ARC I - Chapter 2

30 16 2
                                    

ARC I: IGNITE

Chapter 2: The Downfall

At the Detention Room.

So, here I am, facing my punishment. Facing the consequence of what I did.

First time kong ma-detention sa buong buhay ko and it's really creepy here. And talk about, ay nandirito pa si Jerome, and we are on the same room at ilang hakbang lang yung layo niya mula sa kinauupuan ko. And I will be spending my whole afternoon here. I repeat, WHOLE damn afternoon. Limang subject ko yung hindi ko mapapasukan ngayong hapon, mamamantsahan yung "No absent kong record dito sa school" At hindi lang 'yan, this will also go on my permanent record. Ang saklap! Regression at its finest na talaga ang naramdaman ko ngayon.

Mapapagalitan talaga ako nito nina Mommy and Daddy. Grounded ang aabutin ko sa kanila.

Alalang-alala kanina sina Ate Vannie at Sabrina sa 'kin dahil sa nangyari, agad nila akong dinala sa Clinic upang malagyan ng First aid itong bibig ko na dumugo dahil sa suntok ni Jerome.

Nung una inakala kong makakaligtas na 'ko sa Detention kasi na-Clinic ako, yun pala, ako pa yung may mas mabigat na parusa dahil ako raw yung unang sumuntok kay Jerome. Well, I explained my side na binully niya ko at sinira yung libro ko but it turns out to be na mas pinanigan pa nila si Jerome na kung tutuusin ay marami na nga siyang inagrabiyadong estudyante dito sa school.

But ganoon talaga yung sistema dito sa school namin, medyo ma-impluwensiya kasi ang Pamilya ni Jerome. Their family is one of the biggest donor dito sa school, mga alumni pa yung karamihan niyang mga kamag-anak dito sa school and talk about Varsity pa siya ng school. 'di tulad ko na 'di hamak na simpleng estudyante lamang. Kaya siya yung mas pinanigan na kahit na siya naman talaga ang nagsimula ng gulo.

This is the world we're living people! this is the unfair life. If you're strong, you'll gain Respect, If you're Influential, you'll attain the people and If you have money, you'll obtain Power. and if you combined these three, you'll acquire Justice. At ang mga bagay na 'yan, ay yung mga bagay na wala ako.

...

Hindi ko na alam kung anong mangyayari after this incident, I'm pretty sure na mas lalo pang guguluhin nina Jerome ang buhay ko dahil sa nangyaring ito.

This is the worst day ever! nasira yung libro ko, nabugbug ako, namantsahan yung permanent record ko at alam niyo kung ano'ng pinaka-nakakabad trip? yung nadetention ako at hindi nakapasok sa mga classes ko. Kaasar!

Several hours later......

Sa wakas after ng mahigit limang oras ko sa Detention room ay nakalabas din ako. Agad naman akong sinalubong nina Ate Vannie at Sabrina sa labas ng detention room, kanina pa pala ako nila hinihintay sa labas.

"Kumusta ang detention room, Bro?" Sarkastiko at patawang pagtatanong pa sa 'kin ni Ate Vannie.

"First time kita nakitang nakaupo sa chair-of-shame Zonder hahaha." patawang pang-aasar din sa 'kin ni Sabrina.

"Nang-aasar pa kayo diyan, ang creepy kaya doon sa loob." sambit ko pa.

"Kita ko nga sa mukha mong takot na takot ka hahaha." patawa muling pang-aasar ni Sabrina.

Sinabayan ko na lamang sila sa tawa, habang nagtatawanan kami ay bigla namang lumabas mula sa detention room si Jerome. We just stood up still, habang pinagmamasdan siyang lumalakad patungo sa 'kin, agad niya akong binangga kaya medyo napaatras naman ako ng bahagya ngunit agad din naman akong inalalayan nina Ate Vannie at Sabrina.

"So, Ano? Nakuha mo yung hinahanap mo? Akala mo hindi ka papatulan ng kapatid ko ah, buti nga sa'yo." Sambit ni Ate Vannie kay Jerome.

Napatigil naman siya at bahagyang napatingin sa 'min bago nagpatuloy muli sa kaniyang paglalakad.

The Ultimate Underdog: Hell ArenaWhere stories live. Discover now