Chapter 20

51 5 0
                                    


Irish Kristel POV

Buong mag damag kong inisip yung sinabi saakin ni Jen.Nagulat naman ako dahil tumawag si DP saakin kaya syempre agad ko yung sinagot.

"Hello?"

"I'm here, pwede ka bang lumabas, I just want to see you" Sabi nya saakin kaya agad naman akong lumabas ng bahay namin.

Pagkalabas ko agad ko syang nakita, mag lalakad na sana ako papunta sakanya kaya lang...

"Dyan ka lang, dito nalang tayo mag usap sa phone" Sabi nya saakin na kinataka ko. Nakatingin lang sya saakin habang ako naman nasa pinto lang ako ng bahay namin habang nakatingin sakanya.

"Bakit eh magka harap naman na tayo?" Tanong ko sakanya

"Basta, dyan ka lang" sabi nya saakin.

Kaya katulad ng sinabi nya, hindi na ako umalis sa kinatatayuan ko at pinagmasdan ko nalang sya na nakatingin saakin.

"Glad to see you" Sabi nya saakin at tipid na ngumiti, ewan ko ba ang sikip ng dibdib ko, ang sakit kasi hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang sagot sa mga katanungan ko.

"Irish, pwede ba kitang matanong?" Tanong nya saakin

"Ano yun DP?" Sagot ko sakanya

"Bakit mo ba ako minahal?" Tanong nya saakin

"Kasi, pinapasaya mo ako, pinaparamdam mo saakin araw-araw kung gaano mo ako kamahal at lagi mo akong iniintindi" Sabi ko sakanya.

Simple naman syang napangiti sa mga sinabi ko.

"Pano pag hindi na kita pinapasaya, pano kapag hindi ko na pinaparamdam sayo na mahal kita?, pano ka kapag hindi na kita iniintindi?, pano pag nag bago na ako?, mahal mo pa rin ba ako?" Tanong nya saakin

Natigilan naman ako sa sinabi nya. Pano nga pag nag bago sya, ganito pa rin ba ang nararamdaman ko para sakanya?.

" Maiba ako, bakit mo minahal si Justin?"Tanong nya saakin

" DP naman"Sagot ko sakanya

"Just answer my question Miss Sulad, why do you loved him?" Tanong nya.

"Maliban sa gwapo sya at maganda ang boses nya wala na akong makitang iba pang rason kung bakit ko sya minahal, ang alam ko lang non ay mahal ko sya" Sagot ko kay DP.

Mapait naman syang napangiti dahil sa sinabi ko.

"Irish, alam mo naman na mahal na mahal kita diba?" Tanong nya saakin

"O-oo, bakit?"

"At alam ko din na hindi ako yung tao na mahal mo" Sagot nya saakin

"Hindi JC naman mahal kita, kaya nga kita pinili diba?"

"Pero mas mahal mo sya" Sagot nya saakin, napatahimik naman ako dahil  sa sinabi nya.

"Irish, hindi ako galit sa totoo lang, I'm so thankful dahil minahal mo ako sinubukan mo na mahalin ako  at naramdaman ko yun.Hindi ako magagalit sayo kung mas mahal mo sya kasi sapat na saakin na pinaramdam mo na mahal rin mo ako" Sabi nya saakin

"Sa totoo lang, ayoko tong gawin kasi mahal na mahal kita. Pero wala na akong choice kundi ang bitawan ka" Sabi nya saakin.

"DP"

"Irish kahit wala man ako sa tabi mo, tandaan mo na mahal na mahal kita"

"JC sandali, paano mo nasasabi lahat yan?. Hindi mo naman alam yung nararamdaman ko ah, ikaw yung mahal ko hindi sya bakit pakiramdam ko pinapakawalan mo na ako?" Tanong ko sakanya

"JC naman, mahal kita wag naman gawin saakin to, sabi mo hindi mo ako sasaktan pero ano to?" Tanong ko sakanya

"Para to sa ikakabuti natin, kasi Irish nararamdaman ko na kapag sinasabi mo yung I love you saakin hindi ko yun nararamdaman pero kay Justin tingin palang alam ko na agad na mahal na mahal mo sya" Sabi nya sakin

"Hindi totoo yan!"Pagtutol ko sa mga sinasabi nya.

