Chapter 8

55 7 0
                                    


Irish Kristel POV

Asa ice cream parlor kami ni Milcris ngayon, sakin ay chocolate ice cream habang sya, oh my god halos lahat ng flavors hay nakakahiya talaga tong babae nato kahit minsan.

''So ano na ang ganap, bakit sya ang kasama mo at hindi si Justin?"  Tanong nya saakin. 

''Kasi nga eto yun,may gf na si Justin'' walang gana kong sabi sakanya sabay subo ng ice cream.

''Huh!!'' sigaw nya, pinadilatan ko naman sya ng mata kasi sumigaw ba naman with matching may pahulog pa ng kutsara galing bibig.Napatingin tuloy lahat ng tao dito saamin, hayy mababatukan ko na tong babae nato eh.

"Paki-hinaan naman ng konti yung volume ng bibig mo, ang ingay eh nakakahiya oh" Sabi ko sakanya kasi napatingin saamin lahat ng customer dito, eh karamihan pa naman dito ay studyante galing school namin.

''P-pano at kailan?'' sunod sunod na tanong nya saakin.

''Isa-isa lang kasi, kanina nung splash night dun lang naging sila'' sabi ko kay Milcris na napatango tango pa.

''Woii, maiba ako akala ko ba tinatamad ka tapos bigla kang andito?, ano ba yung sinabi sayo ni DP?'' tanong ko sakanya

Yan ang emergency ni Milcris, bigla daw syang tinamad at kailangan na daw nyang umuwi dahil sa sakit nyang uwi syndrome, yung tipong hindi ka pa man nakakapasok gusto mo na agad umuwi.

''Yung DP na yan ang may kasalanan takutin ba naman  ako na tanggalin yung scholarship ko pag di kita sinamahan, hayy '' paliwanag nya ayun naman pala,. Scholar kasi kami dito nila Pau at sila DP ang may ari kaya pwede nya nga tanggalan ng scholarship si Milcris dahil kota to sa log book ng school sa dami ng school violations nya.

''Pero nasa kanya na ang boto ko, DP na sayo na ang basbas '' sabi ni Milcris at may pataas taas pa ng kamay, kahit kailan talaga eh nakakahiya yung babae na to.

''Woi, ibaba mo nga yan kahit kailan talaga nakakahiya ka!'' sabi ko kay Milcris tapos binaba na nya ung kamay nya

''Pero bitch, seryoso ok  ka lang ba?'' tanong nya saakin

Napa buntong hininga naman ako at napasandal ako sa inuupuan ko, hindi ko kasi maintindihan yung nararamdaman ko, masaya ako kasi masaya sya pero at the same time syempre masakit kasi hindi ako yung dahilan kaya sya masaya.

-

Mga 1 week na rin simula ng splash night. Umiiwas na ako kay Justin simula nun. Natatakot na kasi ako na ma-fall sakanya lalo na hindi naman nya kasi  ako sinasalo.Nag decide lang ako na mag move on na para sa ikabubuti ng lahat,wala naman kasing sense kung itutuloy ko pa, bakit pa kasi ako lalaban alam ko naman na may nanalo na.

Halos lahat ng pag iiwas na kaya ko ginawa ko na, hay pero ang hirap mas lalo na kung sya yung lalapit nako tukso layuan mo ako. Kailangan kong panindigan ang pangako sa sarli ko na ako muna, sarili ko muna ang mamahalin ko.

Recess nanamin ngayon at asama ko ngayon si DP, lagi nalang sya yung kasama ko dati si Justin sila Milcris kasi naging busy na dahil member sya ng theater club tapos si Pau syempre kasama nya si MJ

Gusto ko pa din naman si Justin, the thing is masakit pa kasi lalo na kapag nakikita ko sya. Naiinis lang ako lalo sa sarili ko pag nakikita ko silang dalawa na masaya, dapat ako yun eh. Pero anong magagawa ko, pag pinilit ko ako din ang talo sa huli kasi pinilit ko kahit hindi na dapat.

Hayy ang complicated pala na mainlove lalo na kapag nainlove ka sa taong alam mo na hindi naman mapapasayo.

"Aren't you going to eat?" tanong saakin ni DP, natauhan naman ako at tinuon nalang ang buong atensyon ko sa pagkain ko.

LOSE YOU TO LOVE ME(PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora