Chapter 6

46 7 0
                                    


Irish Kristel POV

Kasama ko si Justin ngayon, last day na kasi ng foundation week meaning splash night nanamin mamaya.

Inaya nya ako dito sa music room para makapag practice pa kami ng husto para mamaya.

"Irish"

Napatingin naman ako kay Justin nung tinawag nya ako.

"Bakit?"

"Ayos lang ba yung kinanta ko?" tanong nya saakin.

Napansin nya siguro na parang wala ako sa sarili ko. Iniisip ko kasi yung nakita ko kahapon. Ang sakit kaya. Ang sakit nung nakita ko kahapon. Kainis bakit ko ba kasi nakita yun.

"Ah, Oo maganda mukhang handa ka na para sa splash night ah" sabi ko sakanya tapos ngumiti ako kahit na nasasaktan ako ngayon. Pinilit ko pa rin na umarte ng normal sa harapan nya. Pero baka naman kasi wala lang yun. Nako Irish lahat nalang binibigyan mo ng malisya parang kanang si Milcris nyan eh.

"Medyo kinakabahan lang ako" sabi nya saakin

"Bakit?, ikaw si Justin Alvarez kahit pumiyok ka mamaya mahal ka parin naman ng mga fans mo" sabi ko sakanya.

"Hindi naman yun ang kina kakaba ko" sagot nya saakin.

" Eh ano?"

"Baka kasi di nya magustuhan" sabi nya saakin.

"Ano ka ba, magugustuhan ng lahat ng babae sa campus yang performance mo" Nakangiting sabi ko sakanya, ngumiti naman sya saakin

"Sana nga" sabi nya. Tumayo naman na sya sa pagkakaupo nya sa table tapos binaba nya muna yung gitara nya tapos hinawakan nya yung wrist ko.

"Tara, Irish samahan mo ako" sabi nya

"Saan?"

"Basta" sabi nya saakin. Nakatingin lang ako sakanya habang nag lalakad kami.

"Sana saakin lang sya ganito, sana saakin nya lang to ginagawa"

Yan lang ang tumatakbo sa isip ko habang nag lalakad kami ngayon.

Huminto naman kami sa bilihan ng mga couple merch. Bakit naman ako dinala ni Justin dito. Eh lahat ng nag pupunta dito eh mag jojowa eh kami MU lang, wow ako na nag label char BFF lang kami.

Pagkatapos nyang bumili ng kung ano ano, lahat tinatanong nya saakin kung maganda ba to?, kung ayos lang?.

"Bagay sayo" nakangiting sabi ni Justin saakin, pinasukat nya kasi saakin yung necklace na binili nya. Paheart na diamond yung style nung necklace

Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya.

"Ang cute ng teddy bear na black sabi ko habang nakatingin ako sa teddy bear na naka sabit sa isang stall.

" Talaga, tingin mo pag binigyan ka ng ganyan ng isang lalaki sasagutin mo? "tanong nya saakin.

" Oo basta ikaw, este depende"Shota nadulas ako dun ah.

Actually ang weird ni Justin. Puro ganon yung mga tanong nya saakin. Aamin na ba sya na may gusto sya saakin yieeee kyahhhh kinikilig ako, wag kang ganyan Justin, hindi pa ako ready HAHAHA.

-

Ok na tong mga nabili natin, sige mag pra-practice lang ako at mag hahanda para sa splash night mamaya.

"Sige, samahan nakita" sabi ko sakanya.

"No, wag na ako nalang. Mag prepare kana para mamaya" Sabi nya saakin tumango tango nalang ako sa sinabi nya, kyahhh baka kasi kaya ayaw nya akong pasamahin kasi baka malaman ko yung surprise confession nya para saakin, Justin wag kang ganyan baka bigla kitang masagot hindi pa ako ready HAHAHA.

LOSE YOU TO LOVE ME(PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now