Chapter 46: Secluded

924 78 51
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

NAALIMPUNGATAN si Summer dahil sa malalakas na tawanan sa 'di kalayuan. Pilit niyang minulat ang mga mata at sinalubong siya ng kadiliman. Bukod pa roon, nakabusal ang bibig niya at nakatali ang kamay at paa niya. Mahigpit din ang pagkatatali ng katawan niya sa upuan.

Sinubukan niyang tumayo kahit na nakatali ang mga paa ngunit nabigo pa rin siya dahil namilipit lamang ang katawan niya sa sakit.

Nagpalingon-lingon siya ngunit wala siyang makita maliban sa munting ilaw na nagmumula sa direksiyon ng mga nagtatawanan na kalalakihan.

Summer tried forcing her hands and feet off the ropes once more, but they were too tight. Lalo lang siyang nasasaktan sa ginagawa niya.

Napapikit si Summer at hindi mapigilan na mapaluha. She could taste the saltiness of her own tears falling on her cheeks. She felt too stupid to think that things would be okay and easy.

But she wasn't just fearing for her life. She was scared for the innocent life in her womb—Genesis and her baby.

Ni hindi niya alam kung gaano katagal na siyang buntis dahil sa pagiging aktibo nila ni Genesis sa pagsisiping. At sa halip namagpa-test, pinairal niya ang nais na sorpresahin si Genesis kaya sa Pilipinas niya planong magpatingin.

Walang ideya si Summer kung ano'ng oras na at kung gaano katagal na siya roon. Ang naaalala lang niya ay matapos siyang bumaba sa taxi at natapos ang tawag kay Genesis, bumaba siya ng sasakyan at doon dinakip.

Paano siya makahihingi ng tulong sa kaniyang sitwasiyon? Paano niya matatawagan si Genesis? Paano niya maipapaalam kung nasaan siya kung hindi rin niya alam.

Summer started sobbing, not caring if her tears would flood the cloth in her mouth. Kung dahil sa buntis siya kaya mas emosyonal siya o dahil nasa peligro ay hindi na niya sigurado. Basta naiiyak at natatakot na lang siya.

Regret. It was filling her chest more and more.

She was a fool for not telling her lover she was pregnant with their child. Why did she even want to surprise him? Why did she want to make it special instead of telling him as soon as she found out? Dapat nakita na niyang hindi magiging perpekto ang lahat para sa kaniya.

Masiyado siyang nakampante dahil parati niyang kasama si Genesis. Ngunit sa sandali na nilisan niya ang tabi ng binata, wala na siya sa teritoryo at pangangalaga ng nobyo.

Halos mapatalon si Summer nang biglang magbukas ang pinto at nasilaw sa liwanag mula sa labas ng silid kung saan siya nakatali. Doon niya napagtanto na wala siya sa isang bodega o abandonadong silid. It looked like an expensive guest room.

Was she in a hotel room? Was she in their place? Kung sumigaw ba siya ay may darating upang iligtas siya?

"Well, well, look who's finally awake," nakangising wika ni Stephen habang may tauhan siyang tumutulak sa wheelchair.

Save the Beast for Last (R-18)Where stories live. Discover now