Careful, Summer!"

"N-no! I need to get up!" ani Summer at halos hilahin ang kaniyang IV drip. "M-m-my—"

"Calm down, Summer!" Napalakas ang boses ni Genesis upang makuha ang atensiyon ng nobya.

Nang mahawakan ni Genesis ang mga balikat ni Summer ay saka pa lamang huminto ang dalaga. Aligaga ito at hindi alam kung saan titingin—kung sa kaniyang tiyan ba, sa IV drip sa braso niya, o kay Genesis. Hindi niya napigilan nang biglang bumagsak ang luha sa kaniyang mata.

"Summer . . . "

"Ang baby natin, Gab! Ang b-baby natin!" hagulgol ni Summer nang yakapin ang sarili. She didn't think twice about blurting out what was meant to be a secret to her lover.

"Summer, look at me. Look at me!" Genesis cupped her face and started wiping her tears with his thumbs. "Our baby is fine."

"O-our b-baby is f-fine?" nanunuyo ang kaniyang lalamunan nang ulitin ang pahayag ng nobyo na tumatango-tango sa kaniya. "Are you sure? I . . . I was bleeding! I—" The horrific sight of her body bleeding replayed in her mind.

"Our baby is okay," seryosong pag-uulit ni Genesis.

Napatakip ng bibig si Summer at napahagulgol. She felt all her strength left her body, and she would be better off turn into a blob. Kagigising lang niya ngunit pakiramdam niya ay napiga na ang lahat ng lakas sa kaniyang katawan. Pakiwari niya ay panandalian din na lumisan ang kaniyang kaluluwa mula sa kaniyang katawan. Kung wala ang nobyo sa kaniyang tabi, baka hindi na bumalik pa ang kaniyang kaluluwa sa katawan.

Naupo si Genesis sa kaniyang tabi habang patuloy siyang pinatatahan. He hugged her lovingly, yet was still careful not to hurt her physically.

"Tahan na, Summer. It's not good for you and our baby."

Save the Beast for Last (R-18)Där berättelser lever. Upptäck nu