Chapter 19

40 6 0
                                    


Irish Kristel POV

May pasok kami ngayon, nag taka nga ako kasi first time ako hindi nasundo ni DP tapos wala din sya sa school. Absent daw sya bakit kaya?, eh kahit may sakit yun puma-pasok pa din yun eh, bakit kaya sya absent?.

Tinatawagan ko din sya kanina pa pero cannot be reached naman hay mababaliw na ata ako kakaisip kung ano ang nangyari kay DP.

Nagulat naman ako nung makasalubong ko si Jen sa hallway. Ewan ko ba kung bakit lagi tong napapad dito sa department namin.

Nilagpasan ko sya kasi siguro hinihintay nya si Justin, pero nagulat ako nung hinawakan nya yung braso ko.

Napatingin naman ako sa kamay nya na nakahawak sa braso ko at tsaka ako tumingin sakanya.

"Bakit!" Iritadong tanong ko sakanya

"Can we talk?" Tanong nya saakin

"About what?" Tanong ko sakanya

"About your lovers" sagot nya sakin na kinataka ko

"Huh?"

"About Justin and JC"Sabi nya saakin

" Anong lovers ang pinag sasabi mo?, and besides ano naman ang pag uusapan natin tungkol sakanila? "Tanong ko kay Jen

"Let's go somewhere else" Sabi nya saakin tapos hinila nya ako palayo, dinala nya ako sa garden ng school namin kung saan konti lang yung studyante na nag pupunta.

"Anong pag uusapan natin tungkol sakanila Jen? "Tanong ko sakanya

"Irish, sino ba talagang ang mahal mo sakanila, si Justin o si JC?" Tanong nya saakin

" Of course my boyfriend!" Sagot ko sakanya

" What a liar, alam ko kung sino talaga Irish, mag isip ka nga ng mabuti! "Iritadong sabi nya sakain

Bigla namang nag init yung ulo ko dahil sa sinabi nya saakin

" Who the hell do you think you are Jen, hindi mo alam kung ano yung nararamdaman ko. I know I love JC more than anyone else!" galit na sagot ko sakanya

Inis naman syang na patawa sa sagot ko.

"Yan ang sinasabi ng bibig mo, pero yan ba talaga ang sinasabi ng puso mo?"

Bigla naman akong napatigil dahil sa tanong nya saakin.

"Kitang-kita na Irish. Ano ba yung nakikita mo kay Justin, ano ba yung nararamdaman mo para sakanya at ano din yung para kay JC, come on Irish mag isip ka dahil yung mga tao sa paligid mo yung nahihirapan lalo na yung sinasabi mong taong mahal mo!" Inis na sabi nya saakin tapos umalis na sya sa harapan ko

Pag tingin ko sa likod ko nakita ko dun si Justin. Pinuntahan naman sya ni Jen. Tumingin naman saakin si Jen tapos nagulat ako nung hinalikan nya si Justin sa harapan ko.

Bigla sumikip ang dib-dib ko at parang gusto kong sabunutan si Jen hanggang mawala yung buhok nya. Teka bakit ako nasasaktan ng ganito?, hindi naman yun si DP si Justin yun eh.

Bigla kong naisip kung kay DP ba nya yun ginawa masasaktan din ba ako ng ganito?.

Hindi ko na kontrol ang katawan ko na sugurin si Jen, hinila ko sya palayo kay Justin tapos sinampal ko sya ng malakas.

Napangisi naman sya saakin dahil sa ginawa ko sakanya, kaya napahinto ako sa nagawa ko. Bakit ko yun nagawa?, bakit ko sya sinampal?.

"kung kay JC ko ba ito ginawa, ganyan din ba ang gagawin mo saakin?" Tanong nya saakin.

"Bitch!" Sagot ko sakanya, napangisi naman sya sa sagot ko.

"I'm not your friend and I'm not also your enemy Irish.Tinulungan ko lang kayo kasi ayaw kong nakikitang nasasaktan ang taong mahal ko habang kayo, ikaw masaya sa ibang tao"sabi nya saakin

"Alam mo ba kung bakit kami nag hiwalay ni Justin? " tanong nya saakin

"Dahil sayo Irish, wala syang ibang mukhang bibig kundi ikaw, pati sa parents nya ikaw kahit na ako yung kasama nya. Sobra din akong nasasaktan pag nakikita ko sya kung paano ka nya tingnan, mahal na mahal ka ni Justin" Sabi nya saakin tapos nag simula na syang umiyak.

"So ano ngayon, ano ang gusto mong palabasin?" I asked her

"Gawin mo yung ginawa ko, pakawalan mo yung isa kasi alam ko kung gaano kasakit na makita ang taong mahal mo na mas mahal ang iba" sagot nya saakin

"Mahal ko si DP, ikaw kung mahal mo si Justin bakit hindi mo sya ipaglaban, bakit pinapaubaya mo sya sa iba?" Tanong ko kay Jen

"Kasi wala akong choice, kahit ipilit ko yung sarili ko alam ko na ikaw pa din ang mahal nya. Kung ipipilit ko ang hindi dapat mas lalo lang kaming masasaktan kaya Irish kung mahal mo si JC mag isip ka, wag mo syang pahirapan. Sino ba talaga ang mahal mo sakanila?" Tanong nya saakin

Umalis naman na sya sa harapan ko at naiwan akong tulala, sinundan naman sya ni Justin.

Ako naman napaiyak nalang ako. Kasi bakit ganon, ang unfair ko kay DP, bakit ganito yung nararamdaman ko. For some reasons, kung mahal ko talaga sya bakit kailangan kong malito?, bakit ganon na lang ang nararamdaman ko kay Justin. Ayaw ko syang may nakikitang may kasama na iba.

Baka tama si Jen, baka dapat ko nang tanungin ang sarili ko kung sino ang mahal ko.

LOSE YOU TO LOVE ME(PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin