- EXTRA-CHAPTER -

Start from the beginning
                                    

"Syempre ano, nami-miss din kita." hinanaan ko 'yung boses ko baka mamaya marinig pala ako ni Mikko!

"Eh 'di lumabas ka ng gate niyo."

"Ha? Bakit naman?"

"Basta lumabas ka lang."

"Okay sige, teka lang."

Naglakad ako papunta sa gate at bago pa ako tuluyang makalabas, nakita ko na kaagad si Paris na nakatayo at nakasandal sa pinto ng kotse niya. Sumaludo pa siya sa akin nang magkatamaan kami ng tingin.

"Paris!" sabi ko tapos lumabas na ng gate at patakbong lumapit sa kanya. "Ano'ng gnagawa mo rito?"

"Gusto lang kitang makita. Masama ba?" t-ina-p tap niya 'yung ulo ko.

"Hindi. 'Di ko naman kasi ine-expect na bigla ka na lang pupunta dito. Tapos sakto pang tinawagan kita. Anong oras ka pa dito sa labas?" tanong ko sa kanya.

"Kani-kanina lang."

"Suri?!"

Sabay kaming napalingon ni Paris kay Mikko na tinawag ang pangalan ko at nakatayo siya sa tapat ng gate namin, lumabas din siya pagkatapos at lumapit sa amin.

Nagkatinginan sina Paris at Mikko, ito kasi ang una nilang pagkikita kaya medyo kinakabahan ako dahil parehas na striking ang personality nilang dalawa.

"Sino 'yan?" pabalang na tanong ni Mikko sa akin. Ganyan talaga 'yan sa una sa mga lalaking nakikita niyang kasama ko pero napaka-supportive niyan.

"Ahm, si Paris nga pala, Mikko. Siya 'yung sinasabi ko sa'yo." tapos tumingin naman ako kay Paris. "Paris, this is Mikko, my twin brother."

"Cool. May kakambal ka pala. Hi! Paris Fujiwara, tol." nakipag-shake hands si Paris kay Mikko na agad naman nitong tinanggap.

Nakita ko na biglang nagningning ang mata ni Mikko. Ngayon niya lang siguro na-realize na ito 'yung lalaking hinahanap nilang contact para sa Fujiwara Elecronics.

"Mikko Shadows. Good taste talaga itong kapatid ko. Tara, pumasok ka muna sa loob." aya ni Mikko tapos tumalikod na sa amin papasok sa bahay.

"Pasok ka na, tara." hinawakan ko siya sa braso at hinila ko papasok sa amin.

"W-wait, seryoso kang papasukin mo ako dyan ulit sa inyo?" parang 'di pa siya makapaniwala sa sinabi Mikko.

"Oo naman, bakit hindi? Welcome ka dito sa amin at saka gusto ka rin kausapin ni Mikko tungkol sa ilang bagay."

"Ha? Tungkol saan?" tanong niya sa akin nang makapasok na kami ng tuluyan sa may living room kung saan nakaupo na sa sofa si Mikko.

Nagkibit balikat ako tapos inaya siyang maupo. "Siya na lang ang tanungin mo."

In-instruction-an ni Mikko ang butler na magdala ng meryenda at agad naman itong tumalima sa inutos niya.

"Are you  courting my sister, Paris?" tanong ni Mikko pagka-upo pa lang namin.

Nagkatinginan kami ni Paris kasi sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung nanliligaw ba siya o nagliligawan ba kami dahil wala naman akong maalalang tinanong niya ako.

"Nope, we're already together." sabay hawak sa kamay ko.

Halos masamid ako sa sinabi ni Paris! Anong we're already together? E wala nga kaming arragement kung ano na ba talaga kami tapos boyfriend ko na pala siya ng 'di ko alam?! Kailan pa?

"Since when?" si Mikko. Parehas lang din kami ng tanong sa utak.

"Kanina lang." tapos tumawa siya, ganoon din 'yung kapatid ko.

Huh. What's funny?! Paanong kanina ko lang siya naging boyfriend eh 'di ko naman talaga matandaan na tinanong niya ako at sinagot ko siya.

"Magkakasundo tayo sa ganyan, Paris." nag-high five sila ni Mikko samantalang ako naman ay tinitignan sila in a weird way,

"Boyfriend mo na pala 'to e. 'Di ka man lang nagsasabi. Maganda 'yan, bagay na bagay kayo ng kambal ko Paris. 'Wag mo 'tong sasaktan ha!" sabay akbay ni Mikko sa akin.

"Makakaasa ka, Mikko. Lakas ng tama ko dyan sa kapatid mo e." nakatingin pa si Paris sa akin habang si Mikko ang kausap niya. Ugh, para na akong lalamunin ng lupa sa sinabi niya.

Actually, OP na nga ako sa dalawang 'to. Pagkarating ng meryenda, halos silang dalawa na lang ang nag-usap ng kung anu-anong bagay. Sabi ko na e, magkakasundo si Paris at Mikko. Nagkakataon na nga lang na napapasali ako sa usapan pag nagsasabi sila ng "'di ba?"sa akin at doon ako nagkakaroon ng chance na magsalita kasi pag-agree lang naman ang sagot ko.Sa huli, nagkaroon ng din ng chance na nai-open ni Mikko 'yung pakikipag-communicate niya sa Fujiwara Electronics dahil kay Paris.

"Good to know that you're my sister's boyfriend so it would be easier to arrange a meeting with the Board of FE." sabi ni Mikko kay Paris.

"Small world nga e. Actually, wala akong direktang kinalaman dyan kasi kumpanya 'yan ng Papa ko. Pero maibibigay ko ang contact details na kailangan mo. I-email ko na lang sa'yo pwede ba?"

Tumango si Mikko at kumuha ng calling card sa wallet niya sabay binigay ito kay Paris. "You can send me the details on my email there. Hope they can entertain our meeting request."

"Sana nga, pero kakausapin ko na din si oto-chan para alam niya. Sana maging maganda ang usapan niyo. Kung sabagay, Hertford is Hertford. Maganda at magaling na multi-national company ang sa inyo kaya sa tingin ko maganda ang magiging outcome."

"Let's hope for the best." nakangiti naman si Mikko tapos ininom ang natitirang iced tea sa baso.

"Young Master, long distance call po galing sa New York." nilapitan si Mikko ng butler,  napatingin naman ako sa kanila.

"Sino daw?"

"Si Miss Lindsay po."

Tumango si Mikko at nag-excuse muna sa amin ni Paris para sagutin ang tawag sa may study.

"Sino 'yung Lindsay? Girlfriend niya?" tanong naman ni Paris sa akin.

"Malabo e. 'Di ko alam kasi may girlfriend siya dati nung college tapos nag-break sila before graduation because of Lindsay. Naaksidente kasi 'yun at naging amputee. Na-guilty 'yung kapatid ko kaya sinamahan niya si Lindsay hanggang pabalik sa US." paliwanag ko sa kanya habang kumakain ng sansrival.

"Ganoon? Ang saklap naman ng love life ng kakambal mo. Sana 'wag tayo matulad sa kanya." natawa siya.

"Tayo? Ano'ng pinagsasabi mo kanina kay Mikko na kanina lang na official na mag-boyfriend na tayo? Seryoso ka ba? Eh ni hindi mo nga ako tinatanong kung pwede ba kita maging boyfriend 'di ba?" sabi ko sa kanya.

Awkward na tumawa si Paris at napakamot sa likod ng ulo niya. "Wala, eh baka kasi kulitin ako ng kapatid mo kung sinabi kong hindi pa tayo."

"Nasabi mo na kay Mikko 'yun, malamang ipapaalam niya na din sa parents ko na may boyfriend na ako." nagkibit balikat ako.

Naramdaman ko 'yung pag-akbay niya sa balikat ko. "Eh 'di mas mabuti tapos magpakasal na rin tayo pag natuloy ang partnership ng Hertford at FE."

At naramdaman ko na ang paglamon ng lupa sa akin.

Your Boyfriend SucksWhere stories live. Discover now