Chapter 13

29 4 0
                                    

Irish Kristel POV

1 week na simula nung anniversary namin ni DP, hindi pa din ako maka move on.

Nasa school na kami ngayon, currently nasa klase ako. Katabi ko si Justin of course.

"Class I have an announcement. This coming September 2 we will be having our foundation week, so magkakaroon tayo ng pageant per department"Sabi nung prof namin

" So sino ang gustong mag participate?, bibigyan ko ng plus sa performance" sabi ng prof namin.

"Ma'am si Justin Alvarez, mananalo tayo dyan gwapo sir" Sabi nung isang kaklase ko.

"Ano Mr Alvarez ok lang ba sayo?" Tanong sakanya ng prof namin.

" Yes sir, ok lang po" sagot nya.

"Well sino sa girls?" Tanong ulit ng prof ko.

Wala naman akong paki sa ganyan-ganyan. Kaya nag phone nalang ako at minessage si DP,

"What are you doing Miss Sulad?"

                            "Minemessage ka"

"In the middle of the class?"

"Bakit, tapos naman na yung discussion namimili nalang kung sino yung ipaglalaban sa pageant"

"MISS SULAD!" bigla ko naman naitago yung phone ko dahil sa sigaw nung prof ko.

"S-sorry po sir" Kinakabahang sagot ko sakanya

"Who give you the permission na mag phone sa klase ko?" Tanong nya saakin, hay paano ba yan?. Kukunin nya ba ang phone ko?.

"Sorry po sir, hindi na po mauulit"

"Bilang punishment mo, ikaw na ang pambato ng department natin sa dadating na pageant" Sabi nung prof ko na kinalaglag ng panga ko.

"Sir babawi nalang ako sa ibang bagay, kunin nyo nalang phone ko. And besides marami namang magandang babae dyan eh" Sagot ko kay sir.

"I'm sorry Miss Sulad but my decision is final. That's all for today class dismissed" Sagot ni sir saakin tapos lumabas na sya ng room

Hindi na ako nakapag salita, grabe kana ma'am, pano na to?.

-

"Hey, bakit kanina ka pa tulala dyan?" Tanong saakin ni DP. Uwian nanamin ngayon pero dumaan muna kami sa isang park. Mga 5pm nadin kaya sunset na, ang ganda nga eh.

"Ah-eh kasi, hay kasi naman yung prof ko nahuli ako kanina edi ayun, ako na yung ginawang pambato para sa pageant sa foundation week.  Anong gagawin ko dun, eh wala naman akong alam sa mga ganyan-ganyan" Sabi ko kay DP

"You can do it Miss Sulad, alam ko na magagawa mo hindi mo naman kailangan manalo, you just need to do your best para di ka mapahiya" Sabi ni DP saakin. Napangiti naman ako ng konti sa sinabi nya at kahit papano gumaan ang loob ko.

"So, sino yung kapartner mo, ibang section?" Tanong ni DP saakin

"Hindi" Sagot ko sakanya

"Who?" Tanong nya saakin

"Si Justin" Sagot ko sakanya.

Magagalit ba sya?, mag seselos?, hay ito pa yung isang kanina ko pa iniisip eh.

"Hmm, I see tara na umuwi na tayo para makapaghanda kana sa pageant mo, dahil kailangan ng girlfriend ko ng beauty rest" Nakangiting sabi ni DP saakin tapos hinawakan na nya ang kamay ko.

"H-hindi ka galit?" Nag tatakang tanong ko sakanya

Humarap naman sya saakin tapos kumunot yung noo nya

"Why would I?" Tanong nya saakin

"Eh kasi si Justin yung kapartner ko"

"And?"

"Hindi ka talaga galit or what?" Tanong ko.

Huminga naman sya ng malalim tapos tumingin saakin ng seryoso

"Irish look, kung magagalit at mag seselos ako parang ang immature ko naman nun and besides it's just a pageant at alam ko na hindi yun makakaapekto saatin. Irish hindi kita pipigilan or pagbabawalan kung may gusto kang gawin or kung may kaibigan ka na lalaki, ayaw kitang masakal. Do what ever you want and I will always be here to support remember that Miss Sulad"Sabi nya saakin

Kinilig naman ako sa sinabi nya, hay napaka gwapo, ang mature mag isip, matalino mabait lahat na na sakanya, kaya hindi ko to sasayangin dahil bibihira nalang ang makatagpo ng katulad nya na total package.

"So uuwi na tayo?" Tanong nya saakin

"Sige, pero bili muna tayo ng buko" Sabi ko sakanya

"Sabi na eh, buko lang?" tanong nya saakin

"kwek-kwek din" Sabi ko na kinatawa nya.

Hay I love this, gusto ko kapag ganito kami ni JC, gusto ko yung ganito sya saakin. Sana wag syang mag bago kasi ako hinding hindi ako magbabago sya lang ang lalaki na mamahalin ko.

-

Someone's POV

"Ano ganyan ka nalang, sasaktan mo nalang ang sarili mo habang pinapanood sila na masaya?" tanong nya saakin

"Oo, wala naman akong magagawa eh hanggang dito nalang ako" Walang gana kong sagot sakanya

"Ewan ko sayo, marami namang iba dyan, mas maganda pero bakit sya?" Tanong nya saakin

"Sa totoo lang, hindi ko din alam ang sagot kung bakit sya, kung bakit wala akong nakikitang iba pag sya na ang nasa harapan ko" Sagot ko sakanya habang nakatingin pa din kela DP at Irish na masayang kumakain ng kwek-kwek at nag tatawanan.

"Ewan ko sayo Justin, so ano hanggang kailan ka mag hihintay?" Tanong nya saakin

"Hanggang sa kaya ko" Tipid kong sagot sakanya.

Naramdaman ko naman na umalis na sya, guess what kung sino sya, si Jen oo wala nang kami pero naging magkaibigan nalang kami kasi we realized na mas maganda pala kung magkaibigan na lang kami, iba yung bond namin as a friend eh kumbaga yung na build naming relationship hindi sya sapat para maging boyfriend and girlfriend though we have feelings for each other pero hindi ganon katibay kaya nga kami puro away bati dati eh.

Jen made me realize kung sino talaga taong  mahal ko, Si Irish pero wala na, huli na ako. Asa akin na sya eh, pero hinayaan ko syang mawala at mapunta sa iba.

Kahit magsisi ako, huli na alam ko na hindi na ako at kahit kailan hindi na magiging ako kaya kahit masakit.

Kontento na ako na mahalin sya sa malayo.

LOSE YOU TO LOVE ME(PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)(UNDER REVISION)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