"Alam ko na mag papasalamat ka saakin balang araw dahil ginawa ko ito" Sabi nya saakin

"Alam ko din na magiging masaya ka sakanya, yun naman ang importante"

"Masaya?, DP mukha ba akong masaya?,  kung ikaw iiwan ako at pinapaubaya ako sa iba?" sabi ko sakanya

" Bakit mo ba to ginagawa, diba mahal mo ako? "Tanong ko sakanya

" Oo mahal kita, kaya ko nga ito ginagawa eh kasi alam ko na ito ang makabubuti sayo at dito ka magiging masaya"Sabi nya saakin

"Masaya naman ako sayo ah"

"Pero mas magiging masaya ka sakanya, Irish alam ko na mahal mo pa rin sya, at hindi ako galit" Sabi nya saakin

"Ayoko dumating ang araw na magsisi ka dahil hindi mo sya pinili, ayokong dumating ang araw na sisihin mo ako dahil naging selfish ako. Mas masasaktan lang ako kapag nakita kita na nagsisi dahil hindi mo sya pinili" Sabi nya saakin, nanginginig na rin ang boses nya at alam ko na pinipigilan nya na umiyak sa harap ko.

"Remember your birthday wish?" Tanong nya saakin,

"Ang sabi mo gusto mong makasama ang taong mahal mo" Sabi nya saakin

"Oo at ikaw yun" Sagot ko sakanya

"Hindi ako yun kasi kung ako yun, hindi mo na kailangan hihilingin kasi nandito na ako sa tabi mo" Sabi nya saakin, sobrang sikip ng dibdib ko dahil sa mga sinasabi ni DP saakin ngayon

"Your wish is my command my love" Sabi nya saakin tapos nag lakad na sya pa layo.

"JC, JC!!" Sigaw ko sakanya pero parang di nya ako naririnig at  inend naman na nya yung tawag namin tapos sumakay na sya sa kotse nya tapos umalis na sya.

Sinubukan ko naman na habulin sya pero wala na akong nagawa, naka alis na sya.

"Hindi to totoo Irish hindi, mag bilang ka hanggang 10 babalik din yun" Sabi ko sa sarili ko.

Nag hintay ako pero hindi na bumalik si DP sa loob ng 10 segundo. Ang sakit sobra, napaupo naman na ako at napaiyak nalang.

Iniwan na nga nya talaga ko.

Parang ang bilis mag bago ng lahat.

Mahal ko sya eh, pero...

"Ang sabi mo mahal mo ako pero bakit iniwan mo ako?" Tanong ko tapos napaiyak na ako.

Alam nyo pa yung mas masakit, ganitong paraan nag simula ang lahat, tapos sa ganitong paraan din pala matatapos ang lahat.
-

After nang nangyari saamin, hindi ko na nakita ulit si DP nalaman ko na nag transfer sya ng school  tapos nasa US na sya.

Sinubukan ko din si kontakin pero wala, mukhang tinggal nya lahat ng connection saakin.

Napaupo naman na ako sa hallway at umiyak.

Pano mo to nagawa saakin Jc, bakit?..

-

DP's POV

Habang nakasakay ako sa kotse ko parang gusto kong bumalik para yakapin sya pero tinapangan ko ang sarili ko at nag drive nalang pa layo.

Bawat kataga na binitawan ko sakanya parang pinapatay ko na din ang sarili ko. Ayaw kong gawin yun, ayoko syang bitawan kasi mahal na mahal ko sya, pero wala eh kailangan.

Alam ko na hindi mo maiintindihan sa ngayon itong nagawa ko. Pero balang araw maiintindihan mo din.

At pag dumating ang araw na yun, at nagkita tayo ulit your gonna thank me at kapag nangyari yun, my answer will always be the same.



- THE END -

LOSE YOU TO LOVE ME(PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now