Chapter 15

29 6 0
                                    


Irish Kristel POV

Asa dressing room na kami ngayon, pageant na kinakabahan ako ng sobra as in yung kaba ko sobra-sobra, lalabas na ata yung puso ko eh. Hayy

Napatingin naman ako kay Justin, napahinto naman ako at tiningnan sya saglit at nag iwas ulit ng tingin. Ang gwapo nya.

Teka bakit sinasabi ko to, bakit ako nagwagwapuhan sakanya?.

"Ang ganda mo Irish, sige kita nalang tayo sa backstage"Sabi nya saakin.

Bakit ganon may naramdaman akong kilig nung sinabihan nya ako ng "maganda", bakit ba ganito yung nararamdaman ko sakanya?. Bakit parang halos lahat ng pakiramdam ko pag kasama ko si DP nararamdaman ko din sakanya?. Ano bato, bakit ganito?.

Napalunok naman ako kasi tinatawag na kami papunta sa stage.

Pagkakita ko sa backstage nakita ko agad si Justin kaya nag lakad na ako papunta sakanya.

"Hoo, kaya ko to, go Irish kaya mo yan" Bulong ko sa sarili ko. Tapos hawak-hawak ko yung rosario ko.

Napahinto naman ako sa pagadadasal nung hinawakan ni Justin ang kamay ko at boom nung hinawakan nya ang kamay ko bigla nalang may boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko at bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nararamdaman ko din to kay DP pero bakit ganon, bakit parang mas iba kay Justin, ewan ko ba ang hirap i-explain.

"Wag kang kabahan Irish, kung magkamali ka man, handa din akong magkamali para sayo" Sabi nya saakin feeling ko pulang pula na yung mukha ko dahil sa sinabi nya.

Lumabas na din kami ng backstage nung tinawag kami. Jusko lord wag sana akong matapilok at mag kamali.

-

DP's POV

Nasa harap ako ngayon at nanonood ng pageant, pa simple naman akong napangiti nung lumabas na sila Irish. Wala akong masabi sobrang ganda nya talaga.

Pero halos maihagis ko yung mono block na inuupuan ko nung napanood ko yung prod nila. Takte kailan talaga may pahawak sa neck at bewang pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam ko na pageant lang to at may tiwala ako kay Irish.

Talent Portion na, lumabas naman silang dalawa, si Justin naka simple polo shirt and jeans tapos may gitara sya tapos si Irish naman naka simple dress at ribbon. Kahit simple lang yung soot nya, walang nag bago maganda pa din.

"Mabuti pa sa lotto
May pag-asang manalo
'Di tulad sa'yo, imposible
Prinsesa ka, ako'y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayari
At kahit mahal kita, wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta
Pangarap lang kita"

Maganda yung boses ni Justin, isa yan sa mga dahilan kaya sya nagustuhan ni Irish noon eh.

Alam ko na may gusto si Justin kay Irish dati pa at alam ko din na hanggang ngayon it's so obvious. Buti nalang hindi sya gumagawa ng move para makuha si Irish saakin.

I know he can do it, I know he can win her back. Pero buti nalang hindi, kasi yun ang kinakatakot ko. Wala naman akong kinakatakot sa buong buhay ko, kung meron man yung heights, just kidding. Kung meron man ay ang mawala ang babaeng mahal ko.

"Ang hirap maging babae
Kung torpe yung lalaki
Kahit may gusto ka, 'di mo masabi
Hindi ako iyong tipong nagbibigay motibo
Conservative ako kaya 'di maaari
At kahit mahal kita, wala ako magagawa
Tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kita"

I know it sounds gay pero kinikilig ako habang kumakanta si Irish, yan na ang pinaka magandang boses na narinig ko sa buong buhay ko.

"at kahit mahal kita (minamahal kita)
Wala ako magagawa (walang magagawa)
Tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kita

At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita

At kahit mahal kita (minamahal kita)
Wala akong magagawa (walang magagawa)
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita, pangarap lang kita"

Bakit ganon, nung nag duet sila may naramdaman ako of course yung chemistry nila kaya halos mamatay na sa kilig yung mga katabi ko, pero may isa pa.

Nasasaktan ako, kasi the way she looks at him, it pisses me off.

At dahil pinipigilan ko ang sarili ko,  pinakalma ko na muna ang sarili ko at inalala lahat ng pinaromise ko kay Irish na hindi ako mag seselos kay Justin.

Tinapos ko yung pageant, hindi naman sila yung nanalo pero proud ako sa girlfriend ko kasi she nailed it. Papunta na ako sa back stage para ibigay yung roses na hawak ko para I congratulate sya, pero parang hindi na nya ata kailangan.

I saw her, magkayakap sila ni Justin. Grabe pigil na pigil na ako magseolos, kasi alam ko yung promise ko pero kahit anong pigil ko ang hirap eh.

Tumalikod naman na ako para sana mag lakad paalis pero may narealize ako. Bakit ako yung aalis eh girlfriend ko sya, kung may dapat mang umalis hindi ako ako yun.

Kaya naman nag lakad na ako pabalik

"Ehem, can I borrow my girlfriend Mr alvarez?" seryosong tanong ko sakanya. Nagulat naman si Irish nung makita nya ako at agad syang napabitaw kay Justin.

"Sige Irish, congrats ulit" Sabi nya kay Irish tapos umalis na sya sa harapan namin.

"So, congratulations Miss Sulad you nailed it I'm so proud of you" Sabi ko sakanya tapos inabot ko sakanya yung roses na hawak ko.

"Hindi naman ako nanalo eh" Sabi nya saakin, napangiti naman ako tapos hinawakan ko ang kamay nya .

"Miss Sulad naalala mo yung sinabi ko sayo dati before the pageant ang sabi ko sayo hindi importante na manalo ka  ang importante atleast you tried" Sabi ko sakanya

Napangiti naman sya dahil sa sinabi ko

"Thank you" Sabi ko saakin.

"I love you" Sagot ko sakanya.

Bakit ganon, iba yung tingin nya saakin. Hindi katulad nung tingin nya kay Justin nung nag duduet sila kanina. Ayokong pag dudahan ang pagmamahal nya saakin kasi alam ko na mahal na mahal nya ako. Pero somehow hayy, masyado lang siguro ako nainsecure kay Justin kaya kung ano-ano na yung puma-pasok sa utak ko.

Wala lang to, alam ko na mahal ako ni Irish at yun ang importante.

LOSE YOU TO LOVE ME(PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now