Chapter 4

49 9 0
                                    


Irish Kristel POV

1 month later...

Close na kami ni Justin ngayon, Oo close na kami pero hindi nya alam na may feelings ako para sakanya, kahit naman gusto kong umamin wala akong magawa. Ang importante close na kami yun lang.

Magkasama kami ngayon ni Justin papunta sa music room. Dito kami lagi tumatambay tinuturuan nya rin kasi ako kung paano mag gitara. Dati ko pa pangarap matuto mag gitara eh. Binilan panga ako nun ni tita pero hindi ko naman magamit bukod sa lima lang yung string, hindi din ako marunong.

Pero sino ang mag aakala na ang magtuturo saakin ang lalaking pinapangarap ko diba?.

"Yan, down up, up down up down" sabi ni Justin habang nag iistrum ako.

"G na" sabi ni Justin kaya nilipat ko na yung daliri ko. Kaya lang nahihirapan ako.

"Hindi kasi ganyan" sabi nya tapos tumayo sya sa pag kakaupo nya sa table at nag lakad papunta sa likuran ko

"Ganito kasi" sabi nya saakin tapos hinawakan nya ang kamay ko. Takte naman Justin, hindi na ako makahinga sa ginagawa mo. Kilig na kilig na ako HAHAHAHA.

"Yan" sabi nya tapos pumunta na sya sa harapan ko tapos ngumiti sya.

-

"Mabilis ka palang matuto" sabi ni Justin saakin, naglalakad-lakad kami ngayon sa campus since vacant naman namin.

"Syempre, fast learner ako eh" sabi ko sakanya, natawa naman sya sa sinabi ko.

"You know, I like you right now" sabi nya na nag pahinto sa mundo ko.

Ano daw?, g-gusto nya ako talaga. Joke ba to, feeling ko namumula na ako ngayon, sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.

"I mean, I like you as my friend hindi ka kasi boring kasama. Tsaka hindi ka din katulad nila" sabi nya saakin kaya na patingin ako sa tinuro nya, ahh yung mga fans nya na kilig na kilig sakanya.

"Kaya to nakakausap kita ng ganito at hindi ako naiilang sayo" sabi nya saakin.

Justin kung alam mo lang,  katulad lang din nila ako.

"Tara na nga malapit na mag bell" sabi nya tapos inakbayan nya ako.

Kyahhh, kilig na kilig ako ngayon sa ginawa nya. Inakbyan nya ba naman ako, aishsishi.

-

"So ano, habang buhay ka nang best friend?" tanong saakin ni Milcris tapos kumagat sya ng burger na hawak nya.

Uwian naman na namin. Kumain lang kami dito sa tabi ng school namin,  si Pauleen naman nauna na saamin mukhang may LQ sila ni MJ.

"Ewan, eh sa dun sya komportable anong magagawa ko" Sabi ko sakanya

"Ewan ko sayo Irish, sinasaktan mo lang yang sarili mo. Well kailan mo balak umamin?" tanong nya saakin

"Ewan, baka hindi na mas ok na  best friend atleast kasama ko sya period" sagot ko sakanya.

Napailing nalang si Milcris at uminom ng lemonade.

"Bahala ka Irish" sabi nya.

-
1 week later

Nasa school ako ngayon wala naman kaming klase foundation week kasi so ibig sabihin, isang linggo kaming walang klase puro kainan at mga booths lang yung nandito.

Dahil nga nasa art club kami ni Justin gumawa kami ng art exhibit booth. Karamihan dito paint ko yung iba naman kay Justin.

"Alam mo ba na yung painting na ito  ay para sa taong gusto ko" sabi ni Justin saakin habang nakatitig kaming dalawa sa painting na ginawa nya.

LOSE YOU TO LOVE ME(PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu